"A-ano?!" gulat na tanong niya. "Si Jhon Rey ang nobyo mo noon?""Opo."
"Utang na loob! Ang liit ng mundo! Hindi ako makapaniwala! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil dito kayo muling nagkitang dalawa. Para akong ginawang daan para magkita kayong muli. Ngayon, ano? Nagkabalikan na ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi po."
"Ano? Bakit naman hindi? Hindi ka ba niya sinusuyo?"
Umiling ako. "Wala naman pong ganoong nangyayari. At saka, matagal na po 'yong amin, Aling Martha at okay na ako kung anong mayroon sa amin. Masaya naman ako at kuntento na kasama si Joshen."
"Oo nga at naroon na tayo. Okay ka na. Kaya mong alagaan ang anak mo nang mag-isa, pero sino naman ang mag-aalaga sa 'yo? Gusto mo bang matulad sa akin? Tingnan mo ang itsura ko, mag-isa na ako. Ganiyan na ganiyan ako kaganda noon kaso walang nag-aalaga sa akin kaya naging ganito na ako. Maagang kumulubot ang mga balat ko, Sheen May. Ako kasi halos lahat ang gumagawa. Wala akong katuwang."
Ngumiti ako para ikubli ang nagbabadya ko na namang mga luha. Kapag ganito talagang usapan, hindi ko mapigilang maging malungkot. "Pagod na po akong magpatawad."
Napatitig naman siya sa akin habang nakapamewang. "Bakit? Babaero ba ang lalaking 'yon? Sinasabi ko na nga ba. Akala ko pa naman mabait siya. Kapag may itsura talaga, hindi mapagkakatiwalaan."
Natawa ako sa hirit niya. "Hindi naman po sa ganoon, Aling Martha. Masyado lang pong magulo ang lahat para sa aming dalawa. Okay na po ako sa ganitong tahimik at payapa."
"Naiintindihan ko," sagot niya habang tumatango-tango. "Hindi ko alam bakit ganoon ang mundo. Nagiging masaklap ang mga bagay-bagay kapag nagmamahal ka. Sana ay makahanap ka ng taong magbibigay sa 'yo ng kapayapaan, Sheen May. Tipong hindi mo na kailangang mag-isip pa at lahat ng problema ay magiging magaan na lang kapag kasama mo siya."
Ngumiti na lamang ako bilang sagot.
"Oo nga pala, Sheen May, hindi ba't nabanggit mo sa akin noon na LET Passer ka? Bakit hindi ka mag-online teaching muna? Alam ko, may ganoon. Gusto mo ba pakabitan na natin ng malakas na internet ang kwarto mo para kahit papaano ay may income ka? Para kahit binabantayan mo si baby mo ay nagkakapera ka o kaya naman, kung may duty ka, ipabantay mo muna sa akin ang baby mo o kaya sa asawa mo, ibig kong sabihin kay Jhon Rey."
"Sige po, pag-iisipan ko. Maraming salamat."
Bumalik na ako sa kwarto ko. Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Aling Martha at hindi ko namalayang inabot na pala ako ng takipsilim. Akmang bubuhayin ko na ang ilaw sa kwarto ko nang hindi ito gumana.
"Pundido na ba ang ilaw?"
Inilapag kong sandali si Joshen sa kama tsaka ako naghanap ng bumbilya na pamalit. Kinuha ko ang upuan para sana ay abutin ang bumbilya sa kisame nang makitang kapos ang naaabot ng kamay ko.
"No choice, kailangan ko ng tangkad ni Jhon Rey. Kailangan ko siya."
Lakas loob akong lumabas ng kwarto para katukin ang kwarto ni Jhon Rey pero walang sumasagot. "Umalis ba siya?"
"Sheen May? May kailangan ka?" Napalingon ako sa kabilang kwarto at nakita ko roon si Jameson. "Kanina ko pa naririnig ang pagkatok mo. May problema ba?"
"H-ha? Ano kasi... napundi na 'yong ilaw sa kwarto ko. Magpapatulong sana akong magkabit kasi hindi ko abot."
"Gusto mo ba, ako na?" tanong niya tsaka ako nilapitan.
"Okay lang ba? Hindi ba nakakaabala sa iyo?"
"Oo naman. Basic lang ito sa akin. Nasaan ba?"
"Narito sa loob. Pasok ka."
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...