FCBY 46

12 1 0
                                    


Song for this Chapter: I Should've Kissed You by Chris Brown

×××

Sa bawat araw na dumadaan ay hinahayaan ko ang sarili kong maging malaya.

Kahit na iyong mga bagay na tamad na tamad akong gawin noon ah ginagawa ko na ngayon para lang mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay.

Kapag naman sinasama ako nila mama sa gala nila ay join kaagad ako. Wala akong papalampasin para ubos oras narin at mapahinga ang utak ko sa kakaisip.

Nandito ako ngayon sa may kwarto at maaga akong nagising dahil napagod kami sa party na pinuntahan namin kagabi na magpipinsan kaya naman maaga akong nakatulog at maaga ring nagising.

Nilapitan ko ang study table ko at binuksan ang laptop. Pinlay all ko ang music ko doon na nakashuffle.

Biglang tumunog ang I should've kissed you ni Chris Brown.

Binuksan ko naman ang ilaw ng kwarto ko at niligpit ko na ang pinaghigaan ko tutal hindi naman na ako inaantok.

Ang kurtina ko ay niribbon ko, dinugaw ko naman ang bintana at naupo ako sa may higaan neto at tinitigan ang kalangitang kulay asul na may itim pa dahil sa dilim.

Nag-ipit naman ako ng messy bun ng madampot ko ang violet ribbon na ponytail ko.

Dinadama ko lang ang kanta ni Chris Brown hanggang sa nagchorus na ito.

Kinuha ko ang walis tambo at nagsimula ng magwalis. Nahagip ng tingin ko ang medyo nakabukas kong cabinet na malapit sa may side table.

Nilapitan ko ito at isasara na sana ng matanaw ko sa loob nito ang wineave ko noon na newspaper. Binuksan ko ng malaki ang cabinet at kinuha iyon.

Naupo ako sa may sahig katabi at walis tambo.

Binuksan ko ang scrapbook na ginawa ko noon.

Kauna-unahang tumambad sa akin ang litrato naming dalawa na halos A4 din ang laki. Nakaakbay sya sa akin pero hindi sya nakatingin sa camera, ako lang.

Nilagyan ko pa ito ng caption na naisip ko noong ginagawa ko ito ng mga oras na iyon.

'Loving you is what we called reality'

Pinunasan ko kaagad ang luha na dumaan sa mga pisngi ko. Medyo nabura iyong nilagay kong caption na reality ng mabasa ito ng luha ko.

Inilipat ko naman ang pahina ang napangiti ako ng bahagya pero tuloy parin sa agos ang mga luha ko.

Hinawakan ko isa isa ang mga dinikit kong pictures doon.

Mga iniscreen capture kong conversation namin na kung saan ay may mga nakakakilig na usapan, nakakapangselos, at nakakatuwa.

Nakalagay doon ang oras at date ng pag-uusap namin. Naaalala ko pa noon na masaya at ayos pa ang lahat. Nag-iba na ngayon, big time.

Inilipat kong muli ang pahina. Ganoon ulit, mga convo namin na iniscreen capture ko.

Sumunod naman ang mga litrato namin noong unang beses kaming nagjogging.

Ang nasa sunod na pahina naman ay iyong kauna-unahang letter na isinulat ko para sa scrapbook na iyon. February 14.

"Noong Js Prom." Nabanggit ko.

Ito iyong panahon at oras na pinakilig nya ang buong sistema ko. At ito rin iyong panahon na humingi sya ng tawad.

Parang double dead.

Inilipat kong muli ang pahina, nakita ko iyong mga isinulat kong together let's...

Iyan iyong mga gusto nyong gawin na magkasama.

Dahil nga sa isang babae ako na malafairytail ang nais sa buhay, marami akong isinulat na magagandang bagay na maaari naming gawin na sabay at alam kong masaya.

Pillow fight

Get in trouble

Slow dance

Picture in a photobooth

Bake something

Icing war

Ilan lang iyan sa mga nakasulat. Pero naluha nanaman ako ng mabasa ang dalawang huling salita na isinulat ko.

Together let's live happily ever after.

Together let's fall inlove forever

Alam kong iyong mga nauna kong isinulat ay posible pa sanang.mangyari. Pero itong dalawang huli salita?

Napailing na lamang ako. "Imposible ng mangyari pa."

Napahagulgol nanaman ako ng maalala ko ang eksena na ipinakilala ni Leslie si Matthew sa akin bilang boyfriend nya. Bakit kaibigan ko pa?

Bakit? Paano nangyari? Bakit ang bilis?

Ililipat ko pa sana ang susunod na page ng may pumigil sa may kaliwang kamay ko at niyakap ako.

"Mama..." Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Niyakap ko pabalik si mama. Hinahagod nya ang likod ko.

"Shhh, alam ko." Iyon lang ang sabi ni mama.

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin doon pero pagod na pagod na ang utak ko ngayon at ang puso ko para magtanong pa.

"Sorry po ma-mama, minahal ko-o po sya at mahal na mahal ko p-parin po sya." Sabi ko habang umiiyak parin.

"Tahan na anak. Alam ko, alam ko. Huwag kang humingi ng tawad. Naiintindihan ko. Dumaan rin ako sa ganyan. Hindi mo kasalanang mahulog at umibig anak..." Malumanay na paliwanag ni mama.

Nakahiga parin ako sa may dibdib ni mama. "M-ma, girlfriend nya p-po ngayon si Le-leslie." I said.

"Baka naman may dahilan anak. Hayaan mong magpaliwanag sya saiyo."

Hinarap ko si mama. "Para sa-saan pa po ma? Para po m-mas lalo akong masaktan sa gi-ginawa nya?"

Hinarang naman ni mama ang point finger nya sa bibig ko. "No no no, don't say that baby. Everything has a reason. Just... trust him. Okay?"

Hindi ko na pinakinggan ang mga huling salita na binitiwan ni mama.

Trust?

Meron paba akong tiwala sa kanya? Oh crap.

That's bllsht. Wala na. Winala mo na Matthew.

Lumabas na ng kwarto si mama at dahan dahan kong ibinalik ang scrapbook sa may cabinet.

Lumabas muna akong kwarto at natatanaw ko na ang bukang liwayway.

Naupo muna ako sa may garden habang sinusuot ang jacket ko na snowflakes ang design.

June na at malapit ng magpasukan kung kayat madalas ng umulan.

Lumabas naman si mama na may dala dalang tray at inilapag ito sa.may lamesa.

"Tara anak, kain muna tayong almusal. Si yaya wanda kasi ay tulog pa." Nakita ko naman ang seasoned rice, egg with onions, hotdog, pancakes na heart ang design at hindi nawawala ang hot choco na timpla mismo ni mama.

Ngumiti naman ako kay mama at naupo sa may harapan nya.

Inabot nha sa akin ang tasa at iniikot ito. Nakita ko naman ang light yellow na sticky note.

I love you, Zoe.

"I love you too ma!" Sabi ko pagkabasa ko doon sa may note.

Ngumiti lang din si mama at nagkibit balikat na bago nagsimulang kumain.

Noong pinapanood ko ang bukang liwayway, naalala ko nanaman sya. Kasama iyon sa bucket list ko ejh. Hays, life.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon