Chapter 50

419 9 3
                                    

"Baby, I'm sorry, I really have to go to work. I promise, maaga akong uuwi," paalam ni Jhon Rey tsaka humalik sa pisngi ko at sa noo ng anak namin. Narito kami sa may pintuan para ihatid siya sa labas.

"Kanina ka pa humihingi ng tawad. Oo nga, naiintindihan ko. Hindi naman maglalalaboy at trabaho ang pupuntahan mo."

"Promise, hindi ako mambababae."

Tinawanan ko siya. "Subukan mo lang. Putol talaga 'yan."

"Huwag naman. Paano pa ako bibira sa 'yo kung puputulin mo?"

"Gosh, kailan ba matitigil 'yang bunganga mo sa kabastusan? Kapag natuto talaga si Joshen sa 'yo, makakatikim ka sa 'kin!"

"Kaya nga sinasabi ko na habang baby pa siya kasi paglaki niya hindi na ako makakapag-dirty talk sa 'yo."

"Ewan ko sa 'yo, Jhon Rey. Sige na, baka mahuli ka pa sa trabaho. Nakakatakot magalit si dad."

"I know, I know. Kiss mo na ako para makaalis na ako."

I immediately reached his lips to give him what he requested. 

"I love you."

"I love you too, Jhon Rey. Ingat ka."

Habol tingin ko siyang tinanaw hanggang sa tuluyan na siyang makaalis. Kami naman ni Joshen ay nanood na lang ng cartoons. Paminsan ay kinakausap ko siya at naglalaro kami. Nakakatuwa na parang naiintindihan niya na nga ako dahil sa eye movements niya. Minsan, sina-side eye niya pa ako. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang daddy niya.

Makalipas ang ilang oras ay nakatulog kaming dalawa ni Joshen. Nagising na lang ako nang may tumatawag sa phone ko. Nang makita kong si Jhon Rey iyon ay sinagot.

"Yes?" tanong ko.

"Lipat ka sa laptop. Gusto kitang makita."

"What? Wala ka bang trabaho?" dagdag ko pa tsaka kinuha ang laptop. Si Joshen ay nasa stroller at natutulog.

"Wala. Wala na akong ginagawa."

Inirapan ko siya. "Ang clingy, ha?" Nakalipat na ako sa laptop. Malaki na ang screen kaya kitang-kita ko na rin ang gwapong mukha ng asawa ko.

"What can I do? Miss na kita agad."

"I think you're obsessed with me."

"I think I just love you this much."

Natahimik ako sa hirit niya. "Where's our baby?"

"Tulog."

"Kumain na ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi pa. Kagigising ko lang. Nakatulog ako habang nanonood ng tv. Ikaw ba? Kumain ka na?"

"Hindi pa rin. Hinihintay ko 'yung microwave. Ininit ko 'yong pagkaing inihanda mo para sa akin. Maraming salamat."

"Maliit na bagay. Sige na, kumain ka na. Kakain na rin ako."

"Sabay na tayo, baby. Wait tumunog na 'yung microwave. Kunin ko lang." Natawa ako. May microwave sa office niya? Ang cute niya naman. Kumuha na rin ako ng pagkain para sabay na kaming kumain ng asawa ko. 

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kinakain ang inihanda kong pagkain para sa kaniya. Hindi yata ako magsasawang ipagluto siya ng masasarap para kahit papaano ay maibsan ang pagod niya sa trabaho. Sa sobrang workaholic niya kasi, hindi siya sumasabay sa iba ng pagkain. Sayang daw ang oras ng pagbaba at pagbalik sa opisina. Masyado raw siyang maraming ginagawa kaya naman napagdesisyunan kong lagi nang gumising ng mas maaga para makapaghanda ng almusal niya at ng baon niyang tanghalian.

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon