FCBY 10

23 1 0
                                    


Song for this Chapter: Photograph by Ed Sheeran

×××

"Five minutes more! Bilisan nyo ang pag-aayos sa sarili!" Malakas at maawtoridad kong sigaw habang sila ay natataranta na kakaayos ng mga buhok nila upang itali at yhng iba naman ay nagbibihis.

Friday ngayon, so CAT time namin. May training kami and guess what? Hindi ako makapagconcentrate ng maayos.

Parang mas feel ko pa yung doon sa section ng ex ko eh. Hays. Kabado me.

"Okay okay! Lahat magsitayo na!" Pumalakpak ng dalawang beses si Calara at pinaayos na ang platoon nya dahil lalabas na kami at magcocommand.

"Kilala mo ba ako?" Pagtatanong ko doon kay Bautista na katabi pala ni Matthew. Wth? Hindi ko sya kaagad napansin doon. Late na nung namalayan ko.

"Mam hindi po mam." He answered

Umiling iling pa ako kunwari. "Bakit hindi mo alam?" Pagsusungit ko. Hindi naman sya umimik.

So no choice ako, to be fair ay nilapitan ko narin sya. "Kilala mo ba ako ha?"

Diretso naman ang tingin nya kaso malikoy sya. Akala mo kabute ata itong si Matthew. "Mam yes mam." Sabi nya.

"Sino ako?" Mataray kong sabi.

"Mam, Tammy Zoe Guevarra po mam." Sabi ko.

Tumango tango naman ako.

"Very good." Sabi ko at tumingin sa katabi ni Matthew. "Alam mo na?" Tumango naman yung Bautista at bago ako umalis sa harapan nung dalawa ay napansin kong napangiti si Matthew ng bahagya.

O baka guni guni ko lang iyon?

...

"Hays nakakapagod sis. Sana pala naging officer nalang din ako." Sabi ni Janina habang nahpupunas ng towel sa mukha nya habang ako naman at nakangiti at tulala.

"Hoy!" Sabi nya at inihagis sa akin ang hawak hawak nyang kulay asul ng towel kanina.

Napabalikwas naman ako sa kanya. "Any problem sis?" Pagtatanong ko.

"Siraulo ata ito. Kung hindi tulala at problemado, ngayon naman tulala tapos akala mo nagdedaydream ng kainitan." Sabi nya habang hawak hawak nya yung bote nya na dapat ay iinom na sya kaya naman natawa ako ng bahagya.

Hindi ko nalang sya pinansin.

Maya maya ay nakaramdam ako na may tumabi sa kaliwa ko.

"Okay, spill it." Sabi nya.

Napalingon naman ako sa kanya dahil hindi sya tumingin sa akin ng sinabi nya iyon at nakatingin lang sya sa phone nya habang naglalaro ng Farmville 2.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Eh kasi..." dahan dahan kong sabi sa kanya na hindi ko maintindihan.

"Eh kasi Janina! Ang saya ko! HAHAHAHAHAHA. IBA SA FEELING!" Sabi ko habang niyuyugyog ko sya. Mabuti na nga lang at hindi nya nabitawan phone nya.

"Okay okay okay! Kalma oy!" Sabi nya at binitawan ko naman na sya at nakangiti parin ako.

"I guess, masaya ka nga at kinikilig sa nangyari." Sabi nya. Hays. Tama nga sya.

Ano kaba Tammy?

Ano iyang nararandaman mo? Pagkatapos mo syang ifriendzone, ngayon naman ikaw ang mahuhulog sa kanya. Baliw! Nababaliw kana. Pagkatapos mo syang saktan ay yung sarili mo naman ang sasaktan mo ngayon. Eh paano kung hindi kana gusto nung tao? At malamang sa malamang ay hindi kana talaga gusto niyon dahil twice mo ng sinaktan. Sira.

Sabi ng utak ko. Hays. Kaya naman umiling nalang ako sa naiisip ko at nagzip nalang ako ng zesto.

...

Dumaan ang ilang linggo ay ganoon na ang nagiging pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. At natatakot ako sa nararamdaman kong ito.

Dahil sa hindi ako makatiis at hindi ko na maintindihan yung sarili ko ay chinat ko sya.

And fck. Nagreply sya.

So sya pala yung nagggm sa akin noong bakasyon na unknown number.

I'm so darn happy right now. Dahil feeling ko, sana... sana maging back to normal na ang lahat.

As of now ay nagkakatext na kami. Kahit ano pa yung nangyari ngayon ay naging magkaibigan parin kami.

...

"Good afternoon Ma'am Avenzo." Sabay sabay naming sabi habang nakatayo at papasok ng room ang Values teacher namin.

"Okay good afternoon, you may take your seat." Cool nyang sabi.

Nagsiupo naman na kami at inilabas ang red ballpen namin dahil magchecheck lang naman daw pala kami ng quizzes namin noong last time.

*knock knock knock*

Napalingon naman ako at yung iba ko lang kaklase na nasa likuran ko ng may kumatok.

"Good morning po ma'am. Excuse lang po kay Zoe." Sabi ni Sabrina. Kaklase ito ni Matthew ha? Ano kayang kailangan nya sa akin?

Tumingin naman muna ako sa harapan at tumayo na at lumabas. Mabuti nalang at nasa likuran lang din ako so hindi masyadong agaw atensyon.

Pagkalabas ko ay may hawak hawak syang Ipod.

"Uy mam, papicture daw sabi ni Matthew." Sabi nya at nagulat ako.

Wth? Si Matthew?

"Hala. Hahahaha. Eh nasan ba sya?" Pagtatanong ko at napalingon sa may kaliwa ko noong lumabas sya galing sa ilalim ng hagdanan.

Napatango nalang ako.

So ang ginawa ko nalang ay ngumiti. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang sasabog na ata ako ngayon.

Tapos bigla nya akong inakbayan. Sa gulat ko ay bigla ko itong tinanggal at kunwari ay susuntukin sya. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Nakuhanan din pala iyon.

"Okay na Matthew." Sabi ni Sabrina. "Salamat ha mam." Sabi naman nya sa akin.

Nginitian ko nalang sila pati si Matthew at pumasok na ulit ako ng room namin.

Tug tug tug tug...

BAKIT GANITO?

Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon