FCBY 18

18 1 0
                                    


Song for this Chapter: More Than Words

×××

After naming mag-usap ni Jenina sa may tapat ng fountain ay naisipan narin naming umuwi dahil magteten narin pala ng gabi.

Pagkauwi ko ay sinalubong kaagad ako ni mama na may pagkaworried sa expression ng mukha nya sabay yakap sa akin. "Baby! San ka nanggaling? Kanina pa ako nag-aalala saiyo. Tinatawagan kita pero nakapatay naman iyong phone mo. Akala ko magdidinner ka lang saglit sa labas dahil iyon ang sinabi ni yaya Wanda. Tinawagan ko din si Janina para itanong kung nasan ka pero wala ka naman daw sa kanila." Sabi ni mama na bakas sa tono ng kanyang pananalita ang pag-aalala.

Kumalas naman ako sa yakap nya. "Naggala lang din po kami ng mga kaibigan ko." Sabi ko.

"Nga pala anak, sorry kung hindi kita hinayaang matulog kala tita mo ngayon." Sabi nya at mukhang pagod na pagod na si mama at hinintay pa ako.

Oo nga pala noh. Nginitian ko naman si mama. Nawala na sa isip ko ang usaping iyon dahil sa saya ng naramdaman ko kanina. "Wala na po iyon mama. Ayos lang po." Sabi ko at niyakap nya akong muli. "Sorry rin po pala at hindi na po kita naalalang itext, nalowbat narin po ako eh. Kasabay ko naman pong umuwi si Jenina, iyong tiga kabilang village so wala naman pong naging problema sa pag-uwi ko." Sabi ko kay mama.

Napakamot naman si mama sa may ulo nya. "Ganoon ba? Osige. Sa susunod magtetext ka ha. Pinag-alala mo kami. Osya magbibihis na muna ako." Sabi ni mama at napansin ko ngang nakauniform pa sya galing business dinner nila.

Bago ako umakyat sa may taas ay chinarge ko na muna iyong phone ko. Pumunta naman na muna din akong kwarto sandali at nagshower sabay nagsuot lang ako ng sando at pajama at bumaba narin.

Pumunta akong kusina at naghanap ng pwedeng mangata. And tadaaaa! Nakakita naman ako ng strawberry cheesecake sa may ref. Wala pang bawas. Siguro ay namili muna si mama neto sa kinainan nila bago umuwi kanina.

Nagslice naman ako ng makapal dahil strawberry addict ako at pumunta na akong salas at naupo doon.

Nakita ko namang ang dami ng text messages ni mama at tawag nga nya doon. And mga 30minutes ago ay puro text din ni Matthew.

Nasan kana?

Nakauwi kana ba?

Bakit di kapa rin nagrereply? Sabi ko magtext ka pag nakauwi kana.

Ey baboy...

Magteten na baboy, di kapa rin ba nakakauwi?

Oy pinag-aalala mo ako.

Ayan ang ilan sa mga text nya. Hala. Oo nga. Nireplyan ko naman na sya.

To: Matthew

Hi baboy! Kakauwi ko lang. Sorry, napasarap kwentuhan namin ni Jenina kanina eh. Hahahahaha. Tsaka naghanap pa kaming boys. Pero joke lang. Hahahaha. Kumain kana ha. :*

Hala. Nasend ko na! May kiss mark. Letse ka Zoe, ang harot mo.

Habang kumakain ako ng cheesecake ay nagtwitter na muna ako. Scroll down...

Scroll down...

Scroll down...

Scroll down...

And nagpunta naman ako sa may profile niya.

Oo ni Matthew.

Ehem. Hindi ako stalker ah. Naisipan ko lang gawin ito. Hahahahaha! Promise. Aha.

And mga 8:30 kanina ay nagtweet sya ng Just Got Home tas may heart pa.

Then yung latest, one hr ago...

Kumpleto na ako ♡

Iyan iyong huli nyang tweet.

Kumalabog naman kaagad iyong puso ko at napangiti nalang bigla.

Bigla namang may baso ng gatas na tumapat sa may mukha ko. Pag-angat ko ng tingin ay si mama pala. Inabot ko naman iyong gatas sa kanya at uminom. Tinabihan naman nya ako.

"Uhmmm, mukhang may nakakapagpangiti na sa baby girl ko bukod kay mama nya ha?" Pang-aasar na sabi ni mama.

Napangiti naman ako kay mama.

"Nako anak, ang pag-ibig hindi minamadali iyan ha. Lahat ng oras at bagay ay may kanya kanyang pwesto. Wag kang egzoited. Hahahahaha. Basta nandito lang si mama ha?" Sabi nya naman sa akin ng nakangiti.

Napakamot naman ako sa may ulo ko. "Si mama naman oh." Sabi ko at niyakap ko sya.

"Hindi kita pinagbabawalan na magkaroon ng crush, pero boyfriend at manliligaw ay bawal anak. Ha. Okay ba?" Sabi niya habang hinahagod iyong likod ko.

Ngumiti naman ako kahit alam kong hindi nya ako nakikita. "Yes mama. Thank you po. I love youuuuuu!" Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Oy ha, makathank you akala mo pinayagan ng magboyfriend. Oy bruha, kakalbuhin kita." Sabi ni mama at natawa naman kami parehas. "Osya, matutulog na si mama. Pagod ako eh. Matulog kana rin. Kaya lumalaki mata este eyebags mo eh." Pang-aasar nya tsaka tumakbo na paakyat dahil hahampasin ko sana sa braso si mama at hahagisan ng unan. Ganoon kami kabaliw ni mama. Ganoon kami kaclose. Hahahahahahahahaha.

Hinarap ko ulit iyong phone ko at nagtweet.

Ang saya sa pakiramdam.

Pagkatweet ko ay naglog out na kaagad ako at inubos na iyong gatas at cheesecake at hinugasan ko na iyong pinagkainan ko at umakyat na.

Matutulog na sana ako ng magvibratr iyong phone ko.

From: Matthew

Hi Baboy! Ang taba mo! Hahahaha. Jk. Matulog kana nga. Laki na ng mata mo. Pero wag kang mag-alala. Mahal padin kita. Aroy kilig! Hahahahaha. Good night!

Ewan ko ba king bakit ganito sya kasweet padin kahit alam nyang bawal pa akong magkaboyfriend at ligawan.

Willing daw syang maghintay hanggang sa pwede na ako. Odba? Kilergs to the bones. Hahahahahaha.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala akong hawak hawak iyong phone sa may harap ng mukha ko. Hindi pa ako magigising kung hindi pa ito bumagsak sa may mukha ko. "Aray naman. Bat ang tanga ko. Nyay." Nasabi ko nalang habang hawak iying mukha kong nabagsakan ng phone ko.

Sa sobrang kilig ko ay hindi ko na nabitawan iyong phone ko. Hanep. Anong nangyari ngayon? Aray. HAHAHAHAHAHAHA. Zoe nga naman talaga oh.

Pero mas kakaiba ka talaga Matthew. Para mo na akong ginawan ng posyon dahil sa kung anu ano nang nangyayari sa akin ngayon. Hahahahaha.

Lalo na ang mga lakas at bilis ng tibok ng puso ko ngayon...

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon