FCBY 15

18 1 0
                                    


Song for this Chapter: The Man Who Can't Be Moved by The Script

×××

Pagkapasok ko ng school ay hinanap ko naman sila kaagad sa may court.

And kaboom.

Nandoon nga silang apat at nakaupo sa may part ng basketball court.

Nakatanaw lang ako doon ng mga ilang minuto then napansin na ako ni Matthew at kinawayan nya ako. Ngumiti naman ako at pumunta sa kanila.

Walang katao tao niyon bukod sa kanilang apat at mga nasa tatlo na college boy na nagbabasketball.

Pagkalapit ko ay nahiya naman ako bigla.

Tumabi ako kay Dindy na kaharap naman si Matthew. "Eto kamo, tabihan mo na. Nahiya kapa ay. Hahahahaha." Sabi nya sa akin ay biglang tumawa.

"Hala. Hahahaha." Nasabi ko namannay nakangisi na ewan na hindi ko maintindihan.

Hindi ko alam gagawin. Hala. Nakakahiya. Bakit nga ba kasi dito ako napadpad? Nyay. Hahahahaha.

"Sige na Zoe, tabi kana." Sabi naman ni Paule habang katabi siatthew sa kaliwa nya.

Napatingin naman ako kay Jenina na nakangiti naman sa akin. Well, actually kay Matthew lang talaga ako nahihiya. Kasi si Dindy ay classmate ko. Si Jenina ay classmate ko noong first year then si Paule ay napakabait naman sa akin so wala namang problema.

Tumayo ulit ako at umikot ikot sa may pwesto nila na tawa ng tawa na ewan. "Sige na.kasi Zoe, maupo kana." Sabi ni Dindy.

Ewan ko ba pero automatic na pumunta ako sa likod ni Matthew at binatukan sya pero mahina lang at hinampas ko yung kaliwa nyang braso.

Napatingin naman sya sa akin galing sa pagsasalukbaba nya. Hala.

Naupo na ako sa may kaliwa nya at. "Hi. Hahahahaha. Uhmm." Sabi ko at nginitian ko sya.

Tumingin naman sya sa akin. "Aano kaba?" Tanong nya sa akin.

Nagpalinga linga naman ako sa may kabuuan ng court na kaming lima nalang pala yung tao. "Eh, kakain lang sana. Ya know." Sabi ko at nangiti.

Nginitian nya rin ako at umayos sya ng pagkakaupo nya.

"Ngayon paba kayo magkakahiyaan? Hahahahaha." Sabi ni Jenina na katapat ni Paule.

Natawa naman kami ng bahagya at nagsalita si Dindy. "Tara kain tayo." Sabi nya at ngumiti sa akin.

"Tara tara. Saan?" Pagtatanong ni Paule at tumayo na.

So tumayo narin kami ni Matthew niyon.

"Alam nyo ba yung nasa may srcond floor na malapit lang dito sa school natin? Hindi pa natin natatry doon." Sabi ni Jenina.

Nag-agree naman kaming lahat so lumabas na kami ng school.

Sabay sabay silang naglalakad na apat habang kaming dalawa ni Matthew ay nahuhuli. Tahimik lang kami. My gersh, nahihiya ako.

"Ay guys, sarado ay. Sayang naman." Sabi ni Paule habang nakatingin sa may second floor na sarado nga.

"Eh tara Mcdo nalang tayo." Sabi ni Dindy at nagstart na ulit silang naglakad papuntang Mcdo.

Ako naman ay diretso lang na nakatingin sa may harapan habang naglalakad then after a minute siguro ay hinawalan nya iyong kaliwa kong braso at nagpalit kami ng pwesto. Ganito kasi iyon, nasa kanan ako at nasa kaliwa ko sya, bale parang ako iyong naglalakad sa may tabi ng mga sasakyan. Nasanay kasi ako na doon pumepwesto kapag naglalakad kami nila Janina kaya nagulat ako na first time may gumawa sa akin niyon.

Tinignan ko naman sya na diretso lang din ang tingin nya sa may harapan. "Uhmm, thank you." Sabi ko at tumgingin nalang ulit sa may harapan namin. "Nahihiya kapa sa akin ano?" Sabi ko at tumawa.

"A-ah actually oo. Hahahaha." Sabi nya at napakamot ng ulo nya.

"Ngayon kapa nahiya ah. Hahahaha." Sabi ko habang natatanaw na namin iyong Mcdo.

Bago kami makapuntang Mcdo ay madadaanan namin iyong simbahan.

And ang bilis ng pangyayari na hindi ko na namalayan.

Nakahawak na pala ako sa may kaliwa nyang kamay...

Napatingin naman iyong apat sa amin at animo'y kinikilig.

Hala. Mas lalo tuloy akong nahiya. Samantalang itong katabi ko ay chill na chill lang habang hawak hawak iyong kanang kamay ko.

Pagkapasok namin ay nauna ng umorder iyong apat kasunod ako. Si Matthew ay hindi umorder kasi busog pa daw sya.

Noong turn ko na. "Hello Ma'am. Good evening. What's your order?" Nakangiting sabi ni ate at dahil nasa good mood ako ay nginitian ko rin sya ng bongga.

"One chicken fillet please, Mcfloat, and chicken burger po. Take out po. Thanks!" Sabi ko at kinuha na iyong wallet sa may bag ko.

"Here your order ma'am. Thank you!" Sabi nya at nagbow nalang ako sa kanya at ngimiti then nilapitan ko na sila Matthew.

"Ano tara na? Saan tayo?" Pagtatanong ni Jenina.

"Kami sasamahan ko muna si Zoe." Sabi ni Matthew sa kanila kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Ha? Aano naman tayo?" Pagtatanong ko.

"Eh diba akala ko gusto mong gumala?" Sabi nya sa akin.

Nginitian ko nalang sya. "Uhm ganito nakang. Sumama nalang tayo sa kanila kala Janjan." Sabi ko sa kanya at tumingin kala Dindy at ngumiti.

Sa expression ni Matthew ay parang ayaw nya. "Wag kang mag-alala Matthew, naging kaibigan ko rin si Janjan noong elementary at madalas rin kaming pumupunta doon." Sabi ko at binigyan sya ng secured na ngiti.

Ngumiti rin naman na sya at lumabas na kami ng Mcdo. Then kinuha nya iyong order kong pagkain sa kanya.

Ang gentleman, sht.

Nauna ng sumakay iyong apat papunta kala Janjan then sumakay narin kaming dalawa ni Matthew na bukod na tricycle.

Hala.

Lumakas nanaman bigla iyong tibok ng puso ko.

Tinignan ko siya then parang slow mo lahat ng nakikita ko sa kanya ngayon. Hanggang ngayon ay hawak hawak nya parin yhng kanang kamay ko.

Sa tingin ko naman ay naging kampante at hindi na nahihiya sa akin si Matthew.

"Tignan mo ito. Hahahahaha." Sabi nya at hinawakan yung baba nya. "May tatlong buhok na." Sabi nya at nakangiti sa akin.

Hinawakan ko yung baba nya at natanaw ko iyong tatlo ngang buhok. "Hala. Manong kana. Hahahahaha. May balbas kanang tatlo." Sabi ko at tumawa.

"Yabang. Hahahahaha. Cutie ano?" Sabi nya at tinaas baba pa nya iyong dalawa nyang kilay at nakangiti sya sa akin.

Dmn.

Am I fckng insane?

Sinong hindi magkakagusto sa lalaking ito na ang saya kasama.

I"m falling for him every single dmn day.

Hays Matthew, what did you do to me?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon