FCBY 48

22 1 0
                                    


Song for this Chapter: Magbalik by Callalily

×××

Second day namin ngayon as a college student. Nakaupo sila Janina sa may pasimano at ngumangata ng donut, iyong donut na commercial ni ryzza mae dizon na may four flavors. Mga isip bata talaga.

Habang ako naman ay nakaharap sa kanila at hindi umuupo dahil nakawhite pants ako at baka madumihan pwetan ko kapag ako'y naupo.

"Kakatapos lang nating mananghalian nila Kiel ay ngumangata ka nanaman." Paninita ko habang ninanamnam nya iyong kinakain nya.

Inirapan nya lang ako at pinunasan ang bangas ng donut sa may kanang bahagi ng labi nya. "Hayaan mo na, uwian naman na namin. Kung mag-alburuto man tuummy ko, oks lang."

Inirapan ko nalang sya at napalingon sa may kaliwa ko. "Oh sht." Napabulong ko sa sarili ko ng makita ko si Matthew na naglalakad papunta sa direksyon namin na kalalabas lamang ng cafeteria.

Tumalikod ako agad agad at hinarangan ang kanang mukha ko ng mukha ko. "Act normal Zoe." I whispered.

Hindi naman napapansin nila Janina ang ginagawa ko dahil kanya kanya sila ng ginagawa.

Bigla namang may humila sa may kanang braso ko at napaharap ako sa may humatak.

Deja vu

Bakit ba ganito lagi ang eksena? "Kupido naman oh, wala kana bang maisip na ibang bagay?" Nabulong ko sa sarili ko bago syang harapin ng tuluyan.

Pairap ko syang tinignan at hinipan muna iyong bangs ko na humarang sa may mukha ko bago magsalita. "Anything you need mister?" I asked coldly.

Nakita ko naman ang sobrang kalungkutan sa mukha nya. Namayat sya at ang morenong kulay nya ay mas lalong naging dark.

Ang mga malamlam nyang mga mata noon ay lumalim at halos magkaroon na sya ng eyebags. Pero dammit! Ang gwapo parin ng nilalang na nasa harapan ko ngayon!

"Can we talk?" Ngayon ay hindi na sa text ang pagtatanong nya. Personal na!

Inirapan ko nanaman sya at hinawi ang buhok kong humaharang sa may mukha ko. "Can we talk, can we talk." Bulong ko na may pagkairita sa tono. Tss. In your dreams!

"Ayoko. At wala akong pakialam sa kung ano pa ang sasabihin mo sa akin. Mahalaga at sapat na iyong nakita ko noong nakaraang araw. So tell me, ano pabang ipapaliwanag mo doon? I don't care anymore, Matthew. At kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng pake saiyo. So you better leave now." Malamig kong sabi at hindi man lang sya binibigyan ng malambot na expression sa mga mata ko.

Go Zoe! Ang galing mo, kinaya mo kahit na durog na durog at basag na basag kana deep inside.

Natameme sya at mataman akong tinitigan na mukhang nakikiusap.

"Ehem!" Narinig kong sabay sabay na sabi nila Janina at nila Kiel. "Exit muna kami. He-he-he." Awkward na sabi ni Janina.

"No Janina, tara kain na muna tayo ng lunch. Ginugutom ako." Sagot ko at tinalikuran na sya.

"Pe-pero kakakain la---"

"Gutom ako Janina, pwede ba?" Sita ko sa kanya kaya wala na silang ginawa kundi ang magkibit balikat at sundan ako.

Sana naman ay makaramdam sila na gusto kong umalis na sa pwestong iyon at layasan ang tukmol na Matthew na iyon.

"Hey Zoe! Wait up!" Rinig kong sigaw nya at may mga yabang akong narinig sa may likuran ko.

Hinayaan ko lang sya. Binilisan ko ang lakad ko at hindi ko sya pinapasadahan ng tingin hanggang sa makarating na ako ng main gate ng YDU.

Lilingunin ko sana sila Janina ng makitang wala na sila sa tabi ko at naglaho na parang mga bula. Napabuntong hininga tuloy ako.

"Can you just fckng listen to me first?" Irita nyang paliwanag pero ang visible parin ng soft eyes nya sa pagsabi nya niyon. Still the same Matthew huh.

"Nope! And I won't!" Padabog kong sagot at tinalikuran na sya.

Tinalikuran ko syang muli ng patawid na ako, kailangan ko ng sariwang hangin. Pakiramdam ko ay nasosuffocate ako dito ngayon.

"Matthew..." Mahinang sabi ng boses babae sa likuran ko.

Sa kuryosidad ko ay nilingon ko ito at nakita ko si Leslie na nasa likuran naman ngayon ni Matthew.

Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko ay ganoon rin kabilis ng pangyayari.

Hindi ko na namalayan ang paparating na truck sa may kaliwa ko.

"Zoe!" Sigaw ni Matthew at tinulak kaagad ako palayo at yakap yakap.

Kinabahan kaagad ako ng makita kong nakapaibabaw sya sa akin. Mabuti nalang at hindi ito kagaya ng mga nakikita kong itutulak nila iyong tao tapos maiiwan sila sa gitna at sila ang masasagasaan.

Mabuti at ligtas sya.

Amoy na amoy ko ang hininga nya sa mukha ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Kitang kita ang takot at pag-aalala sa mukha nya ngayon. O dmn. How I missed this man. "Are you fine? Hindi kaba nasaktan? Nagalusan ka b---" Hindi na nya natapos pa ang sasabihin nya ng mapalingon sya sa kaliwa namin na may nanghihingi ng tulong.

Si Leslie! Nakaluhod na sya sa kabilang kalsada at unti unti bumagsak sa may sahig.

"Oh fck." I heard Matthew cursed at dali dali tumayo at tinakbo si Leslie.

What's happening?!

What the hell is happening?!

Maraming tanong ang bumabalot sa may utak ko ngayon at naaapektuhan ng todo ang puso ko.

Sa hindi namalayan at kay Leslie lang ang tingin ay may mabilis na takbo ng montero sport na kulay pula ang nakapagpatalsik kay... "Matthew!"

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon