FCBY 28

16 1 0
                                    


Song for this Chapter: Stupid For You by Marie Digby

×××

Bumalik naman na kaagad ang dalawang designer na pumasok dito kanina sa dressing room sa may backstage na dala dala ang --- wow.

Ang ganda.

Si kuya-slash-ate Gregory ang may hawak hawak ng gown then si kuya-slash-ate naman ang umaalalay sa may baba.

Ipinatong nila ito sa may couch at pumalakpak. "Ay bonggacious!" Sabi ni kuya-slash-ate Gregory at humagikgik ng tawa.

"Look Zoe, ang ganda ganda nitetch diba?" Sabi naman ni kuya-slash-ate Jericho habang hinihimas himas pa nya ang gown na nakalatag sa may couch.

Nilapitan ko naman ito at tumango tango. "Opo, mas sobra pa ito sa ganda noong nakita ko palang ang design nito sa sketch ni ninang Klawi." I said while my lips is forming a triumphant smile.

Ang ganda sobra. Grabe. Iyong colir ng top ay may pagkadirty white na puro gems na transparent at beads. Malamang sa malamang ay kikinang ito ng sobra mamaya dahil kapag natapatan ng spot light ay magliliwanag ito ng husto. Bagay na bagay sa gabi at puro ilaw, lalong lalo na kapag makululay na ilaw.

Ang mismong baba nya ay baby pink ang kulay. Pagkakapal kapal nya, mukhang mabigat kapag sinuot pero mukha namang komportable. Ang sarap nyang tunawin ng tingin.

"Osya, tara na girlaloo. Bihisan kana namin." Sabi ni kuya-slash-ate Jericho.

Noong naibihis na nga sa akin ang gown ay inilapit naman na nila ako sa may whole length mirror at inikot ikot. "Ayan na, napakabonggacious todamax superlalu na. Ang gende gende mo naman Zoe. Nako nako, kung lalaki lang akes na tunay ay baka napagnasahan ko na ang kagandang iyong taglay. But na-uh-oh ~ pure girlalu ang puso kows." Maarte pero nakakatuwang lahad ni kuya-slash-ate Gregory na may hand gestures pa.

Napatingin naman ako sa may kaliwa ko habang natatawa ako sa mga pinagsasasabi ni kuya-slash-ate Gregory ng.makita si kuya-slash-ate Jericho na may hawak na suklay na itim at spraynet sa magkabilang kamay.

"But wait, there's mo-o-o-o-ore! Hahahahaha." Muli akong iniharap ni kuya-slash-ate Jericho sa may salamin at binigyan naman ako ni kuya-slash-ate Gregory ng upuan kaya naman ay naupo na muna ako. "Nagulo ang hairstyle mo bebe Zoe. Ayusin na muna natin ha." He-slash-she said. Tumango tango nalang ako as an answer.

After a couple of minuted ay natapos na nila kaagad ayusin ang buhok ko. Then may kinuha sa may salamin si kuya-slash-ate Jericho na nakasabit.

Isang simple pero attractive na crown. Hindi sya kalakihan pero kitang kitang ito sa ulo ko noong isinuot na nila sa ulunan ko ito ng dahan dahan habang nakangiti sila ng malapad parehas.

"Job well done!" Sabay nilang sabi then nag-apir both hands. Hindi lo tuloy maiwasang hindi matawa sa pagiging hyper nila.

"Ang strapless sweetheart ball gown at ang flowery hairdo with texture and messy finish ay nasaiyo ng harapan salamin salamin." Nakakalokang lahad ni kuya-slash-ate Gregory at iniharap akong muli sa may salamin at inikot muli sa huli pagkakataon.

This is it. Kanina lang ang pa-easy easy lang ako pero ngayong malapit na ay kinakabahan na ako na naeexcite. Whoah. Grabe. Goodluck to me.

Naghingang malalim na muna ako sa may harap ng salamin at ngumiti ng isang napakagandang ngiti. Oh well, para sa akin ay maganda iyon. Hahahahaha. Puriin ang sarili. Hahahahahaha!

Nakaupo na kami nila kuya-slash-ate Gregory at kuya-slash-ate Jericho dito sa may backstage.

Nagsisimula na talaga ang kaba at excitement na dumadaloy sa aking body at nerve cells.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon