FCBY 2

90 1 0
                                    


Song for this Chapter: My Valentine

×××

Simula na ng bakasyon namin. Pero wala eh. Nakakalungkot lang talaga.

"Baby girl! Maghugas kana ng mga plato." Sabi ni mama habang nasa may pintuan ng kwarto ko at nakatayo roon ang pinagsiklop ang kamay nya

"Opo ma. Eto na nga ho. Hahahahaha." At ngumiti pa ako na akala-ko-makakalusot-ako HAHAHAHA

"Okay sige. Asikasuhin ko lang muna sila tita mo ne? Minsan lang mapadpad yan dito at mag inuman." Sabi ni mama

Okay lang naman sakin kasi nandoon rin naman sila lolo at sana lang ay hindi mapalakas ang inuman nila. Pero feeling ko mas mapapalakas ang boses ng mga yan pag nagkwentuhan. Hays. Hahahaha.

Pumunta na ako sa kusina at naghugas na ng mga plato.

"Gusto mo?" Tanong ni tito Carlo sakin ng dumaan ako sa may salas at inabutan ako ng isang plato na gabundok ng patatas  na nilagyan ng harina at asin tapos pinrito. Whoah. Cool.

Kinuha ko na yon at pumunta na sa terrace namin. Doon ako nag online.

At laking gulat ko nalang ng mapansing may message sya sakin. Huwat! This is. Amazing. Tumalon na mula Venus papuntang Mars itong puso ko. Letse. Ngayon pa yata ako haheart attack'in. 

Nakita ko yung date ng pag chat nya sakin. Bago pa ito maggraduation nila.

Isang 'thank you :p' lang naman ang nakalagay dito pero uwaaaaaaa. Ang laki ng epekto sa akin. Ilang buwan ko naring gusto syang ichat non pero ayoko, nahihiya ako. Laking pigil ko sa sarili ko non ito.

Medyo isang linggo na rin yung msg na ito. Sana lang online sya ngayon.

Flashback*

"Tara na guys. Gagraduate na sila oh. Last na to." Pag aaya nung isa kong kaklase habang may hawak hawak na construction paper at umupo sa isang sulok at gumawa ng love letter

Ano to? No way high way. Hindi ako gagawa nyan.

"Hmp. Okay." Wala. Kinain ko salita ko ng makitang wala ng pumapansin sa akin dito sa room at halos lahat sila ay may kanya kanya ng sulat at design na ginagawa.

Nagkasundo sundo kaming magkakaibigan dahil halos lahat ng crush namin ay nasa fourth year. At sa kasamaamg palad ay gagraduate na sila. :(

So wala narin akong choice at pumunta sa bag ko sa may likuran ng room at binuksan ito. Kumuha ako ng tech pen at isang papel na may design. Para dito pala ang papel na ito. Palagi ko kasing dala dala ito pero hindi ko ito ginagamit.

Sinulat ko doon lahat ng kalokohang naisip ko. Syempre kasama na ang pagiging ako. Pagiging kalog ko kaya kahit letter lang yon ay puro 'HAHAHAHAHAHA' ang nakasulat doon.

February 13 ngayon. Pero mamaya ipapabigay na namin tong letters sa humahandle nito na fourth year din. Sila ang magbibigay nito sa taong gusto nating pagbigyan pero hindi nila malalaman kung kanino galing.

Sana matanggap nya ito bukas.

Ah! Kaya siguro sya nagpapasalamat dahil dun sa letter? Hmm. Nahiya naman ako. Uwaa. Pakain nyo na ako sa lupa.

Nagreply naman ako. Sana lang talaga online sya.

"Hahahahaha. Walang anuman. Nakakahiya. Okay lang kung itapon mo yan kaso airport ko yan eh. Hahahahahahahahaha!" Sabi ko

Laking gulat ko nalang na nagreply sya. Hmm ang bait naman nito. "Nakakatuwa nga eh. Haha. Oo ah. Airport mo nga ito. Itatabi ko ito. First time ko kaya nakatanggap ng letter. Haha." Sagot nya

First time? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Grabe. Sobrang saya ko. Hindi lang pala end ang pagkagraduate nila. Kundi ito pala ang simula na pagchachat namin.

10pm palang. Pero ang dami na naming napag usapan. Nandito parin ako sa may terrace.

Feeling close kami sa isa't isa kaya wala naman masyadong awkwardness though alam nyang may paghanga ako sa kanya nakasaad doon sa sulat na binigay ko nung valentines.

11

12

1

2

3

3 am na. Magkachat parin kami at nandito parin ako sa may terrace. Sila tita nasa salas parin at nagpaparty party sila nila mama.

"Good night na ah. Panalo ka. Hahaha. Hindi ko na kaya. Inaantok na ako eh. Haha. Salamat." Sabi naman nya

Nalungkot naman ako ng konti pero HAHAHAHA alas tres naman na po ng umaga. Kaya... "Sige good nighy din. Bukas patagalan ulit. Hahaha." Sabi ko

Bukas? Bukas? BUKAS? Oh bakit ko ba nasabi yon? *o*

FC na talaga ako masyado. Nakakahiya. Edi parang sinabi ko, sa susunod ulit. Parang kinontrata ko na sya na magchat ulit kami. Uwah. Pwede bang himatayin sa kilig? Hahahahahahaha!

"Okay sige. Ikaw din matulog kana. Maawa ka sa eyebags mo. Hahahahaha." Sabi naman nya

Aba pala. Hahaha. Porket sa kanya ay medyo maliit ang mata at walang eyebags eh. Hmp. Pero nangingibabaw parin kilig ko. Hahahaha.

Isa lang ang masasabi ko. Kumportable na kaagad ako sa kanya.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon