FCBY 30

15 1 0
                                    


Song for this Chapter: Who Says by Selena Gomez

×××

Maaga akong nagising ngayon kahit alam ko namang mamaya pang mga 9am ang alis namin.

Tinext ko kaagad si Matthew.

To: Matthew

Hey baboy! Matanda kana. Kaiyak. Huhuhu. Hahahahaha. I'm so sorry if wala ako sa birthday mo! More birthdays to come. Goodbless.

Pakiramdam ako walang espesyal sa text ko na iyon kaya ay binura ko nalang kaagad.

Sa ngayon ay iyon nalang ang alam kong espesyal na maaari kong magawa dahil hindi ko naman sya makikita. At malamang ay mag-iinom lang sila ng kabarkada nya na sa pagkakaalam ko ay SPARTANS ang name ng group.

Kaya naman bumangon na ako at naligo.

Habang nasa banyo naman ako ay nagmamash-up lang ako ng kung anu-ano. Kinanta ko muna iyong Break Free ni Ariana Grande. Sumunod naman ang Rather Be tapos ay ang Chandelier naman. At ang huli naman ay ang Not The Only One Ni Sam Smith. Nakakatawa kayang kantahin iyon lalo na kapag nasa banyo ka. Narinig ko lang minsan iyan sa bahay nila tita Jashi tapos nakabisado ko naman na.

May kumatok naman sa may pintuan ng banyo ko. "Bebe Zowe. Nandyan na pala ang beseta mo labas ay apo. Pakibelesan ang palelego mo. Oke?" Sabi ni yaya Wanda mula sa labas.

"Opo ya! Susunod na po. Salamat!" Sagot ko naman at binuksan na iyong shower at nagbuhos na.

Nagsuot lang ako ng mustard pants. Pink longsleeves at yellow na converse. All done!

Pagkababa ko ay nakita ko namang mukhang iniintriga ni mommy si John. Si John ang guy bestfriend ko since sophomores pa lamang kami.

"Uy tara John, kain na muna tayo ng ng breakfast." Pag-aaya ko sa kanya.

Inaya narin sya ni mommy at sabay sabay kaming pumasok ng kusina kasama si yaya Wanda na naghahanda na ng almusal namin.

"Tara na po ya. Sabay kana sa amin." Pag-aaya ni mama.

"Ay, usege hu ma'am. May kukuhanen lamang hu aku." Sabi ni yaya Wanda umalis. Pagkabalik nya ay may dala dala na syang tray na may dalawang hot choco para sa amin ni John at dalawang kape para naman sa kanila ni mama.

"Salamat ho." Sabi ni John noong pagkalapag ni Yaya Wanda ng hot choco sa harapan nya. Hinipan nya kaagad ito at ininom.

"So ano, ihahatid ko paba kayo kala Kiel?" Tanong ni mama.

"Ay nako, hindi na po ma. Dadaanan pa po namin si Ivory eh. Sabay sabay po kami." Paliwanag ko naman.

"Okay sige, sabi mo eh. Basta mag-iingat kayong mga bata doon ha. Wala kayong masamang matanda bukod sa magulang lang ni Kiel. Kaya ikaw John ay ingatan mo iting si Zoe at si Ivory, babae pa naman iyan. Baka kung san san mapadpad. Hahahaha." Sabi ni mama at tumawa.

"Ma naman po." Sabi ko at nataea narin.

After an hour ay nagkita kita narin kami at dumiretso na kala Kiel.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan nila Kiel dahil naaawkwardan kami sa katahimikan ng mga magulang ni Kiel. Ewan lang namin. Basta hindi namin feel. Nyay.

Kaya heto kami ngayon ni Ivory na kahit magkatabi lang kami ay nagtetext pa kami sa isa't isa dahil ayaw naming makalikha ng ingay.

Mahigit apat na oras lang ang ibiniyahe namin at nakarating na kami kaagad sa baguio.

Nagpaiwan nalang kami sa may SM Baguio para makagala kami. Si Kiel ay hindi namin kasama. Kaming tatlo lang nila John at Ivory. Doon kasi kami matutulog sa bahay ng tito ni Ivory. Sila Kiel naman ay may kamag-anak dito sa baguio at doon sila matutulog.

"Tara Mines View Park tayo." Nakangiting sabi ni Ivory at sumakay na kami sa taxi na nasa harapan namin ngayon.

Ang saya. Parehas naming first time pumunta ni John dito. Si Ivory naman ay sa tuwing Panagbenga Festival lang daw nakakapunta dito.

Namili kami ng kung anu-ano. Tshirt, souveneirs, keychains, chocoflakes, strawberry jam, ube, jam at marami pang iba.

"Grabe nakakapagod pero masaya." Sabi ni John.

"I second the motion." Sabay naming sabi ni Ivory kaya nagkatinginan kami at nagtawanan.

"Ang last but not the least..." Sabi ni Ivory at pumunta kay kuyang magtataho.

Nagtinginan nalang kami ni John at ngumiti at sinundan na lamang si Ivory. "The strawberry taho!" Masigla nyang sabi. "Manong tatlo nga po. Salamat!"

Whoah. Enjoy.

Pauwi na kami ngayon dito sa bahay ng tito ni Ivory.

Teka, sa sobrang enjoyment ko ay nakalimutan ko ng birthday ni Matthew nga pala ngayon.

Ngayon ko lang nacheck iyong phone ko at puro phonecalls galing kay mama, Janina, at Matthew.

Una kong tinext si mama na nasa bahay na kami ng bahay ng tito ni Ivory, sumunod naman ay kay Janina na nakabili na ako ng pasalubong para sa kanya.

Lumabas muna ako ng bahay at nagtungo sa may terrace nila.

Dialling Matthew...

"Hello." Malumanay nyang sambit.

"Oh? May problema ba? Sorry if wala ako dyan ngayon ha? Happy Birthday baboy! Sana mag-enjoy ka!" Masigla kong sabi para macheer-up ko naman sya.

"Oh, thanks. Ayos lang. Alam ko namang mas importante iyan eh." Sabi nya.

"Nako tampururut pa ang loko. Hahahaha." Sabi ko sa mapang-asar na tono.

"Masaya naman dito ngayon. Pero mas masaya sana kung nandito ka." Sabi nya pero pabulong at mahina nalang iyong huling salitang binaggit nya.

"Aroy. Hahaha---"

Hindi ko na natapos sasabihin ko ng lowbat na pala ito.

Ay hanep, hindi ko na nga ginamit buong araw tas malolowbat lang kaagad. Noong umalis pala kami kanina ay one bas nalang ito. Aish.

"Tara na Zoe, kain na daw tayo." Pag-aaya sa akin ni Ivory. Tumango naman na ako at pumasok na.

Iniwan ko na munang nakacharge iyong phone ko.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kaming Burnham Park para maggala. Ang ganda ng bargain nila dito at masarap magfoodtrip. One day old gaming. Hahahaha.

After doon ay pumunta kaming Camp John Hay. Nag-inom sila John at iyong tito ni Ivory. Kami naman ni Ivory ay kumain ng mainit na cake na mau malaking scoop ng ice cream sa ibabae. Hahahaha. Cutie.

After ng mahaba habang kwentuhan ay umuwi narin kami at nakatulog ng dahil sa pagod. Hindi ko narin nacheck iyong phone ko at hinayaan ko nalang na dahan dahang nagsarado na ang mga talukap ng mata ko.

I wanna see Matthew. Badly. But I guess, I need to take this slowly. Ayokong masaktan pero why not take a risk, right?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon