FCBY 11

26 1 0
                                    


Song for this Chapter: Dear Future Husband by Meghan Trainor

×××

Halos ilang buwan narin ang nakalilipas at magpeperiodical na daw muna kami bago kami mag intrams.

Sa halip na nagrereview ako ay nandito ako sa kama at nakahiga at katext ko sya.

Hahahahahaha. Grabe. Pero may naiintindihan padin naman ako sa lectures namin. Tanghaling tapat kasi ngayon, eh sa hatinggabi ako nagrereview dahil mas nakakapagconcentrate ako doon.

The first day is always the best, it could be love or a beautiful mess...

Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga ng biglang nagring yung phone ko.

Kuya O'neal Calling...

Dali dali ko naman itong sinagot.

"Oh bakit kuya? May problema ba?"

"Nasan ka Zoe?" Pagtatanong nya na parang kakagising palang ng boses nya.

"Nasa bahay. Bakit? Review day namin kaya wala kaming pasok."

"Eh kasi sila Dex daw nasiraan ng sasakyan sa may highway, yung malapit dyan sainyo. Nasa Batangas ako so hindi ako makakapunta doon. Pakidala nalang sa kanila yung mga kagamitan doon para maayos na nila. Kasama nya sila Mayeng at Maricris." Mahabang paliwanag nya.

"Okay. Sige Kuya. Pasalubong ha!" Sabi ko.

"Hahahahahaha. Ofcourse." Sabi nya then inend call ko na.

Tumayo naman na ako at ginawang messy bun ang buhok ko at nagbihis na nga ako.

"Ya Wanda, nasan po si mama?" Pagkatanong ko habang papunta akong kusina kasi nandoon si yaya Wanda at nagluluto ng tanghalian.

"Ay naku eha, kakaales lang at alay may pupuntahan daw na business meeteng." Sabi niya at hinalo halo na nya ang iniluluto nyang tinolang manok.

"Uhmmm, ang bango naman po nyan. Sige po ya, alis na po muna ako. Pupuntahan ko lang po sila Kuya Dex at yung kambal sa may highway, nasiraan daw po eh." Sabi ko habang kinukuha yung kagamitan na kakailanganin sa ilalim ng hagdanan.

"Hende ka ba manananghalean deto eha?" Pagtatanong nya.

"Dito po ya, isasama ko narin po sila para po matikman nila yung masarap na luto nyo." Sabi ko pa ng masaya.

"Aruy naku, nambula pa. Usya sige, umales kana kung aales ka ng makabalel kayu kaagad deto." Sabi nya at mukhang patapos na syang magluto at lumabas na ako ng bahay.

Naghanap naman na ako ng tricycle at mabuti nalang ay may lumapit kaagad.

Papaano kaya kung bigla akong iligaw nitong tricycle driver na ito?

Pag-iisip ko habang nakasakay na ako sa loob nitong tricycle.

Papaano kaya kung bigla nalang nya iliko sa may kanan itong tricycle tapos walang katao tao.

Tapos bigla nalang nya alo kaladkarin palabas.

Tapos dalhin ako sa liblib na lugar sa may gubat tas ipasok sa abandonadong bahay na puro gangster tapos pagkaisahan nila ako.

Tapos itatali nila yung mga kamay ko sa upuan.

Tapos tatawa sila ng nakakatakot.

Tapos maglalabas ng kutsilyo at itatapat sa mukha ko at tatakutin ako.

Tapos biglang lalagabog yung pintuan at animoy sinipa ni superman sa lakas.

Tapos bigla kong matatanaw si Matthew.

Tapos ililigtas nya ako.

Tapos pagsususuntukin nya yung mga mykhang gangster na iyon na mukhang tambay ng sampung taon.

Tapos lalapitan nya ako at tatanungin ng "Ayos ka lang ba?" na may halos pag-aalala sa kanyang tono.

Tapos kakalasin nya yung tali sa kamay ko at mapapatayo na ako.

Tapos maiiyak nalang ako bigla at yayakapin nya.

Tapos pinatahan nya.ako at unti unti... unti unti ay palapit ng palapit ang kanyang mukha sa akin at ---

"Nandito na tayo miss." Sabi nung tricycle driver sa akin at kinalabit nya ako.

Hala. Kanina pa yata ako tinatawag neto eh. Nakakahiya. Arghh.

Sige Zoe, daydream pa. Katanghaliang tapat eh.

Napansin ko naman naglalakad papalapit si kuya Dex dito sa tricycle at nginitian ako tapos inilabas nya yung wallet nya at sya na yung nagbayad kay manong.

"Kanina kapa kasi dyan, akala ko wala kang pambayad ng pamasahe." Sabi ni kuya Dex ng natatawa.

"Baka umatake nanaman pagdedaydream nyan kuya. Hahahahahahaha." Sabi ni Maricris.

Sinamaan ko naman sya ng tingin at tinawanan naman ako nung kambal na iyon. Hays, magkapatid nga talaga sila.

"Tara tulungan nyo na ako dito ng umayos na ito." Sabi naman ni kuya Dex at lumapit na sa bagong bili sa kanya ni tito Drey na Starex. Magbbirthday na rin kasi yan next month so early birthday gift daw.

"Akala ko ba kuya bago ito, eh bakit ganyan?" Pagtatanong ko at nilapitan ko sya sa harap ng sasakyan.

"Napacheck na namin ito ni daddy nung isang araw dun sa binilhan nila ni mommy, may minor lang daw na problem pero the rest okay na." Sabi nya habang may inaayos doon.

Tumango tango nalang ako dahil wala naman akong alam sa mga ganyan. "Ah, nga pala kuya. Dun na tayo mananghalian sa bahay, nagluto ng tinola si yaya Wanda." Sabi ko ng masaya. Kasi kaming magpipinsan, halos lahat ng may sabaw ay paborito namin.

"Sinigang?!" Masiglang tanong ay ulit nung kambal.

"Uhmm, yes. So bilisan nalang natin ng makakain na tayo." Sabi ko kaya dali dali nalang lumabas yung kambal ng sasakyan at nakitulong narin dito sa harapan.

Uhmmm, may sabaw...

Naaalala ko noon, gustong gusto kong itry na magluto ng bola bola sa misua para sa kanya dahil iyon ang paborito nyang ulam.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon