FCBY 49

17 0 0
                                    


Song for this Chapter: Stitches And Burn

×××

Mabilis namang dumali ang ambulansya. Duguan ako ngayon at dugo ito ni Matthew!

Nilapitan ko sya ngayon at niyakap agad agad. Wala syang malay at mabilis dumanak ang dugo nya sa may sementong pinagtilapunan nya.

Dalawang ambulansya ang dumating at isinakay sa isang sasakyan si Leslie na ngayon din ay walang kamalay malay.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Wala na akong maaninag masyadong mga tao ng sumakay ako sa may ambulansya kung nasaan si Matthew. Lahat ay parang bulong na ng mga bubuyog at wala akong maintindihan. Sa sobrang pag-iyak ko rin ay nagiging blurred narin ang paningin ko.

Wala parin akong tigil sa paghagulgol hanggang sa dumating kami sa hospital.

"Hanggang dito na lamang po kayo ma'am." Pigil sa akin noong nurse ng sinundan ko sila Leslie at Matthew papasok ng emergency room.

Napaupo na lamang ako sa may sahig. "Kasalanan ko ito eh." Sabi ko at napapukpok na lamang ako ng kaliwang kamay ko sa noo ko.

Dinaluhan narin ako nila mama at nila Janina na nakasakay pala kanina sa isang ambulansya kung nasaan ang pinsan nyang si Leslie.

Hinagod nila ang likod ko.

"No sweetheart. Huwag mong sabihin iyan." Malambing na sabi ni mama pero nag-aalala ang tono.

Umiling iling naman ako. "Kasalanan ko ma." Sabi ko at humagulgol nanaman. Inipatong ko ang ulo ko sa magkabilang tuhod ko.

"Hindi best, aksidente lang ang lahat." Sagot nga.

Naririnig ko ring humahagulgol na sila tita Jashi at ang mama ni Leslie.

"Nasaan ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ng isang ginang.

"Nasa ER po sila ni Leslie, tita." Sagot ni Janina. I guess sya ang mama ni Matthew.

Sa sobrang tense na nararamdaman ko, unti unti nalang nagdilim ang aking pangingin and everything went so dark...

"Zoe! Zoe! Gumising ka Zoe..." Sigaw ni Leslie.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon