FCBY 29

25 1 0
                                    


Song for this Chapter: Disclosure by Sam Smith

×××

Isang linggo na simula ng nangyari ang eksenang iyon. Biyernes nanaman ngayon. Buong linggo sa klase ay lutang parin ako pero nagiging maayos naman ako kapag sa recitation at quizzes.

Nandito nanaman ako sa may garden at nakahiga sa may damuhan na sinapinan ko ng blanket. Ang kinakain ang cookies na binake nila mama at ni Yaya Wanda kanina.

Nagzip muna ako ng four seasons. "Hala..." Bigla ko nalang nasabi sa kawalan. Naiisip nanaman ang eksenang nangyari last week.

Gabi nanaman at heto ako at nag-iisip ng malalim habang tinititigan ang pinakamakinang na star.

"Aish, bakit ayan nanaman ba naiisip ko? Bakit sya nanaman? Nako naman po plith. Tigilan nyo na me." Bulong ko sa sarili ko at kumain nanaman ng cookies.

"Anak!" Masiglang tawag sa akin ni mama papalapit dito sa garden.

Napaupo naman ako. "Bakit po?" Binigyan ko ng ngiti si mama. Mukhang good news ah?

"Tuloy daw kayo sa Baguio bukas. Eh diba sa november 9 pa naman iyong entrance test nyo sa Saint Louis University, sunday. Pero sabi sa akin ni Kiel na bukas na daw ng mga 9am kayo aalis papuntang baguio para makapaggala man lang bago magtest. Sunday din ang uwi nyo, after test." Masiglang sabi ni mama.

Dream school ko kasi doon. And sakto, doon din ako gustong ipasok ni mama sa college. Kaso syemore, iniisip ko parin ang ilang possibilities at ang ibang 'what if' kaya hindi pa naman sure.

"Ah ganoon po ba, osige po. Mag-aayos na po pala ako ng gamit ko." Nakangiti at masigla kong sabi. Naexcite naman na ako. Yipee!

"Ay teka teka, tinawagan ulit kasi ako ni Kiel." Sabi sa akin ni mama at hinarangan ako sa dapat na dadaanan ko.

"Ano po iyon?" Kunot noong tanong ko.

"Night market daw muna kayo. Kasama naman daw sila Janina, Cherish, Bernard, Gladys, at Lyka." Sabi ni mama at humagikgik.

"Oh, okay po..." Tinignan ko naman ang phone ko at puro text msgs galing kala Kiel. "Magbibihis lang po ako. Teka po." Sabi ko kay mamaat kumiss na sa cheeks nya.

Pagkabihis ko ay nagpaalaam na ako kay mama at kay yaya wanda na kasalukuyang kumakain pa lamang ng hapunan.

"Balik ka kaagad anak ha?" Paalala ni mama at lumabas na ako ng bahay.

Naglakad nalang ako papuntang night market dahil malapit lang naman ito sa amin. Labas lang sya halos ng subdivision namin at tutal gabi naman ay mararamdaman mo ang sariwang hangin na humahaplos sa iyong mukha.

Nagkita kita nalang kami sa kanto nila Cherish na halos 80steps lang ay nasa night market na kami.

"Tara dun sa foodcourt!" Pag-aaya ko sa kanila. Nakaramdam kasi kaagad ako ng ghtom ng makitang napakalaki ng kainan nila dito. Ang dami, nakapaikot sa iyo. Hahahahaha.

May mga nag-iihaw ng kung anu-ano, may nagtitinda ng mga shakes at palamig. Mga japanese cake, pansit, spaghetti at marami pang iba.

"Maggoto nalang tayo. Doon tayo oh, paalis na sila." Pagtuturo ni Bernard doon sa kaaalis lamang na grupo sa isang rectangle na mesa. Tamang tama at hindi naman masyado crowded dito.

"Nako Kiel, bukas na pala ang punta natin sa baguio. Nakapag-ayos kana ba ng gamit mo?" Pagtatanong ko habang paupo kami sa may lamesa.

"Hindi pa nga din eh. Mamaya nalang. Ang gulo kasi ni daddy. Kanina lang sinabi iyong final decision nya." Sabi nya at napakamot naman sa ulo nya.

"Ay ate, ate. Papicture naman kami. Hihihi." Sabi ni Lyka at humagikgik. Iniabot naman nya iyong phone nya sa ate na nagseserve sa amin ng mga goto na inorder namin.

"Osige, walang problema." Kinuha naman nya iyong phone kay Lyka. "1,2,3 smile!" Sabi ni ate at nakangiti rin habang nagpupicture. Hahahahaha. Cutie.

"Salamat po ate!" Sabi namin at nagbow naman sya sa amin at umalis na.

"Nalo guys, pasalubong naman ha." Sabi ni Cherish. Dapat kasi ay kasama rin syang magtest sa amin kaso hindi sya pinayagan ng pala nya dahil sa MAPUA na pala sya mag-aaral talaga.

"Ay nako, oo." Sunod pang sabi ni Gladys.

"Strawberries ha! Hahahaha!" Sabay na sabi naman ni Lyka at Janina.

"Ako kahit keychain na letter B nalang! Oha! Sampung piso lang ata iyon. Hahahahaha." Natatawang sabi naman ni Bernard.

Nagtawanan nalang kami nila Kiel dahil sa kulit nila.

Nakatapos narin kaming kumain at nagsiuwian na kami.

Nag-ayos na ako ng gamit ko pagkauwi ko. Si mama naman at yaya Wanda ay mukha tulog na. Mabuti na lamang at may duplicate key ako.

Dumiretso na ako sa may kwarto at kinuha ko na iyong travel bag ko na pink at gray ang kulay. Nanguha na ako ng mga damit at kung anu anong gamit ko doon sa may cabinet.

"Mukha three to four days ka dun ha? Sa dami ng dala mo anak." Natatawang sabi ni mama na nakatayo at nakapadekwatro ang kamay at paa sa may tabi ng pintuan kong nakaawang.

"Hahahaha. Eh para sigurado lang po. Tsaka nagdala narin ako ng unang na maliit at kumot. Hahahahaha." Natatawa ko ring sagot. Mukha nga kasing ilang araw ako doon eh samantalang isang gabi lang naman kami doon.

"Osya anak, heto na ang pocket money mo." Sabi ni mama at iniabot sa akin ang pera. "Osya matutulog na ako, hinintay lang talaga kita. Good night baby ko!"

Kumiss naman na ako sa left cheek nya. "Good night po ma. I love you po!"

"I love you more." Then umalis na sya at sinarado na iyong pintuan ko.

Habang nagsusuklay na ako bago matulog ay may napansin naman akong maliit na paperbag sa kanang bahagi ng cabinet ko.

Kinuha ko ito at dahan dahang binuksan.

Iyong bonnet na dapat ay regalo ko para kay Matthew bukas.

Iyong bonnet na dapat ay maibibigay ko sa kanya bukas.

Bukas, november 8 ay kaarawan nya. Ngunit papunta kaming baguio bukas kung kayat hindi ko na ito maibibigay.

Nakakapanghinayang...

Ibinalik ko nalang iyong bonnet sa stripes na white ans black na paper bag ang bonnet na ako pa mismo ang gumawa. Na ako pa mismo ang nagcrochet at namili ng mga yarns. Pinilit ko itong gawin ng halos limang araw lang para sa maibigay ko na sa kanya bukas. Ngunit nakalimutang kong aalis pala kami. Sayang naman.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon