FCBY 26

12 1 0
                                    


Song for this Chapter: Everything I Want by Steve Rushton

×××

Nag-iikot na kami ni Janina sa hypermarket pero lutang parin ako. Ay ewan ko ba.

Siniko naman ako ni Janina na nasa kaliwa ko ngayon. "Aroy, pakataboy kay pogi tas ngayon magiging lutang." Sabi nya sa mapang-asar na tono sabay tawa.

Napangisi naman ako sabay kuha ng isang stick-o strawberry jar na nadaanan namin. "Eh, eh kasi naman Janina. Kung alam mo lang talaga iyong nararamdaman ko kanina. Kung ikaw iyong nasa pwesto ko. Grabe, hanep. Hirap iexplain." Sabi ko.

"Tsaka teka nga, papaano mo naman nasabi na magluluto tayo?" Paglalahad nya habang may hand gestures pa iyan ha.

"Malamang, kaya nga nasa hypermarket tayo ngayon dba?" I said pero hinarap ko sya at kumunot iyong noo ko. "Pero sandali, dba hindi ka naman marunong magluto?!" Napalakas kong sabi sa kanya dahil sa pagtataka.

Hinampas naman nya ako sa kaliwang braso ko at nagpalinga linga ng tingin. "Grabe naman ito! Osige lang Zoe, pakalakas mo pa na hindi ako marunong magluto. Aish. Kaya nga kita kasama dito ngayon o'dba? Dahil tutulungan mo ako. Hahahahahahahaha." Sabi nya at tinulak na nya iyong pushcart then iniwan na nya ako.

Aish, grabe itong bruha na ito. Pero syempre, hindi ko naman iyan matitiis.

Sinundan ko nalang sya at napadpad kami sa section ng mga noodles.

"Magspaghetti nalang tayo." I said then nanguha ako ng mga two kilos ng royal noodles. Nagkibit balikat nalang si Janina dahil sa akin lang naman iyan aasa pagkauwi sa kanila.

Nandito na kami ngayon aa may counter at magbabayad na ng may natanaw ako. Hahahahahaha. Whatta bright idea Zoe. Iniwan ko muna si Janina na nakapila sa may counter at pumunta ako sa may ice cream section na malapit lang naman sa may counter.

"Uhm, ano kaya iyong masarap na flavor dito?" Bulong ko sa sarili ko sabay hipan ng bangs ko habang namimili ng flavor na mangangata mamaya sa bahay nila.

Binuksan ko na iyong lagayan ng ice cream paslide ng biglang may nanguha naman ng the best of the philippines na strawberry red velvet otap na iisa nalang iyong stock na dapat ay kukuhanin ko na.

"Oy aba, ako ang nauna." Sabi ko in a mataray mode. Aba ako naman talaga eh.

Paglingon ko ay si Matthew. Umaygulay. Uh-oh~

"Ooops, sorry. Ako nauna, look oh." Sabi nya at winagaywag iyong ice cream na hawak hawak nya.

Argh, kung hindi lang talaga strawberry iyong flavor niyon ay hindi ko na pag-iinteresan iyon at ibang flavor nalang kukunin ko. Kaso aish, strawberry nga eh. And worst, iisa nalang iyon. Maygash.

Hinipan ko naman na muna iyong bangs ko na nasa harapan ng mukha ko ngayon. Okay Zoe, kalma ka muna...

Sinarado ko naman iyong lagayan ng ice cream at hinarap ko sya.

"Kung nantitrip ka Matthew, drop it. Wala akong oras dyan ngayon. And FYI, nauna ako. Ni hindi mo na binuksan iyong slide eh." Pagtataray ko kuno.

Nginisian naman nya ako. "But you opened it for me."

Argh, he's getting into my nerves!

"Aish, ano bang problema mo ha? Palagi mo nalang ako iniinis. Palagi monalang ginugulo utak ko. Di mo ko pinapatulog sa gabi dahil sa mga pinaggagagawa mo sa utak ko. Pagkatapos mong makipagharutan at tawanan at makishare ng drinks doon sa babae, ako naman ang guguluhin mo  Nakakaini---" Hindi ko na nasabisasabihin ko ng bigla ko nalang maalala ang mga nabitawan kong salita at tinakpan nalang ng dalawa kong kamay iyong bibig ko.

Grabe ka Zoe, kahihiyan nanaman dinala mo. Kainis talaga. Palagi nalang ako napapahamak sa t'wing kasama ko ito. Palaging napapahamak at hindi mapakali iyong puso ko.

"So, ayan pala ang kinaiinisan mo ngayon? Oh my, my precious Zoe is jealous." He said then he chuckled.

Hindi ko alam kung sobrang maiinis na ba ako ngayon o mahihiya.

"Argh." Napastamp nalang ako ng kanang paa ko at dinaanan ko nalang sya sa may kanan nya para balikan na si Janina. Nako, next time nalang iyong strawberry red velvet otap na ice cream. Huhuhu. Babawi ako promise, babalikan ko iyon some other time. Hays.

Pero bago ko pa sya malagpasan ay bigla bigla naman nyang hinatak iyong kanang braso ko paharap sa kanya.

Dahil sa gulat ko ay na-out of balance ako at patihayang natumba--- ipinikit ko nalang iying mga mata ko pero wala malamig na tiles na naramdaman ang likuran ko.

Dahan dahan ko namang idinilat iyong mga mata ko. Inuna ko iyong kanan ko at sinunod ko naman iyong kaliwa. Nanlaki bigla iyong mga mata ko ng makita ko gaano kalapit at mukha naming dalawa ni Matthew habang salo salo nya ako mula sa pagkakabagsak ko dapat.

Hindi kaagad nakapagreact ang body at ang nerve cells ko at natulala na lamang ako.

Ang kanyang makakapal na kilay pero may magandang hubog . Ang kanyang roundish-almond eyes na kapansin pansin ang pagkakulay brown nito at kapag nasisinagan naman ng araw ay nagiging light brown. Ang ilong nyang matangos. Kitang kitang mo ang kagwapuhan nya kahit na medyo may pagkamoreno sya. At ang labi nyang pouty na mamula mula na mukhang malambot kapag hinalika---

"Tapos kana bang suriin ang mukha ko? Pwede namang mamaya na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." He said then he smirked.

Napatayo naman ako agad agad dahil sa sinabi nya at tinignan ko ang paligid namin. Natanaw ko naman si Janina na nakathumbs up sa akin at sobrang lapad ng ngiti. Aish. Nakakahiya ito.

Sinamaan ko naman si Matthew ng tingin at inagaw na sa kanyang kaliwang kamay iyong ice cream at nilayasan ko na.

"Your welcome ha Zoe!" Rinig kong sigaw ni Matthew sa may likuran ko at pati narin ang kasunod nyang pagtawa.

Nadatnan ko namang si Janina na pala ang susunod na magbabayad sa may counter.

"Uhm, perfect scene ha." Sabay siko nya sa akin pero mahina lang. "Pwedeng pwede na sa wattpad ang nangyayari saiyong realidad. Oh naks, magkarhyme pa iyon. Hahahahahahahahaha!" Janina said habang inilalagay nya iying mga pinamili namin sa counter.

Naramdaman ko namang nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Janina dahil naalala ko nanaman iyong sobrang lapit ng mukha namin kanina.

"Tigilan mo nga ako Janina." Sabi ko pero hindi ko na talaga napigilang hindi mapangiti ng malapad.

"Aysus, ako ang tigil tigilan mo Zoe. Ayan oh, namumula kana. Aroyy. Hahahahahaha!" Pang-aasar pa nya at kinuha na nya ang ice cream sa kamay ko at binayaran na rin nya.

Napahawak naman ako sa mukha ko. Ganoon na ba kahalata?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon