FCBY 16

23 1 0
                                    


Song for this Chapter: Not A Bad Thing

×××

"Uhmm... Ehem. Ehem." Sabi ko. Hahahahaha.

Napatingin naman sya sa akin. Tinignan ko naman yung kanang kamay ko na hawak hawak nya. "Eh Matthew, yung kamay ko. Malapit na tayo kala Janjan. Magbabayad pa tayong trike. Hahahaha." I said while smirking.

Napakamot naman sya ng ulo nya at natawa rin. Pagkahinto namin sa may kanto nila JanJan ay bumaba na sya at sumunod naman na ako.

Ilalabas ko na sana iyong wallet ko ng naabot na nya pala kay manong driver iyong bayad.

Naglakad na kami papunta kala JanJan then binulungan ko sya. "Uhmm, thanks nga pala." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Sya naman ay napatingin sa akin at ngumiti. "Maliit na bagay." At tumawa.

Kiniliti ko naman sya sa kaliwang tagiliran nya. Uhmmp yabang ano po? Hahahahahahaha.

"Hello guys!" Pagbati ni Matthew sa mga kaibigan nya na nakala JanJan din pala.

Hindi naman na bago sa akin iyong mga kaibigan nya dahil mga naging kaibigan ko narin sila sa iba't ibang paraan. Iyong iba naging kaibigan ko na simula noong elementary, iyong iba ay nakasabayan sa sayaw.

"Uy pre! Hello Tammy!" Bati sa akin ni Alex.

Nginitian ko naman sya. "Yow! Hi!" Sabi ko at nag apir naman kami.

Nag-iinom naman iyong mga kaibigan nila Matthew ng lumabas silang lahat ng terrace kaya pumunta kaming dalawa sa terrace ni Matthew at naupo.

Inilapag naman nya iyong binili namin sa may Mcdo. "Uhmm, subuan pa kita?" Sabi nya sa akin ng seryoso.

Teka seryoso ba iyon? Hindi ko alam. Hahahahahaha.

Natawa naman ako at umiling nalang at binuksan iyong binili ko at sinimulan ko ng kumain.

"Ikaw? Ayaw mo?" Pag-aalok ko sa kanya kasi nakatingin lang sya sa akin at nakangiti. Umiling naman sya ng nakangiti parin. "Eh? Isn't it rude to stare?" I asked while my mouth is full.

Umayos naman sya sa pagkakaupo nya. "Isn't it bad to talk while your mouth is full?" Ginaya naman nya iyong tono ko.

Natawa naman tuloy ako at nasamid kaya inabot naman nya kaagad sa akin iyong coke at pinalo palo iyong likod ko pero mahina lang habang tumatawa parin sya sa nangyari sakin. Sinamaan ko nga ng tingin pero tumatawa parin ang loko.

"Sure kabang ayaw mo?" Pag-aalok ko ulit sa kanya.

Umiling nanaman sya. "Busog ako, kumain ako kanina bago bumalik ng school." Sabi nya. Tumango tango nalang ako at kumain nalang ulit.

Maya maya naman ay may bumalik na isa sa tropa nya pero hindi ko nalang iyon pinansin at dire diretso nalang sa pagkain ng maubos ko na kaagad.

Naglagay naman sa baso ng emperador iying tropa nya na iyon na nasa lamesa lang din na kinakainan ko at ininom ito at bigla ba namang kinuha iyong Coke ko at ininom. Papalag sana ako kaso pagtingin ko ay si Noshen pala. Hindi ko nalang pinansin.

Hahahahahaha! Natatawa nalang ako sa sarili ko kasi ang normal nalang ng act naming dalawa ni Noshen sa isa't isa. Well, he's my ex; my first boyfriend. But it's no big deal. Hahahahahaha.

Pagkainom nya ay binaba na kaagad nya yung coke. Uminom naman si Matthew doon. Wow indirect kiss silang dalawa. Sweet naman. Hahahahaha.

Kaso bigla namang inilapit sa akin ni Matthew iyong Coke at pinapainom rin ako. Tinignan ko iyong lamesa at iyong empi lang iyong pwedeng mainom doon. So no choice ako dahil nauuhaw narin ako kaya ininom ko narin iying coke na ininuman nya.

Indirect kiss? Uhmmmm...

Inubos ko na ng tuluyan iyong kinakain ko at niyaya ko ng lumabas si Matthew para pumunta sa mga kasama namin.

"A-ah eh? Sigurado ka bang kaya mo?" Matapang na tanong sa akin ni Matthew bago kami lumabas ng terrace. "Kakakain mo lang oh, baka magtakbuhan sila dyan." He said while we're walking.

"Oo naman kayang kaya. Hahahaha. Eh ikaw ba? Huh?" Pagtatanong ko at tinignan sya ng mapang-asar.

"Oo naman. Kakayanin." Sabi nya at parang tumiklop bigla. Napalakas naman tawa ko.

HAHAHAHAHAHA SI MATTHEW MATATAKUTIN SA DILIM?

"Teka teka, matatakutin ka sa dilim? Edi takot ka pala sa sarili mo? Hahahahahahahaha!" Sabi ko at tumawa nanaman ng malakas.

Sinamaan naman nya ako ng tingin at pinagtanggol ang sarili nya. "Oy ah, maitim lang ako pero gwapo ito." Sabi nya. Niyakap ko naman kaagad bigla iyong sarili ko na acting na parang nilalamig kunwari. "Nilalamig ka?" Pagtatanong nya. Iyan effective. Hahahahaha.

"Uhmmm parang humangin kasi bigla ng malakas eh noong sinabi mong gwapo ka. Teka patingin nga, saang banda ba?" Sabi ko at hinawakan iyong baba nya at chineck ko kunwari kung saan doon. Hahahahahahaha! Sinamaan naman nya ako ng tingin. "Pero syempre joke lang. Hahahahahaha."

"Pero hindi na ako matatakot kasi kasama naman kita eh. Nandyan ka." Sabi nya habang nakatingin lang sa harapan namin at naglalalad. Kinilerg ako don infairness. Hahahahahahahahahahahaha!

Nakita ko naman si Dindy na nagpapiggy back ride kay Gwerol na nasa unahan namin. Nakakatuwa silang tignan.

Ang sasaya kasama. Bigla naman akong inakbayan ni Matthew, napatingin ako sa kamay nya tapos sa kanya at hinihintay nya iyong magiging reaction ko pero nginitian ko sya ng malaki. Naaalala nyo ba iyong nagpapicture sya sa akin tas umakbay sya? Tinanggal ko dba? Pero bakit ngayon, parang... parang gusto ko na lagi sya nandyan at nakaganyan kasi pakiramdam ko ligtas ako?

.

.

.

Nandito kami ngayon sa may abandonadong simbahan na mga fifty steps lang yata ang layo sa bahay nila JanJan. Nasa village din nila. Malaking simbahan sya. Sayang nga eh dahil naging abandoned na.

"Ano baby? Kaya?" Pagtatanong ko. Mukha naman yata syang nagulat sa pagtawag ko sa kanya. Teka takte, ako rin nagulat.

Pero nabawi naman na nya kaagad ito at ngumiti naman na kaagad tas hinawakan nya iyong kanang kamay ko at humarap sa may simbahan at napasimangot naman.

"Oh bakit? Hahahaha. You scared huh?" Pang-aasar ko.

Nakita ko namang nasa may labas palang ng pintuan ng simbahan iyong mga kaibigan namin ng bigla namang silang nagtakbuhan pabalik sa amin habang sumisigaw sigaw pa.

"Tsk tsk. Mga kalalaking tao, duwag pala." Sabi ko habang natatawa sa mga reaction nila.

Natawa naman si Matthew sa sinabi ko. "Aangas angas umasta ng mga iyan sa school pero mga takot din iyan sa ganyan." Sabi nya. Napatango nalang nga ako.

May punto rin sya. Masaya silang kasama. Mababait. As in sobra. Pero mga pasaway. Lalaki eh. Nanghihinayang nga ako sa mga iniisip ng mga teachers sa kanila eh. Ang mga tingin kasi sa kanila ay parang mga magugulong bata lang, patapon, walang kwenta. Pero ang totoo? Kayo na ang tumuklas kapag nakasama at mas nakilala nyo pa sila. Ang babait grabe. Hands down ako.

"Ano Matthew, ikaw kaya mo?" Pagtatanong ko.

"Ano ka? Ikaw nalang mag-isa ka. Katakot kaya oh." Pagdedepensa nya. Binatukan ko nga ng malakas. Iiwan nya ako dahil sa takot sya? Aba pala. Eh kakasabi nya hindi na sya matatakot kasi kasama naman nya ako. Hanep pala ano.

Tinapik ko naman si Amber na nasa kaliwa ko at binulungan. "Amber, matatakutin ba talaga sa dilim itong si Matthew?" Tinanong ko parin kasi hindi halata na matatakutin sya eh.

Nginitian naman ako ng mapangloko ni Amber tas tumingin kay Matthew na sa kabila nakatingin tas tumingin ulit sya sa akin at tumango. "Oo matatakutin talaga iyan. Hahahahahaha!" Sabi nya.

Napalingon naman ako kay Matthew at napangiti nalang sa kawalan.

Napapabilib mo ako lalo Matthew, atleast onti onti ay nakikita ko iyang ganyang side mo. Natural. Totoo. Walang halos kapekean kapag kasama mo iyong taong mahal mo. Kaya mas lalo akong nahuhulog saiyo.

Well it's not a bad thing to fall inlove with him...

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon