Chapter 38

158 7 0
                                    

"Ahhhh! Fuck it!" malakas kong sigaw nang dalhin ako nila Rey at Neil sa hospital. Kasama ko rin si Danica na panay ang iyak habang tinatawagan ang kuya Derrick niya. Daig niya pa ako na para bang siya ang nagle-labor. Kanina pa nga ako pabalik-balik ng lakad dito sa kwarto dahil sa sakit.

Good Lord, ganito pala ang feeling ng malapit nang manganak.

"May! Oh, God! Pumutok na ba ang panubigan mo?!"

Napatingin ako sa mga hita ko. Shocks, may umaagos na ngang tubig.

"Tatawagin ko ang doctor!" sigaw ni Rey na para bang natataranta.

"May, halika na sa kama mo." Inalalayan ako ni Neil at Danica pabalik sa kama at pinahiga. Nakatingin lang ako sa kisame habang nananalangin. Hindi ko namalayan na ibang kisame na ang tinititigan ko.

"Push, Miss Velasco! Push!" utos sa akin ng doctor. Napakapit na lang ako sa kama habang umiiri. I can't help but cry as plenty of memories are flashing back on through my mind.

"Sheen May!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Jhunel. I never thought that he would be the one here beside me—my ex-boyfriend. How about Jhon Rey? Where is he? Kailan ba siya magpapakita sa akin? Kailan niya ba tatapusin ang lahat ng paghihirap ko? Kailan masasagot ang mga katanungan ko? Bakit kailangan niyang sabihin sa kanila na hindi siya ang nakapiling ko noong umuulan?

"Ahhhh!" sigaw ko pa habang patuloy na tinutulak palabas ang anak ko. Pagkatapos ng ilang pagdaing ay narinig ko na ang malakas na pag-iyak ni Joshen. Kasabay no'n ang pagtulo ng luha ko at pagkawala ng malay ko.

*****

"Miss Velasco, ito na po ang baby niyo." Nagising ako sa malambing na boses ng nurse. Muli na naman akong napaluha nang makita ko ang anak kong si Joshen na mahimbing nang natutulog. Ipinatong siya ng nurse sa dibdib ko.

My baby...

Joshen is now here with me. Thank God.

"May..." Napalingon ako sa tumawag sa akin. It was Danica. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nakita ko ring kasunod niya si Rey, si Neil at si Jhunel.

"Ayos lang ako." Sinulyapan ko si Neil. Tinitigan ko siya para tanungin ng alam niya nang tanong at nadurog ang puso ko nang umiling siya.

So, until now, wala pa ring balak magpakita si Jhon Rey sa akin? Bakit? Anong trip niya? Anong dahilan bakit hindi siya nagpapakita sa akin gayong kailangan na kailangan ko siya pati ng anak niya?

Bumalik na siya, eh. Humingi na siya ng tawad sa akin, pero bakit kailangan niya na namang mawala?

"May, tungkol sa kasunduan natin. Desidido ka na ba?"

Naalala ko ang kagustuhan kong umalis sa bahay nila—ang kasunduang pagkapanganak ko sa anak ko ay aalis na ako.

"Oo, aalis na ako. Wala man o nand'yan ang kuya mo. Hindi na ako tutuloy sa inyo, Danica. Pasensya ka na."

Napabuntong-hininga siya tsaka dagling pinunasan ang luha. "Naiintindihan ko. Mami-miss kita."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Bakit hindi na lang kasi kayo mag-aminang dalawa para hindi ka na mag-isa? Rey, hindi mo pa ba nililigawan si Danica?" Nagulat naman si Rey sa tanong ko at agad na natuliro at napatingin kay Neil.

"Ulol, huwag mo akong alalahanin. Matagal ko nang napapansin ang sa inyong dalawa," hirit ni Neil. "Kahit na ano pang bangayan ang gawin ninyo, hindi niyo maikukubli sa amin ang totoo niyong nararamdaman para sa isa't isa. Kaya Rey, kung ayaw mong kunin ko pa sa 'yo si Danica, kumilos ka na."

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon