FCBY 39

14 1 0
                                    


Song for this Chapter: Forevermore

×××

Nandito na kami ngayon sa may clubhouse st marami rami naring tao ang nandito ngayon.

Pagkababa namin ay dinumog naman kaagad si Matthew ng mga kaibigan nyang sila Alex, Chris, at marami bang iba na pinag-aakbayan sya. Natawa nalang ako sa naging reaksyon ni Matthew.

Nagsimula na ang prom at tinawag ang nga magcocotillion. And unfortunately, kasali ako. And unfortunately again, hindi si Matthew ang kapartner ko. Kundi si Deniell na classmate ko noong elementary pa lamang kami. Batchmate ko sya ngayon.

Nagstart ng tumugtog ang kantang A Thousand Years.

Tanaw na tanaw ko mula sa kinauupuan ni Matthew ay bigla syang tumayo si upuan nya at pinanood ako. Wala syang pakialam kung hindi na nya mapanood ang nga nasa likuran nya. Ang mahalaga lang yata sa kanya ngayon ay ang mapanood ako.

Kinilig naman akes. Hahahahahaha!

Maganda ang sayaw na itinuro sa amin ni Baldeo, sya iyong bakla na nagturo sa amin.

Natapos ang sayawan ng magpalakpakan ang mga tao. Nakainan narin kami.

Kasama ko sa table ngayon sila Kiel, Cherish, Bernard, Lyka, Janina, Peter (oha hahaha inaya nya si Janina kahapon) at ang baboy ko --- si Matthew.

"Ay pwe!" Sabi ni Kiel ng sumama ang itsura ng mukha nya.

"Oh bakit?" Tanong ko. Nasa left side ko kasi sya habang si Matthew ay nasa right side ko naman.

"Hindi naman.masarap itong dessert nilang may lychee. Tikman nyo." Sabi nya.

Natawa naman ako sa reaction nya. Kinuha ko iyong akin, ganoon rin ang ginawa nila at tinikman namin. Kagaya ni Kiel ay naging masalimuot ang reaksyon ng mukha nila pati narin ako. Hahahahaha! Epic ng lasa. Aish.

"Oo nga, wag na nating kainin." Sabi naman ni Bernard.

After ng konting kwentuhan ay bigla namang nagdim ang mga ilaw at sinundan ito ng party song.

Nagtinginan kaming apat at sabay sabay na ngmusi ng nakakaloko. Party song eh, what do ya thing we gonna do? Hahahahaha. Sabay sabay kaming nagsitayuan at dinumog ang dance floor.

Ay grabe, kakaiba ito sa JS Prom na alam ko ha? Hindi ba dapat ay medley song tas nakakakilig na mga kanta? HAHAHAHA.

Tumugtog ang uptown funk. Nasitalunan naman kami at nagkagulo sa dance floor habang nagtatawanan at nagpaparty. Kaenjoy.

Afternh uptown funk ay biglang mas lalong nagdim ang mga ilaw, ang maingay na kanta ay napalitan ng isang kanta na nagpahiyaw sa lahat.

Forevermore

Habang tumutugtog na ang kanta sa background ay nahagip ng tingin ko ang papalapit na si Matthew galing sa right side ko. Inilahad nya ang kamay nya sa akin. Masaya ko naman itong tinanggap.

I'm glad na sya ang first dance ko...

Noong una ay nagpapakiramdaman lamang muna kami at magkatitigan. Pero noong magchorus na ang kanta ay binasag nya ang pader sa aming dalawa.

"Would you believe kung sasabihin kong lubog na lubog na ako sa sobrang lalim ng pagmamahal ko saiyo?" Sambit nya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako nakasagot.

"Look Tammy Zoe Guevarra. Don't be scared to fall inlove again. It's been fckin' two years ago since the last time your boyfriend broke your prrcious heart. But please, let me into your heart." Mariin nyang sabi.

Pakiramdam ko naman ay nagkaroon ng tambol dito sa puso ko. Kumalabog ito ng malakas.

Nag-init bigla ang mukha ko. Sa kabilang banda ay natatawa ako.

Why?

Kasi I'm almost over with my first boyfriend and he's right, two years ago na iyon at napakatagal na.

And oo, naniniwala ako sa kanya. Simula palang naniniwala na ako, ngayon pa kayang lumalim narin ang pagmamahal ko sa kanya gaya ng pagmamahal nya sa akin?

Nginitian ko sya ng malapad. "Oo baboy, simula't sapul palang naman ay naniniwala na ako saiyo. But please do understand me. Ba-baka kasi ano... baka hindi pa ako payagan ni mama. Alam mo namang illegal iyong pagmamahal ko sa una kong naging boyfriend dba? And I want us to be legal." Sabi ko.

Ngumiti din sya sa akin. "Atleast your honest with me, Zoe. Hayaan mo maghihintay ako. Ika nga nila, patience is a virtue." Sabi nya na may gesture pa. Natawa naman ako doon.

He never fails to amaze me every single day.

Natapos naman na ang kanta at sumunod ang My Valentine.

Naisayaw ako nila Kiel at ng iba ko pang kaklase pero siniguro ko na si Mattgew ang magiging last dance ko. Ika nga nila...

"Save the best for the last." Ang husky ng boses nya ng binanggit nya sa akin ang anim na salita na iyan ng sya na muli ang kasayaw ko.

Napangiti naman ako ng palihim at mabuti na lamang ay dim ang mga ilaw ngayon at hindi nya mapapansin ang pamumula ng mukha ko.

Natapos ang sayawan sa mga sumunod pang ibang kanta at halos lahat kami ay nauhaw sa pagod pero masaya.

Natapos ang prom ng mga bandang alas dose na at inihatid na nya ako sa may hotel kung saan kami nakacheck in.

Parati atang ganito ang eksena? Hahahahaha. But I don't care as long as si Matthew ang kasama ko sa eksena at hindi ang ibang lalaki. Hindi ko naimagine ang sarili ko na may ibang lalaking kasama na makakasama ko pang habang buhay. Si Matthew lang. Sa kanya ko lang nakita ang fast forward ng buhay ko na kasa kasama sya na masaya.

Nandito ako ngayon sa may kama at sila mamaya ay baka mamaya pang 3am magsiuwian.

Nakatingin lamang ako sa kisame. Iniimagine ang mga pangyayari simula ng makilala ko sya hanggang sa nangyari kanina sa prom.

Ang saya. Ang saya saya ko. Hindi ko alam ang maaari kong maramdaman kung may ibang babae na makakasama si Matthew sa darating na bukas.

Do I sound selfish? You can't blame me. Kahit sino naman siguro ay ayaw ng ganoon.

Ramdam na ramdam ko parin ang mga paru parung nagliliparan sa sistema ko at ang bituka ko na parang umiikot at bumabaligtad.

Bigla namang nagvibrate ang phone ko na nasa side table. Tinignan ko ito at kinuha.

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa nabasa ko.

Hindi ko maintindihan pero parang automatiko na nagets kaagad ng utak ko ang ibig sabihin nito pero ako mismo na si Tammy Zoe Guevarra ay walang maintindihan at parang naguguluhan.

From: Matthew

I'm sorry.

Two words. Seven letters. I don't know what to do.

Sinubukan kong magreply sa kanya ng bakit kung bakit sya nagsosorry sa akin, kung ano ang naging dahilan sa paghingi nya ng tawad sa akin.

Pero lumipas ang halos isang oras na paghihintay ko sa reply nya ay wala akong natanggap.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon