FCBY 12

24 1 0
                                    


Song for this Chapter: Walang Iba by Ezra

×××

Dahil intrams na namin ngayon, free na kaming gawin ang gusto naming gawin. Except lang siguro ang mga ginagawa kapag first day ng intrams. Hahahahahahaha.

"Okay guys, pila na tayo ng apatan." Sabi ko sa ibang team habang naglalakad papuntang likuran. "By four po ang pila natin. Please sumunod." I shouted.

Hays. CAT officers again. As usual, kami nanaman ang magbabantay para sa peace and security ng parada namin.

And then tumunog na ang music ng mobile na nirent ng school. Which is signal na para magistart na ang parada.

Sa kasamaang palad, kahit na gustong gusto kong pumunta sa section namin para sumabay na maglakad ay heto kami ngayon at nagpapahuli para tignan kung maayos ba ang mga pila nila para walang mapano sa daan.

After a couple of minutes ay pabalik narin kami sa school at magistart naman na ang Search for Ms.Intrams namin.

Kanya kanyang rampa. Kanya kanyang sagot sa mga katanungan.

Tawa lang kami ng tawa ng section namin. Syempre kasama ko rin si Janina dahil sa hirap na hirap na yung ibang muse dahil nakaheels ba namang pumarada. Ayan paltos aabutin nila mamaya. Hahahahahahaha.

Tumayo naman si Janina sa pagkakaupo nya at nag-aya. "Tara bili muna tayong burger saglit. Nagugutom nako." Sabi nya at sinamahan ko narin sya dahil nagugutom narin ako.

Habang naglalakad kami at bigla namang ngumiti ng nakakaloko itong si Janina at tinignan ako. "Uhmmm, parang may magchicheer dito mamaya ha?" May pang-aasar sa kanyang tono.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko kasi gets. Okay medyo slow.

"Ang sabi ko, may magchicheer dito mamaya. Dba kasali si Matthew sa dance competition mamayang hapon?" Pagsisiguro nya.

Tinignan ko naman sya at tumingin sa harapan na nilalakaran namin at tumangi at ngumisi.

Kiniliti naman ako ni Janina sa kaliwang bewang ko. "Ikaw ha! Hahahahaha. Dalaga na ulit ang bestfriend ko." Sabi nya na medyo at muntik ng mapalakas kaya natawa namab yung babaeng nagtitinda ng burger dahil saktong nasa harap na kami ni ateng nung sinabi ni Janina iyon.

"Hello! Magandang buhay!" Masayang bati ni ateng.

"Magandang buhay din po! Dalawang burger nga po. Yung isa without ketchup po ha. Salamat." Sabi ni Janina at naupo na muna kami.

"Alam mo ha, napapansin ko lang kasi na sobrang close nyo na. Kayo na ba? Ha?" Panunuring tanong nya.

Napailing naman kaagad ako at kumonot ang noo.

"Hala. Hindi ah!" Sagot ko kaagad.

"Aruy. Defensive, ano po? Hahahahahahaha." Sabi nya at pinitik naman ang ilong ko.

"Aray naman. Problema mo ba? Nakita mo ba kaming nagkasamang gumala nor nag-usap ng personal? Hindi naman dba?" Sabi ko naman at inirapan sya at hinimas himas yung ilong ko na pinitik nya na namumula na ata ngayon.

"Hoy Zoe the red nose. Kunin na natin burger natin." Sabi nya at tumayo na ng nakangisi parin ng malaki.

Takte. Napagkamalan pang kami. Sana nga kami nalang eh.

Kaso nga pano magiging kami eh hindi naman nanliligaw? Ay. Hala. Ano ba itong mga pinagsasasabi ko.

"Salamat ate. Heto po bayad ko." Sabi ni Janina at nag-abot na ng bayad nya. Kaya binuksan ko narin wallet ko at nagbayad.

Isasarado ko na sana yung wallet ko ng natanaw ko yung picture na pinaprint ko. Wallet size. First picture. Me and Matthew.

Dudungaw na sana si Janina ng mapansing napatulala ako sa may wallet ko ng isinara ko na kaagad ito. At hinatak na sya para makabalik na kami kaagad. "Tara na. Hahahahahaha. Chichismis pa eh."

...

"Question and answer na Zoe! Tama na muna sa kakatext mo." Paninita ni Janina at pinanood na namin ang apat na candidates na nasa stage ngayon at mukhang mga kabado.

Katext ko kasi si Matthew. Naghahanda na daw sila dahil after netong Q&A ay magpeperform na sila.

"For our first candidate. Please come forward." Sabi ng emcee na beki. Hahahahahaha.

Naglakad naman papuntang gitna ang team A na muse na kinakabahan.

"Bunot kana dito sa fish bowl na hawak ko." Sabi ulit nya at inalog alog nya yung fish bowl at pinabunot si muse team A.

"Thanks you. So para sa iyong katanungan Miss Sharetta. Anong klaseng estudyante ang taglay mo dito sa Eugery Academy? I repeat. Anong klaseng estudyante ang taglay mo dito sa Eugery Academy?" Seryosong tanong nung emcee.

Inabot naman nya ang mic dun sa muse ng team A.

"Uhmm, e-ehem. Good morning! Unang una po, salamat sa iyong katanungan." Napatingin din ako kay Janina na sinasabayan ang introduction nung babae.

Kaya naman binatukan ko sya at tumawa. "Para kang tanga. Hahahahahahaha." Sabi ko.

"Eh sya kaya iyon." Sabi nya habang hawak hawak yung ulo nyang binatukan ko. "Paano naman kasi, paratinv ganoon yung oanbungad. Kasawa. Alam na alam na yung linyahang ganyan." Defensive na paliwanag ni Janina na lalong nakapagpatawa sa akin.

Dahil sa asarang naming iyon ay hindi na namin narinig yung sagot nung babae. Ano ba yan.

Tahimik lang kaming nakikinig hanggang sa tinamaan yata ako sa huling katanungan nung emcee.

"Bibigyan kita ng case sample ha. Kung mahal mo naman pala yung taong iyon, bakit una palang hindi mo na kaagad sinabi sa kanya? Naniniwala kabang nasa huli na ang pagsisisi?" Parang halos natahimik ang stadium dahil sa tanong na iyon.

"Ah hi po. Una sa lahat, opo. Naniniwala akong nasa huli ang mga pagsisisi natin. Kasi nalalaman mo lang po yung halaga ng isang bagay o ng isang tao kapag nawala na ito saiyo. So better na hanggat maaga at maaari pa ay matuto na tayong pahalagahan kung ano ang mayroon tayo ngayon. Ikalawa naman po, depende po kasi sa klase ng tao iyon eh kung bakit hindi nya sinabi kaagad. Maaaring ayaw nya lang po masaktan yung taong iyon o baka may mas matindi pa pong dahilan. O baka sa tingin nya po ay hindi pa tama ang oras. Kaya po siguro ganoon. At ikatlo naman po ay, salamat sa iynyong katanungan." Sabi nya at nagbow na sya.

Nakita ko naman ang kaliwang kamay ni Janina na nakasalo sa may tapat ng mukha ko.

"Isasara mo rin bibig mo, baka tumulo laway mo." Sabi nya at tumawa. Hanep. "Tinamaan ka ano?" Sinamaan ko naman sya ng tingin sa mga pinagsasasabi nya.

Sa huli ay nanalo yung babaeng tinanong tungkol sa pag-ibig at pagsisisi.

Hays, pag-ibig nga naman talaga oh. Kayang pagbalibaligtarin ang pag-ikit netong ating mundo.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon