FCBY 44

11 0 0
                                    


Song for this Chapter: Catch Me I'm Falling

×××

Maaga akong nagising ngayon.

Ay mali, hindi pala ako nakatulog sa kakaisip sa tukmol na iyon.

Alasais na at ang alala kong pumasok kami ng kwarto kanina ay alas tres. Hanep dba?

Pero hindi iyon hadlang para simulan ang party.

Oyeah! Tama Zoe, magsaya ka muna ngayon. Kalimutan ang problema.

Halos sabay sabay lang ang gising naming magpipinsan. Ganito kami palagi kapag nagsuswimming.

Magpaparty sa hapon, gabi hanggang madaling araw at pagsapit naman ng umaga ay doon kami magsuswimming.

"Tara na maricris! Bangon naaaaaa!" Sabi ni Mayeng habang hinahatak sya ng kambal nya. Papaano ay antok na atok pa si maricris.

Ang mga kuya ko ay nakahanda na at mga naka shorts.

"Oo naa... Uhmmm, teka lang." Sabi ni maricris at pumipikit pikit pa.

Hinatak na sya ni mayeng sa banyo at inabot dito ang one piece na kulay asul.

Si Mayeng ay kanina pa nakapagbihis at maroon ma one piece ang suot suot nya.

Pagkalabas ni maricris ay ako naman ang nagbihis. Isinuot ko ang kulay green na one piece ko na paribbon ang style ng butas ng nasa likuran.

Kinuha ko ay puti kong balaba sa may hinigaan ko at itinali ito sa may beywang ko.

Sabay sabay naman kaming nagsuot ng wayfarers bago lumabas.

"Oh, mga gising na pala ang mga bata!" Masiglang sigaw ni tita tintin habang may hawak hawak na sandok.

Nagsiupuan naman kami sa may malaking lamesa at ang mga lalaki naman ay inilapag ang mga dahon ng saging at pagkatapos ay inihain na ang pang-almusal naming pagkain.

Ganiti ang palagiang routine namin sa tuwing magsuswimming.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit at pumunta na sa may pampang kasama ang mga oldies.

Si kuya Ian ay may bitbit na isang color white and blue green na surfing board.

"Aha! Alam na!" Nakangising sigaw ni kuya Amber at tumakbo na sa may tubigan.

Tinanggal ko muna ang balabal ko sa bewyang at sumunod na sa kanila.

Sila tito ay nagsiupuan muna sa tapat ng dagat at pinagkukuhanan kami ng litrato.

Sumunod naman ako sa kanila ng hanggang hita ang tubig. Isa isa kaming nagsisakayan sa board na bitbit kanina ni kuya Ian.

"Whoah!" Sigaw ni kuya Dex.

"Oy teka ako muna!" Sabi ni maricris at sumakay na nga.

Ng makasakay na kaming apat ni maricris, mayeng, kuya Amber at kuya Ian ay nabalanse namin ito at tinatanggay kami ng alon na ngayon ay malakas kaya swaktong swakto.

Si Cadee ay nasa tabi lang namin at nakasalbabida.

Bigla naman kaming dinagsa ng anim pa naming pinsan kaya naman ay na-out of balance kami at natumba.

"Grabe kayo!" Sigaw ni mayeng habang natatawa.

Actually natawa na ako kanina bago mahulog kaya naman ng malubog na ako sa tubig ay sobrang lunod ang ilong ko.

Tubig alat pa naman ito kaya masakit sa mata at ilong.

Swimming lang kami ng swimming ng sumapit na ang alas otso at nagsi-ahunan na kami.

Dahil para sa amin ay mainit na iyon.

Bumalik na kami sa may malaking lamesa at nagkainan muli ng hotdog on stick na inihaw ni yaya wanda.

"Tito, tita! Dito nalang tayo palagi." Suhestyon ni Mayeng.

"Oo nga po, masaya dito." Sabi naman ng kambal nya.

"Yah yah, you know... It's kinda. Uhh?" Sabi naman ni kuya Amber na hindi sigurado sa pag-eenglish nya. Kaya naman... "Aray!" Binatukan sya ni kuya fred.

Nagtawanan naman kami.

Lumipas ang oras at puro kung anu-anong outdoor activities ang ginawa naming magpapamilya.

Ng mag-alasingko na ng hapon ay bumiyahe na ulit kami pauwi.

.

.

.

.

.

.

"Hay grabe!" Sabi ko at ibinagsak ang katawan sa may kama.

Hinipan ko naman ang bangs ko na naharang sa may mukha ko.

Ganoon pala talaga noh? Kapag nag-eenjoy ka at masaya ay wala kang nararamdaman na negative. Pero kapag tapos na at huli na ay doon mo mararamdaman ang sakit ng katawan mo at pagod dahil sa kung anu anong pinaggagagawa na activities.

Parang sa pag-ibig lang iyan...

Sabi ng utak ko. "Oh, shut up." I said.

Aish. Daig ko pa iyong kinakalaban iyong sarili ko eh.

Nagvibrate naman ang phone ko na nasa right pocket ng maong short ko.

Kinuha ko naman ito at binasa habang nakahiga parin.

From: Matthew

Can we talk? :)

Oh the fck.

We'll talk like nothing bad happened between us? That's bllsht, ya know.

At may smiley face pa talaga ha?!

"Manigas ka! Makipag-usap ka doon sa kahikan mo dahil hinding hindi ako makikipag-usap saiyo!" Inis na sigaw ko sa may phone ko na parang si Matthew ang sinisigawan ko.

Oh great Zoe, just great!

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon