FCBY 41

9 0 0
                                    


Song for this Chapter: Thank You For The Broken Heart

×××

"Matthew..." Hindi ko na naiwasang maluha pa.

Grabe. Hanggang ngayon lala ay mahal na mahal ko parin sya. Akala ko sakto nalang. Hindi pala. Nagkamali ako.

Nagkamali ako na pagkatiwalaan ko sya.

Napahagulgol na ako. Hindi, hindi ko na kayang titigan pa sila at hindi ko na kayang magtagal pa dito kaya naman tumakbo kaagad ako palabas.

"Zoe!" Sabay na sigaw nila ate helly at kuya dex ng umalis ako. Hinabol naman nila ako.

Pagkapunta ko ng tapat ng sasakyan ay wala pang ilang segundo ay binuksan na kaagad ito ni kuya dex at umalis na kami.

Hindi ako nagsasalita pero bakas sa kanila ang pag-aalala. Tatanungin na sana ako ni kuya ng pigilan sya ni ate.

Maya maya pa ay huminto na kami, tinignan ko ang paligid. Kalma na ako ngayon pero patuloy parin sa pagluha itong mga mata ko.

Nandito kami ngayon sa may park na bukas 24 hours. Dito kung saan kami nagpicnic na magpipinsan bago magpasukan. Dito kung saan naguguluhan pa ako pero iyon pala ay umiibig na ako... kay Matthew.

"Kuya dex..." Sabi ko, tinignan lang nila ako. "Halos isang taon narin pala noong huli nating punta dito na magpipinsan ano?" Sabi ko at ngumiti kahit na nahihirapan ako.

Gusto kong... gusto kong kalimutan muna ang lahat. Pwede naman iyon dba?

Malamig at mahangin dito ngayon. Pero dahil summer naman ay masarap ito sa pakiramdam. Nasa tuktok ng bundok ang park na ito kaya naman masaya dito. Naaalala ko pa nga na dito kami natulog noon eh.

"Oo nga. Gusto mo bang pumunta ulit tayo ditong lahat? Iyong kumpleto. Iyong masaya? Basta lahat gagawin natin ang masaya." Sabi ni kuya.

Alam kong tinutulungan nya akong iwaksi itong nararamdaman ko ngayon iniiba ang usapan. Pabor naman sa akin iyon.

"Oo naman kuya. Sino bang may ayaw?" Sabi ko at natawa ng bahagya. Kahit papaano ay nababawasan ang sakit.

Pero bigla nanamang pumasok sa isipan ko ang nakita ko kanina sa may loob ng bar.

Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko at humagulgol nanaman ako.

Hinahagod naman ni ate helly ang likod ko at hindi nagsasalita. Damang dama ko ang pag-aalala sa kanila. Hindi man sila masyadong nag-uusap ay nagtititigan naman sila ng makahulugan.

"Ang sakit parin pala. Akala ko narepair na at ayos na eh." Sabi ko. Ang hirap ng ganito kabigat ang nararamdaman.

"Kuya. Ate. Alam nyo iyon dba?" Pagtatanong ko kahit alam ko namang baka hindi, tumango tango lang sila. "Sabi ko kanina, parang coke nalang ang nararamdaman ko. Sakto. Pero 2 liters ng coke pa pala, ang laki laki parin ng parte nya dito sa puso ko. Masakit." Sabi ko at pinilit na mataeang bahagya sa mga pinagsasasabi ko.

Naupo ako sa may bermuda grass at ginaya rin at ni ate helly. Si kuya ay nakatayo lamang sa may likuran ko.

"Nakakatawa hindi po ba, 16 years old pa lamang po ako pero nakakaramdam na ako ng ganito. Bata pa lang naman po ako dba? Pero bakit ganito? Naturingang magkacollege na nga ako pero bata parin naman ako para makaramdam ng ganito kabigat sa damdamin dba?"

Wala silang imik habang nagsasalita ako. Tuloy parin sa pag-agos ang luha ko. Traydor na mga luha.

Akala ko ang minsang pag-iyak ay ayos lang.

Hindi pa pala sapat.

Sa sobrang kaiiyak ko ay nangangati na ang mga mata ko na ipikit na lamang ang mga ito at matulog.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon