FCBY 7

36 1 0
                                    


Song for this Chapter: Just A Dream by Nelly

×××

Ilang araw nalang at magpapasukan na.

"Paano kaya best kung mag-aral ako ng mabuti tapos mag top 2 ako noh?" Sabi ko kay Janina. "Aray ko naman!" Sabi ko at binatukan din sya pabalik. "At bakit nambabatok aber?" Pagtataray ko.

Tinaasan nya naman ako ng kilay at sinuri ako. "Anong nakain mo at naisip mo ang imposibleng bagay na iyon? Ha?" Sabi sa akin. Kaya binatukan ko nanaman sya. "Sumosobra na ito aba." Babatukan nya sana ako pabalik kaso hindi nya ako naabot. Hahahahaha.

"Eh kasi ano lang. Hahahaha. Wala lang. Naisip ko lang. O di naman kaya, kahit sa top 20 lang siguro kaya ko? Watcha think?"

"Best baka sa top 20 pwede pa. Merit award." Sabi nya at nginitian ako at tinaas baba nya yung dalawang kilay nya sabay subo nya ng mojos na gawa ni mama. Nandito kasi sya sa bahay at nabisita.

Habang umiinom naman ako ng four seasons ay bigla namang may nagtext sa phone ko.

Si colonel pala.

Guys, we need 10 officers para sa magbabantay sa magsasayaw na magistreet dance. Sa school tayo magbabantay. Now na. Ingat!

Napatingin naman ako kay Janina at sinabi ko sa kanyang kailangan ko palang umalis.

"Okay girl. MagSM nalang muna ako. Hahahaha. Don't worry, papasalubungan kita. Orayt?" Sabi nya at sabay kiss sa right cheek ko.

"Tita aalis na po me." Sabi nya at nagbless na kay mama na kabababa lang ng hagdanan.

"Osya sige, mag-iingat ka ha iha." Pagpapaalala nya kay Janina.

Ng makaalis na si Janina ay nagpaalam rin muna ako kay mama na pupunta akong school dahil kailangan ang CAT officers kaya naman gumayak na ako.

Pagkarating ko sa may school ay lilima lang kaming officers.

"Madami ba kayong nasabihan na officers?" Pagtatanong ko kay colonel.

"Oo naman. May nagpost na nga rin sa group natin sa fb eh, kado tayong lima lang yata ang available." Sagot nya.

"Biglaan kasi eh, kaya siguro ganito." Sagot naman ng isa pa naming co-officer habang umiinom sya ng softdrink na nakaplastic.

9 am palang at hanggang 3 pm daw pala kami dito.

And guess what? Pinapanood lang namin sila. Akala nga namin mahihirapan kami eh.

"Guys may libreng lunch daw pala tayo mamaya. Hahahaha. Buti naman." Sabi nung isang babae na co-officer din namin.

"Oh talaga? Dapat lang." Natatawang sabi nung colonel namin.

"Sarap naman ng buhay natin. Upo upo lang pero may ganoon tayo. Hahahaha. Masabi lang ata na may officers eh." Sabi ko naman.

"Sabi pa nga ni Sir Patero kay Patricia, may 250 pesos each daw tayo ngayon dahil sa ginawa nating pagbabantay." Sabi naman ni Diana, isa ring officer.

Mabilis din namang lumipas ang oras dahil narin siguro sa kwentuhan namin ay hindi na namin napansin na alas tres na din pala.

"Mag-iingat kayo ha. See you next time guys!" Sabi ni colonel at sumakay na sa sasakyang sundo nya.

...

Pagkauwi ko sa bahay ay nahiga nalang kaagad ako. Ramdam ko yung pagod kahit wala naman kami masyadong ginawa sa school. Hahahahaha.

Kaya naman tumayo ulit ako dumiretso ng banyo at naligo.

Mas napapatagal ang pagligo ko kapag nagmamash up ako at nagcoconcert. Hahahahahaha!

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon