FCBY 4

43 2 0
                                    


Song for this Chapter: Soldier by Before You Exit

×××

Kinaumagahan ay biglaang nag-aya sila Janina na magpunta daw kami sa sm kasama ang iba pa naming kaklase.

Kaya naman dali dali akong tumakbo pababa ng bahay at pumunta kay mama na nasa veranda kasama sila tita at ang pinsan kong nasa limang taong gulang na kumakain ng almusal.

"Ma! Mama! A-ah hehehehe. Ano po. Uhmm." Nahihiya ko pang paalam. Panigurado kasi ookrayin nanaman ako ni tita neto at iisiping boypren ko 'daw' ang kasama ko. Wushu. "Good morning po!" Sabi ko at nagkiss sa cheeks ni mama at yumakap.

"Ano yon aber?" Nakakalokong tanong pa sa akin ni mama

Kilalang kilala talaga ako ni mama ano? Hahahahahahaha.

"Kasi po... uhm ano. Nag-aaya si Janina na magSM daw po kami. Pero promise po. Hindi po kami magpapagabi. Pero if ever naman pong gabihin kami. Dun na po ako tutuloy kala tita Jash at paniguradong sasabihin naman ni Janina na ihatid nila ako. So ano na po?" Pagtanong ko kay mama. Nagpuppy eyes naman alo at naghand gesture ng 'pleaseeeeeee'

"Aroy! Yung boypren mo na nasa wallpaper ng phone mo lang kasama mo eh. Idadamay mo pa bespren mo sa kalokohan mo. Hahahaha." Panloloko naman nitong si tita.

"Hay nako po tita. Kung meron man po akong boypren ay dinala ko na po sana dito at pinakilala mama atleast legal na. Eh kaso tita Tintin, wala. As in wala. Hays." Pagdadrama ko kuno kay tita na parang nasasaktan ako dahil si crush ay may crush na iba."Sana nga lang crush din ako nung crush kong yon eh." Sabi ko pa na prang nagdedaydream ang itsura.

"Ang dami mo namang sinabi. Hahahaha. Napaghahalataan eh." Natatawang sabi pa ni tita habang tinitirintas ang buhok ni Cadee. Yung pinsan kong bata.

Binatukan naman kaagad ako ni mama."Drama mo ha?"

"Eh kasi mama payagan nyo na po ang magandang magandang maganda at ang maganda nyong anak na nakatayo po sa harapan nyo ngayon para naman po makapaggayak na ang magandang isa ako." Sinamaan naman ako ng tingin ni mama na as if namang ang ganda ko talaga HAHAHA. "Commute lang po kami pero madami naman pong kaklaseng kasama." Pagpapatuloy ko pa.

"Osya sige na gumayak kana at may sasabihin ako sa'yo pagkatapos mong gumayak." Sabi ni mama at nagtinginan sila ni tita na akala mo ay may masamang balak sa pagkatao kong nabubuhay sa mundong ibabaw na ito.

Tumakbo naman kaagad ako at after limang oras ay natapos na kaagad ako. Nye. Biro lang. Masyado yang maigsi para sa akin. Bitin.

8:30 palang naman at 9 pa ang kita kita namin sa may terminal. Mag UV express nalang kami.

"O anak kumain kana muna dito." Sabi ni mama noong pagkababa ko.

"Hindi na po ma. Dun nalang po kami kakain pagkarating. Mga 1hr lang naman po yon eh." Sabi ko

"Ay hindi nako. Pag sinabi ko sinabi ko. Halika rito. Gumawa pa naman ako ng hot choco with sprinkles na gusto mo dito. Bahala ka kay kuya mo nalang to ipapainom pag nagising maya maya." At ang salita ni mama ay batas. Kaya no choice.

Text naman na ng text si Janina kung nasan na daw ako. Sinabi ko naman ang nangyari kaya ayon. No choice din sya kundi ang maghintay. Hahahahaha.

Nasa salas naman sila tita at nanonood ng Sofia the First kasama si Cadee na binibihisan. Mukhang bagong ligo lang din.

"Tita aalis kayo ni Cadee? Pagtatanong ko sabay subo ng kanin

"Ah. Oo. Meron. Eto kasing batang to, kabata bata pa eh gala na kaagad. Manang mana sa ate nya oh." At ako nanaman ang nakita. Hahahaha. Bata palang din kasi ako gala na ako. Hahahahaha.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon