Chapter 26

158 6 0
                                    

Napansin kong lumapit si Rod sa kapatid niya para mag-usap. Nakita ko rin ang mga kaklase kong nag-eenjoy sa kani-kanilang mga ginagawa. May iba na kumakanta, pero karamihan ay nagkukuwentuhan habang kumakain at umiinom. Tama. Ang sole purpose ng party na ito ay hindi lang para i-celebrate ang birthday ng kaibigan kong si Anne kung hindi para mag-unwind as a reward sa graduation namin at paghihirap sa pagrereview sa exam.

Ipinasada ko pa ang mga mata ko sa buog kwarto at nakita ko si Jhunel. Nakita niya akong nakatingin sa kaniya at tumango lang siya bago uminom ng alak.

Si Krista naman at si Rhann ay kanina pa ako inaalok na kumain. Narito lang sila, pero ang nakakatuwa ay narito rin si Brent na kanina pa pasulyap-sulyap kay Rhann. Bakit kasi hindi na lang umamin? Mag-date na kayong dalawa! Tama na ang pagtitig at yayain nang lumabas!

"Kain na, Sheen May," muling pagyaya sa akin nila Rhann.

"Mamaya na siguro. Hinihintay ko pa si Jhon Rey," sagot ko. Kinuha ko ang phone ko para magpadala ng mensahe kay Jhon Rey. Tinanong ko kung nasaan na siya at sinabi ko ring narito na ako sa party.

Pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa ring sagot mula sa kaniya. Siguro nasa byahe na siya at nagmamaneho kaya hindi mahawakan ang cellphone. Nagdesisyon akong pumunta na lang muna sa comfort room para mag-retouch dahil baka mamaya ay dumating na si Jhon Rey. Gusto ko maganda ako sa paningin niya ngayong gabi. 

"Anne, labas lang ako saglit," paalam ko sa kaibigan ko. 

"Saan ka pupunta?"

"Sa c.r. lang."

"Gusto mo samahan kita?"

"Naku, hindi na! Kaya ko na!"

Nagpatuloy na ako sa paglakad palabas. Minsan naiisip ko kung gaano kahaba ang pasensyang mayroon ako para kay Jhon Rey, ultimo sa mga pagkakataong ito na nawawala talaga siya. Iniintindi ko na lang at nilalawakan ang pag-iisip katulad ng ginagawa niya sa akin kapag tinotopak ako. Tama 'yong sabi nila na bigayan lang. Of course, may sarili siyang buhay at ganoon din ako, pero may mga oras talaga na hindi ko mapigilang mag-isip kung nasaan siya at kung anong nangyayari sa kaniya. 

I always ended up thinking, "Kung maikakasal na ba kami, mas marami na bang oras na magkakasama kami o mamimiss ko lang siya lalo dahil mahahawakan ko nga ang kamay niya pero hindi ganoon katagal?"

I wonder how my mother can handle it, even Jhon Rey's mom. Paano sila nakatutulog sa gabi gayong wala ang mga asawa nila sa tabi nila dahil abalang-abala sa pagtatrabaho at pag-aasikaso sa kumpanya? Ngayon palang na hindi pa ako legal na asawa, ganito na kalala ang pangungulila ko kay Jhon Rey. Paano kung may karapatan na ako sa kaniya? Magiging toxic ba ako dahil gusto ko ng maraming atensyon? Masasakal ko ba si Jhon Rey kung maging ganoon ako?

Hinawakan ko ang tiyan ko. "Siguro ang dahilan kung bakit kailangan kang mabuhay sa mundong ito, Joshen, ay para sa akin, para samahan ako. Pasensya ka na kung hindi ka pa man lumalabas sa mundo ay naaatangan na kita ng responsabilidad sa akin. Ayokong malungkot habang wala ang papa mo; pasasayahin mo naman ako, hindi ba?"

Napabuntong-hininga ako. Maybe when I finally see my son, these thoughts will disappear. I wish I could take good care of him this time. I don't want to lose a child again.

Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay lumabas na ako ng banyo. Laking gulat ko nang makasalubong ko si Jhunel sa labas. Nakatitig siya sa akin.

"Jhunel, anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka ba?"

"Ikaw." Nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Hinihintay kita. Hinahanap."

"Huh? Anong ibig mong sabihin? Bakit mo naman ako hahanapin? Nand'yan na ba si Jhon Rey? Hinahanap niya ba ako?"

Akmang maglalakad na ako pauna nang hawakan niya ang kamay ko.

"Sheen May, tell me honestly, are you still happy with Jhon Rey?"

Kumunot ang noo ko. "Huh? Oo naman! Ano bang klaseng tanong 'yan?"

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Umatras ako pero siyang hakbang niya palapit sa akin. 

Nasa may bandang likod ng bar ang restroom kung kaya't medyo secluded na ang area na ito at hindi ganoon pinupuntahan ng tao. Nang mapansin kong medyo lasing niya ay nakaramdam ako ng ubod ng kama. Lalo na sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Ganitong-ganito ang mga mata niya noon nang mahuli ko siyang nakatingin sa ibang babae.

Nagulat ako nang muli niyang hawakan ang braso ko. Mas mahigpit ito. "Sheen May, kung hindi ka na masaya kay Jhon Rey, ako na lang ang magpapasaya sa 'yo. Pasasayahin kita," desperado niyang litanya sa akin. 

"Ano?! Nababaliw ka na ba? Ano ba 'yang sinasabi mo? Lasing na lasing ka na yata, eh!" Sinubukan kong alisin ang pagkakakapit niya sa akin pero mas hinila niya lang ako palapit sa akniya. I can smell the reek of the alcohol that he intakes. Utang na loob. Why is he acting like this?

"Bitiwan mo ako, Jhunel! Ano ba? Isa! Nasasaktan ako! Ano bang nangyayari sa 'yo? Pumasok na tayo sa loob! Halika na!"

Sinusubukan kong huminahon dahil baka wala lang siya sa tamang pag-iisip dahil sa dami niyang nainom na alak, pero laking gulat ko nang kabigan niya ang batok ko at simulang halikan. Pinilit ko siyang itulak pero mas malakas ang pagkakahawak niya sa akin para makatakas ako sa kaniya.

Napapikit ako. Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko. Ano ba itong ginagawa niya sa akin? Akala ko ba okay na kami? Akala ko masaya na siya sa amin ni Jhon Rey. Magkaibigan na kami, hindi ba?

Bumigat ang paghinga ko lalo na nang maalala ko ang mukha ni Jhon Rey. Fuck. Jhon Rey, tulungan mo ako. 

I tried to resist his kisses, but he pushed me, making me lean against the wall. His lips are now traveling to my neck. Licking it. Sucking it hard.

Napasinghap ako. Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako.

"Jhunel! Please stop this!" sambit ko sa pagitan ng mabibigat na paghinga.

"You're only mine, Sheen May," bulong niya na siyang nagpataas ng balahibok ko sa katawan. Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko. No, I need to regain myself. Kailangan kong lumabas. This is wrong. I have my child now, and I have John Rey. I don't want to ruin everything again.

I plucked up all my strength and courage to push him before giving him a severe slap. That beats the loudness inside the bar.

Ngitngit ang ngipin habang nakakuyom ang mga kamao nang sigawan ko siya nang malakas. "Hindi ako iyo, Jhunel! Kay Jhon Rey lang ako! Kay Jhon Rey!" Padabog akong umalis sa lugar na iyon. Ayoko nang manatili rito. Gusto ko nang umuwi. Magpapaalam na lang ako kay Anne dahil hindi ko na kayang manatili pa sa lugar na ito.

Pero laking gulat ko nang magkita ko sa harapan si Jhon Rey. Agad akong inusig ng kunsensya ko.

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon