Chapter 10

223 6 0
                                    


"Secret." Kinindatan niya ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ni hindi ko nga dala ang passport ko. Wait, dala niya ba ang passport ko? Sabagay, naiwan ko iyon roon sa bahay namin. So dala niya nga?

At nalaman ko na lang kung saan kami pupunta nang pumasok na kami sa immigration. Mukha nga akong tanga dahil wala talaga akong alam. Mabuti na lang at kasama ko si Jhon Rey para magpaliwanag para sa akin.

"Yes, she's my wife. I'm going to bring her to her dreamland. She doesn't really know about this because it is a surprise."

"Mukhang nasurpresa nga talaga siya, Sir."

Gusto kong magmura. Hindi lang dahil pupunta kami sa Japan, kundi dahil ipinakilala niya ako bilang asawa niya. Maluha-luha ako nang makasakay kami sa eroplano pagkatapos ng ilang minuto. Grabe, dalawa lang kami. Walang plano plano at hinatak niya lang ako. At ako itong si tanga na sumama.

This is my first time traveling with him, and the thought of it na dalawa lang kami made me feel so happy. May halong kaba pero na-eexcite ako. Totoong nasusubukan nga ang tapang ko dahil hindi alam ni dad ang tungkol dito. Pero wala na akong pakialam. Si Jhon Rey naman ang kasama ko, siya na ang bahalang sumalo ng pagalit ni dad. Siya ang nagtakas sa 'kin, eh. Sabihin ko na lang na masyado akong marupok para tanggihan siya.

Almost 5 hours ang byahe namin sa ere. Magkatabi lang kami ni Jhon Rey sa upuan habang magkahawak ang aming mga kamay. Ang saya! Para kaming mag-asawa na pupunta sa aming honeymoon trip. Saan niya kaya ako dadalhin? Saan sa Japan?

Nakatulog ako buong byahe. Pareho kami. Nagising lang kami nang i-serve na sa amin ang dinner. Grabe, hindi ko inaakalang makakalabas ako ng bansa. Unang beses ito sa buong buhay ko.

"You have something on your lips," sambit niya. Pinunasan ko naman iyon.

"Meron pa rin."

"Sa'n banda?" Ngumuso ako para sabihan siyang punasan na lang ang labi ko kung saan niya nakikitang may dumi.

"You have something on your lips," pag-uulit niya.

"Saan nga kasi?" Kumunot ang noo ko, pero nawala iyon nang halikan niya ako.

"And that's my lips."

Natawa ako sa ginawa niya at napapalo sa kaniya. Hindi ko maitatangging namula ako roon. Lalo pa't dalawa lang kaming magkasama at wala sila dad para kontrahin kami, baka anong magawa ko rito sa loob ng eroplano. Pero syempre, behave ako. Kahit patay na patay ako kay Jhon Rey lalo na sa itsura niyang nakakaakit ay hindi ko pwedeng ipakitang hayok na hayok ako sa kaniya.

Nagtake-off na ang sinasakyan namin at dederetso na kami sa hotel. Seriously, hindi ako makapaniwalang sa isang iglap lang nasa Japan na ako.

"Sobrang lamig, Jhon Rey," komento ko.

"Sandali, bibili tayo ng makapal na jacket. Sipunin ka nga pala."

Niyakap niya ako bago ako inalalayan papunta sa store. Pareho kaming bumili ng jacket namin. Binilhan niya rin ako ng gloves at earmuffs.

Pagkatapos ay sumakay na kami sa kotse kung saan iyon ang magdadala sa amin sa hotel. Wala kaming dalang gamit kundi ang aming mga sarili lang. Nakakatawa. Ang sarap palang tumakas kasama ang mahal mo.

"Tomorrow, we'll go to your dream place. That's my gift for you for being the cum laude of our class," sambit niya habang hinuhubad ang makapal na jacket. Nakapasok na kami sa room namin at anong oras na rin kaya pinili naming magpahinga na lamang para bukas marami kaming energy.

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon