FCBY 47

11 1 0
                                    


Song for this Chapter: You've Made Me Stronger by Regine Velasquez

×××

Nandito ako ngayon sa may ministop at namili muna ako ng vita milk habang hinihintay si Janina na dumating.

First day kasi namin ngayon bilang college student. Hinipan ko ang bangs ko pagkatapos kong inumin ang vita milk double choco ko.

"Sis! Tara na!" Nakangiti si Janina habang papasok ng store.

Tumango naman ako at itinapon ang bottle bago lumabas ng store.

Pagkapasok namin ay ang dami daming tao, iba't ibang booth ang nandito ngayon.

"Magattendance na tayo doon!" Sabay hila sa akin ni Janina sa may isang lamesa na may mga bantay. Mabuti na lamang at wala masyadong tao doon.

"Hello freshies! Good morning." Nakangiting malapad na sabi sa amin ng babaeng bantay.

"Good morning din po." Sabay naming sabi ni Janina.

After naming magsign ay nilibot muna namin ang building namin ni Janina. Ako sa may engineering building dahil mechanical engineering ang kinuha ko. Si Janina naman ay tourism.

Pagkatapos niyon ay nilibot naman namin ang buong campus. Masaya ang pagtanggap nila sa freshies dito. May mga nakamascot pa nga at kung anu anong pakulo.

"Sa cafeteria tayo, ginugutom ang mga alaga ko. Pero wait..." Sabi nya at nilabas nya ang phone nya at tapat nito sa aming dalawa.

Automatic naman akong ngumiti. "Ayan ang ganda, kita view nayin sa likod." Sabi nya at naglakad na kami.

Napangiti naman ako. Nako, mabuti na lamang at hindi gaano kalayo ang building nya sa akin kundi mamimiss ko ang bruhang ito.

Sumapit na ang alasais ng hapon at hinihintay na lamang naming mag-alasyete.

Nakapaghapunan narin kami kaya pabanjing banjing na lamang kami ngayon nila Kiel, Cherish, Bernard at iba pa naming kaklase na dito rin nag-aral sa Yefru Das University.

"Okay Yefrusians. The firework display is about to start in three, two, one!" Sigaw noong host mula sa stage at kasabay nito ang simula ng pagputok ng makukulay na paputok. Asul, pula, dilaw, berde. Iba't iba.

Naghiyawan at nagtatalon naman kami nila Janina habang pinapatugtog ang Best Day.

Our college life is about to start, darlings.

Napahipan na lamang ako sa bangs ko ng maisip na college na nga talaga kami. Ang bilis ng panahon.

Parang noon lang ay first day of school ng highschool palang. Pero ngayon? College na.

Holding hands kami nila Janina, Bernard, Kiel, Cherish, Lyka at iba pa naming mga naging kaklase habang nakatingin sa alapaap dahil ito na ang pinakahuling firework.

Isa isang naglabasan ang letrang Y, D at U bago nagsalita ang host sa stage. "And again, welcome to our freshies!" Sabay sabay naman kaming nagpalakpakan na may malalapad na ngiti sa mukha namin hanang nangingislap ang mga mata.

Simula palang, simula pa lamang ng delubyo ang mangyayari sa buhay namin bawat isa pero alam kong madadaanan namin ang mga ito. Aja aja!

Napangiti naman ako sa naiisip ko.

After ng firework display ay nagsialisan na rin ang ibang Yefrusians kung kayat lumuwag na rin dito sa may soccerfield kung saan ginanap ang show dahil ito ang pinakamalaking open field ng YDU.

Ng masigurong nasa 50 katao na lamang kami dito sa field maliban sa ibang stafg ng school ay nahiga naman kami sa may sentro ng soccerfield ng pabilog.

"Grabe guys, nakakamiss kayo!" Panimula ni Bernard at iniangat nya ang dalawa nyang kamay at inistretch ito.

"Kayo din. Soooobra!" Sagot ko naman.

Inilagay naman ni Kiel ang braso nito sa may ulunan nya at hinigaan ito. "Sana man lang kahit once or twice a week ay may gala parin tayo. Nako nako."

"I second the motion. Hahahahaha!" Natatawang sagot ni Lyka.

"Well kami ni Bernard at Zoe ay nasa iisang building lang. Hahahaha." Singit ni Cherish.

Cherish is taking up Chemical Engineering habang si Bernard naman ay Mechanical Engineering, kagaya ng sa akin pero hindi kami classmates.

"Yeah yeah." Sagot naman ni Bernard.

"Aysus, kapag naging busy na kayo sa plates nyo baka after one decade na ulit meet ups natin. Hahahaha." Pagbibiro ni Lyka na ngayon naman ay naupo at hinarap kami. She's taking dentistry.

"No no no mga bhe." Sagot ni Janina na naupo narin.

Napatayo naman ako ng may natanaw ako sa kalangitan. "Look mga bhebhe! Shooting star!"

Nagsipikitan kami agad agad at humiling ng kanya kanya sa isipan namin.

Sana... sana makalimutan na kita, sooner or later. Matthew.

After that thing ay sabay sabay kaming naghigh five na lahat at tumayo na bago magsiuwian.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon