FCBY 6

40 1 0
                                    


Song for this Chapter: Say it Again

×××

Kakatapos lang ng Birthday ni tita nung mga 2am na. Kaya naman nag-ayos ayos na kami.

Hindi kami nanguha ng cook at taga linis. Ang gusto kasi namin, family ang nagaayos lahat ng kailangan namin kahit na simpleng party lang o magarbo.

Nilapitan ko naman si mama na hyper na hyper parin. "Sige na mama, matulog na po kayo. Kami kaming magpipinsan nalang ang bahala dito." Sabi ko kay mama na naglalaro pa ng COC sa phone nya.

"Sigurado ba kayo dyan?" Pagtatanong ni mama.

"Oho tita." Sagot naman nung mga lalaki kong pinsan.

"Osya sige. Papasok na kami nila tito at tita nyo. Hoy boys, mas madami kayong lalaki kaya wag nyong pagbubuhatin itong mga ladies natin ha?" Sabi naman ni tita Tintin at hyper na hyper padin kahit na kanina pa nagpaparty yang mga yan.

Kahit na hiwal hiwalay yung bahay naming magpipinsan, may kanya kanya naman kaming mga rooms dito sa bahay ng mga tito at tita namin. So walang problema if ever na magsleep over kami.

"Kuya pakiabot naman yung oh." Sabi ko kay Kuya O'neal na pinsan ko at sabay turo sa medyo mataas na bintana namin na nakasabit ang basahan.

"O eto oh." Sabay abot nya sakin niyon at ginulo yung buhok ko. "Maya maya lang pumasok narin kayo nila Mayeng ha. Kami ng bahala ng mga boys dito." Sabi nya sa akin.

"Anong kayo na ang bahala aber?" Sabay sulpot naman ni Maricris. Kambal ni Mayeng. "Baka naman mag-inuman lang kayo dyan at hindi magligpit. Hahahaha." Pang-aasar pa nya

"Baliw. Baka maginom pa kami. Hahahaha." Sagot naman nya.

"Owki." Sagot nalang ni Maricris ng mahina pero nasa tono parin nya yung pang-aasar.

Napalingon naman kaming tatlo doon sa may nagsalita. "Maricris!" Tawag ni Mayeng sa kanya.

"Oyes?" Sagot naman nito habang nakapaijot yung magkabilang kamay nito.

"Pasok na tayo. Me sleepy na." Sabi nya.

"Oh, pasok na daw kayo doon." Sabi naman nitong si O'neal.

"Tara." Pag-aaya ni Maricris sa akin at naglakad na papasok ng bahay.

"Oh, bat di kapa pumasok doon?" Pagsusungit kunwari sakin ni kuya.

"Maya maya na saglit. Hahahaha." Nagkibit balikat nalang sya at nagligpit nalang. Alam naman kasi nyang makulit ako dahil nag-iisa lang akong anak pero alam naman nilang hindi ako spoiled brat.

Sa aming magpipinsan, ako pa yung pinakapuyating tao kaya hindi narin nangulit pa si kuya na patulugin ako.

Nagchat nalang ako sa may terrace namin habang nakataas pa yung dalawa kong paa sa may pasimano.

Sila kuya naman ay nagkakaingay doon at nagkakasayahan habang nagliligpit. May mash-up pa silang pinapatugtog.

"Hello ulit!" Bati ko

"Hi ulet. Hahaha." Sagot nya.

"2:30 na gising kapa din. Hahaha. Tibay mo talaga sa puyatan." Sabi ko.

"Mas matibay ka kaya sa puyatan. Hahahaha. Kita mo hindi pa kita natatalo." Sabi nya.

Dahil naman umaga narin... may naisip ako. HAHAHAHAHA.

Magvovoice message ako.

Good morningggg

Halos 2 seconds lang iyan tapos sinend ko na sa kanya.

Natawa naman sya tapos nahvoice message din sya.

Mga nasa 3 seconds yon pero hindi clear yung pagsasalita. Parang bumubulong lang sya. Pero ang sabi nya

Matulog kana. Hahahaha

Grabe grabe grabe! Teka pahingi muna ng maraming oxygen. Kyaaaah!

Ang husky ng boses nya. Hahahahahahaha! Umaygash. Uwaaaah!

"Sobrang kilig naman ng pinsan namin ha?" And guess what?

Lahat silang pito na lalaking pinsan ko ay nasa kaliwa ko palang at nakapameywang na nakatingin sa akin.

"H-ha? HAHAHAHA." Di ko alam sasabihin ko. Matatawa ba ako dahil sa itsura nila ngayon na puro icing ng cake ang halos buong katawan o matetension dahil sa nakita nila akong kinikilig. Hahahahahaha.

"And who's the unlucky guy?" Pagtatanong ni kuya Amber.

"Maka-unlucky naman kayo! Parang sainyo napaka lucky nung mga girl eh parang hindi naman kasi sainyo pa sila nagkakagusto. Tsk tsk tsk." Sabi ko at nagreact naman kaagad sila. HAHAHAHAHAHAHAHA. Akala nila ha?

"Aba aba pala." Sabi ni kuya Dex at tumalikod at may kinuha yata sabay...

Poink*

Hagis din sa akin ng icing ng cake.

"KUYAAAAAAAAAA!" Tumayo naman na ako at nagsitakbuhan sila at lumayo sa akin.

Ibinaba ko naman na yung phone ko at hinabol ko sila.

Nanguha rin ako ng icing ng cake at pinaghahagisan din sila.

Madami kasing cake yung naandito. May tatlong layer ng cake talaga si tita para sa birthday nya. Eh bukod pa doon ay may mga nagreregalo at nagbibigay so ang dami pa talagang natira kaya eto kami ngayon.

Yung iba ko naman pinsan ay nagsitalunan naman sa may pool.

Aba pala talaga ano?

Eh?

Nakaligo na ako sa banyo eh. Nakaterno na ako ng pajama tapos hinagisan pa ako ng icing. "Ang lagkit!" Sigaw ko sa kanila.

Nagtawanan naman sila at nasa likuran ko na pala itong si kuya O'neal at itinulak ako bigla

SPLASH*

Hulog ako sa pool.

"Ginagalit nyo talaga ako ha?" Nilapitan ko naman yung mga kuya ko na nasa pool at lulunurin ko itong mga ito pag nakalapit talaga ako sa kanila.

Dahil nga ako ang babae at mga lalaki sila. Luge ako. Di ko dila maabutan kaya umahon nalang ako.

Tinabihan naman ako ni kuya Ian. Si kuya Ian ang panganay saming magpipinsan. Umupo sya sa may kanan ko. Yung mga iba ko pang kuya ay pinalibutan ako habang nasa pool sila. Ako nakasayad lang yung mga paa ko sa tubigan.

"Alam mo Zoe, wala namang masama kung magkagusto ka sa isang tao eh. Dba yan yung crush." Panimula ni Kuya Ian.

Tumango naman ng sabay sabay yung anim ko pang mga pinsan. Natawa naman ako sa ginawa nila.

"Dahil ako ang panganay sa ating magpipinsan, ako na magsisimula." Sabi nya.

"May mga pagkakataon na matutuwa ka or kikiligin ka. Gaya nalang nung nangyari kanina. Hahahaha." Sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Pero alam mo, may mga tao na hindi naman natin inaasahan na darating sa buhay natin. Pero hindi rin naman natin aasahan if ever na dumating yung araw na umalis sila sa buhay natin." Mahaba nyang paliwanag.

"Wow naman makahugot." Pang-aasar ni kuya O'neal sa kanya. Kaya naman winisikan sya ng tubig ni kuya Ian at tumawa.

"Pero seryoso insan, wag kana muna masyadong magmahal ngayon ha? Pinsan ka namin at ayaw ka naming masaktan. Tsaka isa pa, bata ka pa ano." Pangdedepensa naman ni kuya Dex.

"Oo na ho. Ang dapat makinig sa mga expertise pagdating sa love. Hahahahahahahaha." Sagot ko naman. Kaya winisikan naman nila akong lahat ng tubig at nagsilayuan nanaman sila sa akin.

Napaisip ako.

Totoo yung mga sinasabi nila kuya. Naniniwala ako doon. May mga tao talaga dadaan lang siguro sa buhay natin at magtuturo ng mga ilang bagay sa buhay natin at aalis narin.

Hays, aalis rin kaya si Miguel sa buhay ko at magtuturo lang ng ilang bagay na magagamit ko sa pangkasalukuyan?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon