FCBY 24

13 1 0
                                    


Song for this Chapter: When I See You Again by Whiz Khalifa

×××

Nagising nalang ako ng maramdaman kong may sumisipa ng upuan ko sa likuran.

"Jenina naman, wag ka ngang magulo." I said in a low tone voice dahil baka marinig ako ng teacher namin sa physics na terror.

Hays, napuyat kasi ako kagabi dahil pinanood ko pa iyong fast and furious 7 at iyong Cinderella. Hindi ko namalayan na alaskwatro na pala ng madaling araw tas hindi pa ako nakatulog kaagad.

Nakita ko naman si Jenina na nanlalakj iyong dalawang mata at parang gulat ng gulat na nakatingin sa may harapan namin. Dahan dahan kong tinignan ang tinitignan nya at lalong nanlaki ang malalaking mata ko na kulay brown.

Omaygash, sabi ng utak ko.

Pwede bang palamon nalang sa lupa ngayon? Shemay.

Pagtingin ko sa paligid ay halos nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko and someone caught my attention. Ang nakangisi kong kaklase na napakamaldita sa akin eh wala naman akong ginagawa sa kabya pero napakasungit sa akin at napakabrat ng ugali na akala mo naman ay clown na ng klase sa araw araw dahil sa kapal ng blush on at kumikinang nyang nguso na namumula na akala mo nangudngod sa pader dahil sa natapilok sya dahil na takong pa ang black shoes nya. Kaarte, akala mo eh college na. Eh highschoo---

Natigil ako sa kakaisip ng biglang nagsalita ang teacher namin. Hindi naman mapigilan sa bakas ng mukha ko na hindi magulat at kabahan. I'm doomed.

"Detention room. Now!" May mga diin sa bawat salita nya pero kalma lang syang magsalita pero hindi mo parin mawawaksi, naks tagalog na tagalog. Aish, manaya kana mangulit Zoe, eto na nga, hindi mo parin mawawaksi na kabahan sa tono ng kanyang boses. Eto na nga ba sinasabi ko eh.

"But ma'am... I'm not doing anything for you to bring me there." I said. Pagdedepensa ko sa sarili ko. Abay totoo naman eh. Mangatwiran ka kapag nasa tama ka.

"That's the point Ms.Guevarra. Habang ako ang nagdudiscuss dito ay iyong mga kaklase mo naman ay nakikinig at nagtetake down notes tapos ikaw nandyan lang sa lamesa mo at nakdukdok at natutulog." Nangangalaiti ang boses ni Ma'am Delima pero tinatakpan prin nya ng pagkakalma. "Detention room, now Ms.Guevarra." She said.

Abay mali naman ho yata iyan. Aba. Nyay, lagot ka Zoe.

"But Ma'am---"

Ma'am Delima cut me off. "No buts." She said. "Pero kung ayaw mo talagang lumabas. Then explain to us what's on the board. Tignan lang namin kung may ibubuga ka."

Aba

Tinignan ko naman si Jenina at parang mas natetense pa sya kaysa sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.

Tas tinignan ko rin iyong clown namin kaklase na palaging may dalaw yata pagdating sa akin. Nakangisi parin sya ng malaki ngayon at nagform pa sya ng ng letter L sa left hand nya ay tinapat ito sa may ulo nya. "Loser." She mouthed.

Dahil sa sobrang kahihiyan na ang dinulot ko dito sa classroom na ito dahil sa terror na teacher na iyan ay tumayo nalang akl with confidence.

But wait, hindi ako lalabas ng room. May papatunayan lang ako. Sorry naman ho kung napuyat ako kagabi, ang ganda ganda lang kasi talaga ng pinanood ko eh. Hindi ko maresist na hindi panoorin.

Pumunta ako sa may harapan at binasa ang topic namin na nakasulat sa may whiteboard.

"Uh-oh..." Nabulong ko nalang sa sarili ko. I really don't like physics. Nakakasakit ng ulo. Hays. Pero no choice na ako, nasa harapan na ako eh. Mas lalo lang akong mapapahiya kapag umatras pa ako.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon