FCBY 42

15 0 0
                                    


Song for this Chapter: I Saw The Sign

×××

Nasa ibabaw nya ako ngayon. Did he just save me?

Napatitig ako sa mukha nya ngayon na sobrang lapit. Mga 4 inches lang ang pagitan.

Halos anim na linggo narin noong huli kong matitigan ang mukha nya ng ganito kalapit.

Ng mapagtanto ko ang pangyayari at maalala ang nangyari kagabi ay dali dali akong umalis sa harapan nya at pinagpag ko ang leggings ko na puro damo.

Hinayaan ko syang tumayo at umiwas lang ako ng tingin.

Aalis na sana ako ng hilahin nya ang kaliwang braso ko paharap sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa expression ng mukha nya.

Hindi sya nagsasalita at nakatitig lang sa akin at sinuri ang buong mukha ko.

Ano bang sa tingin nya ang ginagawa nya? Bakit ba ganyan sya kung umakto? Sira na ba ang utak nya? Juice me naman Matthew, tigilan mo na ako. Huwag mo na akong pahirapan pa lalo.

"What?" Pagtatanong ko ng parang walang pakialam at naiirita.

Dahan dahan nya akong niyakap. Nanghina naman kaagad ang tuhod ko.

Sa ganitong paraan lang ay pakiramdam ko ay bumaligtad nanaman ang mga bituka ko. Ang mga paru paro na kaninang natuthlog lang ay ngayo'y gising na at nagsisiliparan na.

Ang daloy ng kuryente ay nararamdaman ko sa sistema ko ngayon. Ano nanaman ba ang ginagawa nila dito? Bakit may epekto parin sya sa akin?

Kumalas ako sa yakap nya sa akin at marahas na tinanggal ang mga braso ko sa kamay nya. "Let go of me." Kalmado ngunit bored kong sagot.

Ayaw nya akong bitawan. "I said let go of me. Cam you not, Matthew?" May autority sa tono ng pananalita ko sa pangalan nya.

Binitiwan naman na nya ako kaagad ako tinalikuran ko na sya. Napahipan naman ako sa bangs ko na nasa harapan ng mukha ko ng makaalis na ako sa harapan nya.

Ang tibok ng puso ko, kalmado narin. Mabuti naman. Hays.

...

Nandito ako ngayon sa bahay nila tita Tintin dahil may party nanaman yatang nabubuo sa kanilang isipan.

Tanghali na ng sabay kaming pumunta dito nila mana at yaya wanda na msy dala dalang soare clothes.

"Oh ano? Tara na!" Sabi ni tito.

"Mga bata ilagay nyo na iyong mga gamit nyo sa van. Yung blue na van iyong gagamitin natin." Sabi ni tita tintin.

Iyong blue na van ay iyong family van namin, para kapag may ganitong outing ay isang van lang ang gagamitin namin at kasya ang halos dalawampung katao. Kaya naman hindi kami hiwa hiwalay.

"Yes!" Halos sabay sabay naming sabi. Kapag ganito kasi ay malamang party to da max itey.

After two hours na byahe ay nakarating narin kami sa isang beach resort. "Monde Marina!" Sabay sabay nsming sigaw na nagpipinsan at lumabas kaagad ng van pagkahinto.

Last year ay nagbeach swimming din kami dito.

Yearly naman ay nagbebeach kami, kaso sinusubukan namin ang iba't ibang beach sa kung saan saan.

Pero eto lang talaga ang mas napukas ng puso namin. Naks, napukaw! HAHAHAHA. Kaya nangako sila na dito ulit kami ngayong taon.

Naglakad nalang kaming magpipinsan papasok habang sila tito, tita, mama, at yaya wanda ay nasa van. Refreshing kasi ang hangin dito kapag naglalakad.

Malayo pa ang mismong dagat dito pero nilakad namin ang kahabaan ng mga puno.

"Mga insan! Pictures muna." Sabi ni kuya Fred at inayos ang tripod at nilagay doon ang DSLR na nakasabit sa leeg nya.

Dali dali naman syang tumakbo papunta sa amin dahil tinimer nya abg camera.

Sabay sabay kaming nagsabi ng... "Say cheezy!" At ayun! Ang saya! Hahahahahaha.

Habang naglalakad kami papunta sa pinagcheck-inan nila tita ay nangunguha naman ng mga stilen shots si kuya Fred.

Tawa tuloy kami ng tawa.

Ang kambal ay parehas na nakanganga at nakapikit.

Si Cadee na kasa kasama namin ay nadapa kanina pero wala namang sugat kaya lang ay umiyak parin sya, habang ngumangawa si Cadee ay kinuhanan naman ni kuya Fred. Tawa kami ng tawa. Hahahahaha!

Sila kuya dex naman ay nilagyan ng yelo sa likuran ni kuya O'neal pagkatapos ay nakuhanan ni kuya Fred na babangasan ni kuya dex si kuya O'neal na tawa ng taes habang sya ay nakanganga na pasugod.

At ako? Eto pretty. Hahahahaha. Charought! Hindi nakaligtas.

Nakuhanan din, nakanganga tapos nakatingin sa kaliwa habang nanlalaki ang nga mata. Hahahahahahaha!

Nailagay na namin ang mga gamit sa kabilang room na pinagcheck-inan nila mama.

Hindi kasi kasya kung sa iisa labg lahat. So nagdecide sila na dalawang magkatabi na lamang at kaming magpipinsan sa isa at ang matatanda naman sa kabila.

Pagkalabas mo naman ng kwarto ay may malaking lamesa naman doon at doon kaming nagkainang pamilya.

Tanaw na tanaw mula rito ang dagat na nakakasilaw dahil sa repleksyon ng dagat.

Pagkatapos kumain ay naglibot muna kami sa tabing dagat at nagpicture picture. Nagkakatuwa nga at nakabalik kami rito.

"Volleyball tayo!" Pag-aaya nila maricris. Varsity sa school namin iyan eh. Pero marunong din naman ako, hilig ko kasi silang panoorin noong elementary pa lamang ako.

"Saan may bola?" Pagtatanong ni O'neal.

"Ay teka teka. Hahahaha." Sabi ni kuya fred at umalis.

Tinitigan naman namin sya na pumunta sa mga kababaihan na nakaupo at nagzizip ng juice nila.

"Ay susme, nanguja pang mambabae!" Sabi ni kuya O'neal at napakamot na lamang sa ulo nya.

Nakita naman naming nakikipagtawanan pa si kuya fred sa dalawang babae, maya maya pa ay iniabot na ng babae kay kuya ang bola.

"Bingo! Hahahaha. Galing galing." Pumapalakpak na sabi ni kuya dex.

Nagfive on five naman kami. Sakto naman kaming magpipinsan. Ako, yung kambal, at ang pito naming pinsan na lalaki.

Dahil bata pa si Cadee ay nanuod na lamang sya sa amin sa gilid. Nakakatuwa nga dahil sya pa ang naging scorer namin eh. Hahahahahaha.

"Oha, iyong matatalo ay lulusot sa ilalim." Sabi ko.

Nagtawanan naman sila at... "Game!"

Nagsimula na kaming maglaro at natapos ito bg talo ang team namin.

Tawa kami ng tawa ng matapos naman ang laro ng lumusot si kuya Fred kay maricris. Dahil sa sobrang laki ni kuya Fred at maliit lang si maricris.

Naghahapon na ng sabay sabay pumunta sila tito dito sa amin.

Kinuha nila sa DSLR kay kuya fred at sila naman ang nagselfie na mga oldies. Hahahahaha.

Kami namang magpipinsan ay nakaupo lamang ng isang diretso sa tapat ng dagat habang pinapanood ang sunset.

"On, twi, three, smile." Sabi ni mama.

Akala ko ba naman ay sila sila ang nagpipicturan ng malamang nasa amin ang flash.

Napalingon naman kami at pinakita ni mama at silhouette na picture naming labingwalo sa papalubog na araw.

Ang ganda.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito kasaya pagkatapos ng halong dalawang buwan.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon