FCBY 45

15 1 0
                                    


Song for this Chapter: You Don't Know Me by Kathryn Bernardo

×××

Weeks passed and it went well...

Kausap ko sa phone ngayon si Janina at binabalitaa nya ako sa sayang nararamdaman nya na kasiyahang pagbabakasyon sa Boracay.

"Hay nako best! Next vacation sana kasama na kitang magbakasyon dito." Sabi nya.

Hindi kasi ako pinayagan ni mama na sumama sa kanila sa bora kahit na si tita Jashi na mismo ang nagpaalam kay mama para sa akin.

"Nagpromise naman si mama na next year naman daw ay papayagan na nya ako, huwag lang daw ngayon." Sagot ko naman at kinuha ang isang puzzle piece at ikinabit ito sa upper left. Gotcha!

"Ooooyah, so... Uhmm, ano nang pinagkakaabalahan mo dyan ngayon best?" Pagtatanong nya.

"Oh! Right question! Hahahaha. Ito nakita ko iyong puzzle ni mickey mouse na 950 pieces na sinubukan kong buuin last year pero hindi ko nagawa. Sinusubukan ko ulit buuin ngayon, baka mabuo ko na." I answered and gave her a warm smile kahit na hindi nya ako nakikita.

"Great best! Mas mabuti ng dyan matuon ang atensyon mo sa nakakadugong 950 puzzle pieces kesa doon sa Matthew na dinurog ang hearty heart mo into million pieces. Mas mahirap buuin iyon." She said.

Natawa naman ako kaagad sa sinabi nyang iyon. May punto sya. Hahahahahaha.

"Aha! Tama tama!" I answered back.

"Osya best, kain muna kami sa isang seafood restau dito. Try namin." Maligalig na sabi nya.

Napangiti naman ako kasi alam kong happy at nag-eenjoy ang bestfriend ko ngayon. "Orayt! Basta pasalubong huh!"

"Ofcourse best! Ikaw pa ba? Hahahaha."

"Oooyah! Kaya minsan saiyo ako eh. Hahahaha. Charing!"

"Nako, minsan lang. Tsk. Hahaha." Pagtatampo nya wari.

Napahalakhak naman ako. "Charought lang. Osige, enjoy ka dyan ha best! I love youuuu like mwah mwah mwah!" Sabi ko at nagtatlong beses na nguso pa na gesture at nag 'mwah' habang sinasabi ko iyon.

I heard her chuckled. "Ditto! I love you more!" And then she cutted off the call.

Tinignan ko naman ang screen ng phone ko. "Huh, magaalasingko na pala." Nasabi ko naman sa sarili ko ar hinipan ang bangs ko.

Maghahapon na ng tinamad na akong magbuo sa puzzle.

Si mama ay wala ngayon sa bahay dahil umalis ulit sila tita. Nagtagaytay. Daya nga eh, hindo kami sinama na mga kiddos. Hays. Hahahahahaha. Next time nalang daw.

Pinayagan naman akong umalis ng bahay ni mama basta wag lang daw magpapaabot ng dinner sa labas. Dapat daw ay sabay parin kaming magdinner ni yaya wanda kahit anong gala ang gawin ko.

Kaya naman gumayak na ako at nagsuot ng pink skinny jeans, floral sneakers at plain dirty white na cropped top.

"Gotcha!'" I said bago lumabas ng kwarto.

Nandito ako ngayon sa may fifth floor ng mall dahil maraming bench dito at nandito ang food court.

Namili muna ako sa isang ice cream shop ng strawberry flavor na nakacone at naupo sa isang bench na malapit sa malaking fountain na nasa may sentro ng fifth floor.

Habang nilalantakan ko ang paborito kong ice cream ay may natanaw naman ako di kalayuan sa kabila ng fountain. Hindi ko masyadong maaninag dahil sa tubig na humaharang sa may fountain.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon