FCBY 25

15 1 0
                                    


Song for this Chapter: Beauty In Walking Away by Marie Digby

×××

Tulala ako habang hindi ko alam kung saan na ako kinaladkad ni Janina. Basta hinatak nalang nya ako palabas ng school campus at may pinasukan kaming hindi ko alam at iniupo nya nalang ako at iniwan.

Grabe. Grabe Zoe. Para kang timang! Aish. Hindi mo na dapat pinoproblema pa iyon eh. Bakit, bakit ha? May karapatan ka ba? In the first place ay wala, wala, at wala. Okay?

Napabuntong hininga nalang ako at hinipan ang bangs ko na nalaglag nanaman sa may mukha ko then pumalumbaba nalang ako sa may lamesang color baby blue na nasa harapan ko.

Maya maya lang ay may hawak hawak ng strawberry ice cream si Janina na nasa cone at may real strawberry pa sa ibabaw. Nilagay nya ito sa may harapan ng mukha ko then she gave me a warm smile.

"Oh, ikalma mo muna iyang puso mo." Sabi nya at dumila na sya sa.mau rocky road ice cream nya.

Napangiti nalang din at kinuha ang ice cream ko na nasa kanang kamay nya. Janina knows how to make me smile.

Mabuti nalang at nandito itong babaita na ito sa buhay ko. Kahit na madaldal iyan, maingay kapag nakakakita bg fafables, mabilis maglalakad papuntang cafeteria kapag gutom na gutom na kulang nalang ay iwanan alo sa paglalakad ay mahal na mahal ko parin ang bruhang iyan. Hahahahaha.

"Uhm, oo nga pala... Renzo told me na rarampa ka daw? Aish. Bakit wala kang nababanggit sa akin na ganyan. Nako nakakapagtampo." She said at nagpout pa ang loka loka.

And one more thing, ayan ang gusto ko kay Janina. Inililihis nya ang topic at pinapalitan ng kung anu ano. Then later on ay mapapatawa na nya ako at mapapangiti.

Hindi sya nang-uusisa sa feelings ko. Hinahayaan nyang ako na mismo ang maglahad nito sa kanya kahit halatang halata naman na nya. And then kaboom! Nandyan lang sya upang makinig sa akin.

Napangiti naman ako ng kaonti dahil sa binaggit nya at kinagat ko iyong strawberry na nasa ibabaw. "E-eh wala lang." I said then I chuckled. Sinamaan naman ako ng tingin ni Janina. "Kidding aside. Sasabihin ko din naman. Eh matagal pa naman iyon ay, next week pa. Tsaka stop your tampururut, invited ka naman eh. Hahahahaha."

Nagliwanag naman ang mukha nya ay ngumiti ng pagkalaki laki na animo'y bata na pinayagang maglaro sa labas.

Natawa nalang tuloy ako sa inasta nya. You're one of a kind Janina. And yeah, I'm your pretty cool bestfriend. Hahahahahaha. Kidding.

...

"As I was saying Zoe, this is one of the prestigious gown na nagawa ko in my entire life. And dahil ikaw ang aking paboritong inaanak, I want you to be my model para sa aking gown na ito. I hope maaasahan kita, darling?" Nakangiting paliwanag ni Ninang Klawi.

Nandito kami sa may mall ngayon sa botique ni Ninang dahil tinawagan nya ako kagabi na pag-uusapan nga namin iyong about sa ramp next week.

Iginagalaw galaw ni ninang ang swiwel chair nya ngayon dito sa may office nya habang naghihintay ng sagot ko.

Nagbigay naman ako ng pagkalaki laking ngiti kay ninang then I nod. "Ofcourse ninang. I would love to."

Pumalakpak naman sya. "Oh great!"

Kinuha ko naman iyong design ng gown ni tita na umaangat ang kagandahan neto sa color baby pink nya. Grabe, kahit natanda yata ang rumampa dito ay magmumukhang dalaga. "Ang ganda nga po nito ninang. Kaya hindi na po nakakapagtaka na ang dami dami na ng branch ng botique nyo dito sa Pilipinas." Sabi ko habang hawak hawak parin iyong design at pakasuri.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon