FCBY 1

128 3 0
                                    


Song for this Chapter: Heart like California by Before You Exit

×××

"Manong! Manong! Ma-manong! Kuya! Teka lang po! Pasabit na ako!" Mabilis at malakas kong sabi kay Manong driver ng jeep habang tumatakbo at halos liparin ko na ito papuntang bubungan niya.

Medyo bumagal naman yung patakbo nya nung nakaramadam na sya na may humahabol sa kanya sa likod.

Sabay pasok naman na ako sa loob. Gitgitan. Punuan pero mabuti nalang ay nakasingit ako.

"Hays. Salamat." Bulong ko sa sarili ko pagkaupo ko ay hinipan ang konting bangs na nalaglag mula sa pagkakatali ko din dahil sa kakamadali.

Sana lang po medyo bumilis ang pagtakbo nitong jeep ano? Late na po ako just so you know. Hala.

"Paabot po ng bayad." Sabi ko habang iniaabot ito sa katabi ko na naka earphones. Pucha. Busy pa ano?

Yung sa isang katabi pa sana. Kaya lang nagpapadede ng bata. Kaya dun ko nalang ipinaabot sa may harapan ko.

Kainis. Isnabero ang loko. Akala yata ay cute sya.

Naiinis na ako kaya dun nalang sa may katabi nito ko inabot. Sa isang ale na mukhang mabait naman at kinuha nya yung bayad ko.

Mabuti nalang at kinuha na nya. Init na init na ako dahil sa gawa ng pagtakbo ko tapos mga feeling cute pa nakasakay dito. Ayaw akong pansinin.

Ang hirap pa namang gumalaw dahil sa nasa kandungan ko yung jansport kong bag at may dala dala pa akong sword. Akala yata nila ay magaan tong nga dala ko.

This is the part when I say I don't want ya, I'm stronger than I've been before

Sabay tunog naman ng phone ko kaya halos nakatingin na sakin ang mga tao dito sa may jeep.

Hindi ko nalang sila pinansin at sinagot nalang yung tawag sakin.

Janina Calling...

"Hello Jani--"

"HELLO KA PA DYAN! NASAN KANA BRUHA KA? MALAPIT NG MAGSIMULA GRADUATION MARCH! BRUHA KA TALAGA. WAG KA NAMANG PA-VIP KAHIT NGAYON LANG TAMMY ZOE GUEVARRA PLEASE?!" Sigaw ni Janina sa kabilang linya. Kaya napalayo ko ng kaonti yung phone ko sa may taingi ko pero rinig na rinig ko parin sya. Kung hindi lang siguro nakaearphones tong katabi ko malamang naririnig na nya sinasabi nito.

Siya ang bestfriend kong mas bruha sakin pero ayaw umamin kaya ako ang tinatawag niyang bruha sa ngayon.

"Oo na nga. Eto na oh nasa jeep na oh." Sagot ko naman

"Ungas. Bilisan mo. 5 minutes nalang start na. Hindi pa tayo ang gagraduate kaya wag kang pahuli. Tayo ang magsisimula ng seremonyas kaya iwanan mo muna pagkafilipino time mo best. Ha? Okay?" Sabi niya

"Oo na sige na. Babush! Mwa. Thanks best." Magsasalita pa sana sya kaya lang binaba ko na kaagad. Wala rin namang mangyayari eh. Late parin ako kahit anong sabihin pa niya.

×××

Nagtawag na yung acting colonel namin at magsisimula na sanang magcommand ng nakahabol ako.

Oo. Tama kayo. Volunteers kami para magsword dito sa graduatuon ng mga fourth year. Third year na kami kaya kami na rin ang may chance na maging ganap na CAT Officers after kaming itrain sa bakasyon.

Ewan ko ba pero wala, bigla nalang akong nalungkot sa fact na gagraduate na yung crush kong Si Miguel. Miguel Fred Adraneda.

Wala na kaming sisilayan nila Janina neto tuwing maglalunch kami malapit sa rooms ng mga fourth year. Hays.

Isa isa ng naglalakad ang mga fourth year. Nakakangawit dahil sa pagtaas namin ng sword namin. Nako po. Gusto ko ng ibaba to.

Meron pa ngang matatangkad eh. Ayan, sobrang taas pa yung paghawak namin sa sword.

Naipwesto ko sa may kanan ng section nila kung san sila uupo. Nahiya tuloy akong bigla.

Ng sila na yung dumaan ay diretso lang ang tingin ko sa harap ko. Gusto ko mang tignan sya kasama ang magulang nya na maglakad ay nahihiya ako.

Tsaka baka hindi rin sya tumingin. Edi epic. Nyi. Joke lang. Ano to eye to eye contact tapos slow motion ang paligid? No way.

Pero sh*t lang. Gusto ko parin talaga syang tignan.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon