FCBY 20

24 1 0
                                    


Song for this Chapter: Saranghae by Sabrina

×××

Naalimpungatan naman ako sa may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. "Anak? Anak. Gising kana ba? Alas nuebe na." Mom said.

Napatayo naman ako at binuksan iyong pinto ng kwarto ko. "Yes ma, bakit po?" Pagtatanong ko.

Napansin ko naman nakamint green dress si mama at nakadoll shoes na white at medyo wavy ang buhok ngayon at dala dala ang pouch nya na puti rin.

Pagkatingin ko sa kanya ng head to toe ay tinignan ko naman sya sa mukha at binigyan sya ng weird na expression. "Anong meron mama at bagets na bagets itsura mo ngayon? Saan po ang lakad nyo aber?" Pagkasabi ko niyon binatukan naman ako ni mama at tumawa.

"Akala mo ako itong anak na magpapaalam saiyo na gumala at ikaw naman itong nanay na nagsesermon sa akin." Sabi nya at tinulak ako papasok ng kwarto ko at inabot sa akin ang twalya kong barbie pa ang design. "Hala sige, maligo kana at malling tayo todayy!" Masigla nyang sabi sa akin at tinulak tulak na niya ako papasok ng banyo.

Huminto naman ako sa may mismong pintuan ng banyo at pinigilan ko sya sa pagtulak sa akin. "Teka teka mama. Wala akong pang mall ngayon." Bored at taranta kong sabi.

Madalas kasi kaming magmalling netong si mama. Ang kaso nga lang ay kanya kanya bayad.

May pera sa balat iyan si mama, ang gusto nya lang ay matuto daw akong magbudget para sa sarili ko at hindi daw porket alam kong may pera kami na pangrecreation na ganito ay gasta na ako ng gasta.

Kaso nga wala akong ipon ngayon. Aishh.

Nakangiti naman ng malaki sa akin si mama. "Osya, wag kang mag-alala. Treat ni gandang mother mo ngayon. Hahahahaha." Sabi nya sabay tawa.

Wala pang isang segundo ay pumasok kaagad ako ng banyo at naligo.

Wow aba. I'm free to buy anything I want. Wahahahahahaha.

"This is life." Bulong ko sa sarili ko at ngumiti ng mapanloko at binuksan ko na iyong shower. Hahahahahahahahahahahaha. Cool.

After mga 10 minutes siguro ay natapos narin akong maligo at lumabas na ng banyo ng nakatapis. Wala narin si mama sa kwarto ko at panigurado ay kumakain lang iyon sa baba ng cheesecake at nanonood ng Adventure Time. "Cool mom..." Nabulong ko nanaman sa sarili ko at hinipan ang bangs na nasa harapan ng mukha ko ngayon at basa.

Napangiti naman tuloy ako sa naisip ko. Yeah right, my mom's pretty cool in the whole wide world. I do love her.

Naghanap naman ako ng maaari kong maisuot na comfortable ako pero iyong makakaterno naman kay mama. Aba, bonding nanaman namin ito. Hahahahaha.

Kinuha ko iyong nakahanger sa cabinet ko na light pink kong dress na hapit na hapit sa beywang ko. Sheer naman ang sleeves neto so walang problema.

After kong kuhanin iyon ay inilapag ko sya sa kama at humarap sa may salamin. Ibinlower ko na muna iyong buhok ko then nagpowder lang ako. Wala akong ibang keme keme sa mukha dahil hindi naman ako naggaganoon at wala akong alam sa ganoon. Baka magmukha lang akong clown kapag ginawa ko iyon.

Naglagay lang ako ng lip balm sa labi ko dahil iyon lang ang alam ko. Sad life. Hahahahaha. After niyon ay nagbihis na kaagad ako dahil baka naiinip na si mama sa baba at nagsuot lang ako ng wrist watch at isinukbit na sa kanang balikat ko ang peach kong sling bag na katerno ng doll shoes ko.

Why so terno? Kasi lang naman, my mom used to buy na terno terno so that cutie raw tignan. Why so conyo Zoe? HAHAHAHAHAHAHAHA.

At tinignan ko naman ang sarili ko sa may harap ng salamin na whole length at ngumiti then hinipan ko nanaman ang bang ko na nasa harapan at umalis na't lumabad na ng kwarto.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon