FCBY 31

18 1 0
                                    


Song for this Chapter: Rather Be by The George Twins

×××

Pagkagising ko ng mga alasais ng umaga ay gising narin pala ang tito ni Ivory.

"Good morning po!" Bati ko sa kanya na nasa may kusina at umiinom ng kape.

"Good morning din. Ito oh." Sabi nya at inabutan ako ng isa pang kape na kakagawa nya lamang.

"Salamat po. Uhm, aalis po kayo?" Pagtatanong ko dahil mukhang nakaligo na sya at nakapamormang pang-alis.

"Ay oo, magsisimba muna ako. Osya, baka malate pa ako. Nagluto na ako dyan ng kakain nyo kapag tinanghali ako neh." Sabi nya at nginitian muna ako bago umalis kaya tumango ako at ngumiti narin.

Si Ivory at John ay parehas pang tulog. Nagpunta muna ako sa may terrace dala dala ang tasa ng kape.

Mabuti na lamang at abot dito sa terrace ang wifi at nakapagselfie ako at nakapagpost sa twiiter, instagram, at facebook.

Nagshot din ako ng kung anu-anong anggulo. Remembrance ko na bago makauwi sa amin. Grabe, ang ganda dito sa terrace sa taas. Tanaw na tanaw mo halos lahat. May nakikita pa nga akong nagjojogging.

"Pinapawisan kaya sila?" Bulong ko sa sarili ko at napatawa ng mahina sa sarili kong katanungan. Dahil sa sobrang lamig dito ay mukhang hindi ka papawisan. Hahahahaha.

Kamusta na kaya si Matthew? Aish. Nako. Leave your thoughts there Zoe, mag-enjoy kana muna dito.

"Oh aga natin gigising ha?" Sabi ni John na lumabas din sa terrace at magdala dalang mug.

Tumabi naman sya sa akin at ipinatong ang magkabilang siko nya sa may pasimano. Nagtingin tingin din sya sa paligid.

"Uhmm, birthday ni Matthew kahapon." Panimula ko.

Well, he's my guy bestfriend so walang impossible kung malalaman nya everything about me. Especially about my lovelife. Kaya ito nagkukwento nanaman ako.

"Oh, ow. Sayang naman at kahapon tayo umalis. Wala ka sa birthday nya." Sabi nya at uminom sa mug nya.

"Eh kayo John? Kayo ni Rose? Nasisiguro nyo ba na kapag college na tayo, ganito parin?" Biglaang natanong ko

Ngumisi naman sya sa kawalan. "Uhm, hindi rin natin masasabi ang panahon. Napag-usapan na namin iyon. Kahit na two and a half years na kaming mag-on ay alam kong hindi parin impossible if ever na may magbago sa relasyon naming dalawa." Uminom ulit sya sa mug nya.

Tumango tango nalang ako. Hays. Pegebeg nga naman.

Nagising narin si Ivory at nagbonding muna kami. Gitara, selfie at kwentuhan.

Nang malapit ng magtanghalian ay naligo na kami isa isa. Grabe. Sobrang lamig ng tubig! Hahahahaha!

After niyon ay naisipan na naming maglunch dahil after lunch ang test namin sa SLU.

Dumating narin ang tito ni Ivory kasama ang anak nitong lalaki at ang kanyang asawa. Gumayak na kami isa isa at naghanda na sa pag-alis. After kasi ng test namin ay aalis narin kami kaagad.

Whoah. Nakakakaba. Hahahahahaha.

Mabilis namang umandar at gumora ang oras at nakatapos na kaming magtest. Late pa nga kaming dumating sa school eh. Hahahahaha.

Madilim na at 8pm na, nandito parin kami sa daan at tinatahak ang highway pauwi.

After two hours pa ay naihatid na kami nila Kiel sa bahay namin.

"Uhm, thank you po! Mag-iingat po kayo sa pag-uwi nyo." Sabi ko kala Kiel at sa magulang nya ng nakalabas na ako ng sasakyan at nagbow ako then pumasok na ako ng bahay.

Hays, ngayon ko lang naramdaman ang pagod. As in lahat ng pagod. Kapag nandoon ka sa eksaktong scenario at enjoyment ay hindi mo mararamdaman ang pagod. Pero sa huli, dun mo marerealize lahat.

Parang sa pag-ibig lang iyan...

Kapag sa una na masaya ka ay go lang ng go dahil sa enjoyment at happiness na nararamdaman mo. Pero kapag tapos na at nasa huli na ang lahat, doon mo mararamdaman ang lahat ng pagod at sakit. Sakit nga lang sa puso, hindi iyong literal na sakit.

Ay nako, bumangon na ako sa may kama. Walang mangyayari kung tititigan ko lang ang ceiling namin at mag-iisip ng kung anu ano.

Nagshower na muna ako bago matulog kahit mag-aalas onse narin pala.

Si mama ay tulog na pati narin si yaya Wanda kaya bukas ko nalang aayusin ang mga pasalubong ko sa kanila.

...

Nandito kami ni Janina sa bahay ngayon at ngumangata habang nanonood ng Croc.

"Ay grabe naman nyan best! Ayayay---nako. Ang brutal. Aish. Palitan mo nalang ng Into The Woods!" Malakas kong sabi at tinatakpan na iyong mga mata ko. Kadiri. Aish.

Natatawa naman si Janina at lumapit sa may harap ng tv at kinasa na nya ang Into The Woods.

"Ayan ayan. Good good." Nakangiti kong sabi at umayos na ako sa pagkakaupo ko at kinuha ang popcorn na nasa kamay ni Janina. Hahahahaha.

Mahigit isang buwan narin nakalipas noong nagbirthday si Matthew at iyong baguio thingy. Pakiramdam ko nga ay parang wala lang sa kanya eh. Aish. Ene be ito.

No Zoe, drop the crap.

Napailing na lamang ako at tinuloy ang pinapanood namin.

"Uy look Tammy Zoe Guevarra! Look look. Tignan mo itey. Ahihihi. Gravity-hihi."

Nakita ko naman iyong sinend ni Tita Jashi sa kanya.

From: Dearly Mother

Hey darling! Punta kana dito sa shop. Susukatan kana ng damit. Take care!

Ayan iyong nilalaman ng text ng mama nya.

"Oh, ano best. Pumunta kana ng masukatan kana. Next week na iyon." Saad ko.

"Oyes, eh ikaw ba? Kayo nila tita may isusuot na?" Pagtatanong nya.

Magkakaroon kasi ng Christmas Celebration with Jungha Inc. Isa sila tita Jashi at sila mama sa mga shareholders ng company. Pati narin ang asawa ni tita Tintin at nila kuya Fred kaya ayun, happy happy.

"Uhm, yep. Kahapon pa kami nakapagpasukat. Ingat ka best!" Sabi ko then nagbeso beso naman kami.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon