FCBY 3

58 1 0
                                    


Song for this Chapter: Count On Me by Bruno Mars

×××

Ikalawang gabi na namin itong magkachat. Feeling ko kada gabi yata kami palaging magkakachat nito eh.

Feeling ko lang naman. Hahahahahaha. Assumera ko naman non.

"Edi san kana mag-aaral nyan?" Pagtatanong ko. Curious kasi ako dahil baka pag nagmanila sya, wala na. Malayo na sya sakin. Este sa ano pala. Eh basta.

"Baka mag manila ako. O di jaya dito nalang satin. Hahaha." Sagot naman nya

"Nyi. Dito nalang satin para malapit sa school. Hahahaha. Joke lang." Sabi ko

"Kaso nga lang, konti lang kasi yung course dito satin. Kaya baka sa manila ako."

Hindi ko na tinanong pa kung san sa manila. Baka sabihin masyado akong curious at crush na crush ko naman sya to the max. Hays.

Ilang linggo narin kaming magkachat. Uhm, maybe three weeks. I don't know. And I don't care. Basta magkausap kami ayos lang. Hahahahahaha. Kilig hanggang eyebags naman ateng nyo.

"Ah sige, mauuna na akong matulog ah. Maaga pa kasi ako bukas eh." 11pm palang pero nagpapaaalam na kaagad sya.

Ay aano?

"Saan kaba pupunta bukas?" Ay lintyak ka. Nagtanong kapa. Nagpapaalam na dba?

"Sa UST. Hahahaha." Sumagot padin naman sya

"Oh? Dun ka mag eenroll? Cool. Hahaha. Ikaw lang ba mag-isa?" Cool pa nga. If I know nasasaktan ka ngayon Zoe dahil dun na sya.

"Baka. Hahaha. Hindi pa sure. Sana may slot pa para sa akin. May quota kasi eh." Sagot nya

"Oh, I see. Sige na matulog kana. Hahahaha. Good night. Ingat ka bukas. :)" Sabi ko sabay lagay ng smile face. Dapat yung kiss yung emoji na ilalagay ko eh kaso yan nalang muna. Hahahahaha. Biro lang.

Hays. Hindi muna ako natulog at pinatay na rin yung laptop ko. Kinuha ko yung phone ko at nagbasa nalang ng Hopeless Romantic sa wattpad.

Hiningi nya na yung number ko. Eto namang shunga na ako. Binigay ko naman.

Kaya hanggang ngayon ay ineexpect ko parin na itetext nya ako bukod sa magkachat kami. Pero yung kanya hindi ko na hiningi kasi malalaman ko rin naman pag tinext nya ako eh. Pero hanggang ngayon ay wala parin.

Malapit na ako sa ending nung binabasa ko sa wattpad ng palowbat na pala ako. Hays. Pang internet at wattpad ko lang naman ito eh. Wala namang nakakatext kaya wala ring load.

Kinuha ko muna yung charger ko at chinarge ko ito. Binuksan ko naman ulit yung laptop ko habang nagchacharge ako. Mamaya ko nalang iyon tatapusin.

Binuksan ko yung twitter ko at nagtutweet ng kung anu ano. Kabaliwan ko. Kung ano ang masabi.

Nag online din ako sa fb. Nakita kong online si Matthew Jaynan Montezalde. Ang naging kaibigan ko bago pa man siya mag-aral sa school namin nung bago kami magthird year.

Naalala ko pa noon. Mabait naman sya. May pagkaloko rin. Lalaki eh. Pero hindi kami talo nyan. Mas gwapo pa ako dyan eh. Hahahaha. Biro lang. Gwapo yan kahit maitim. Player kasi sya. Badminton. Kaya umiitim pag nagttraining sila.

Naalala ko naman tuloy bisitahin yung profile nya sa twitter.

Ang latest nyang tweet,
Baboy <3

Hanggang ngayon parin ba? Hindi ko na sya nakakatext simula last year. Ni hindi ko pa nga sya nakausap eh. Nagulat kayo noh? Hahahaha.

Kasi naman. May kaibigan ako na kaibigan rin pala. Edi pinlug nalang bigla nung kaibigan ko yung number ko last yead tapos isa sya dun sa nasendan kaya tinext nya ako.

Hindi ko naman alam na magugustuhan nya ako.

Akala ko hanggang magkaibigan lang kami. Tinanong ko pa nga sya sa kaklase nya non nung first day of school ng third year namin eh.

Flashback*

"Uy Lester. Nasan na yung transferee? Yung kaklase nyo? Hahaha." Pagtatanong ko doon sa kabatchmate ko. Recess kasi namin ngayon eh. Kaya nung dumaan siya Lester sa table namin ni Janina ay tinawag ko sya.

Nandito kami sa dulo ng nakaupo.

"Ah. Ayun oh." Sabi nya sabay turo sa harap namin na medyo malapit sa may pintuan. Nakablue syang tshirt.

"Ah sige sige salamat ah. Hahaha." Tinanguan nya ako tapos umalis na sya

Siniko naman kaagad ako ni Janina.

"Hmm may naaamoy ako ah. Hahaha. Kanina kapa transferee ng transferee dyan eh." Sabi nya

"Ungas. Hahaha. Nakakatuwa lang kasi may kakilala akong bago. Yung bago pa man sya magentrance test dito ay nakilala ko na sya. Akala ko nga makakasabayan ko pa yang mag enroll kaso hindi pa daw siya nakakapagtest." Sabi ko sa kanya

Nagkibit balikat nalang sya at ngumiti ng nakakaloko at kumain nalang ng salad.

Si Matthew. Dalawa. Dalawang beses ko na syang nagfriendzone. Hindi ko naman naimagine na magugustuhan nya ako eh.

Hanggang ngayon pa kaya? Isang taon na kaya yon.

Pero wtf? Baboy? Hahahahahaha.

Ganito kasi yon. Tinawag akong 'baby' ng ungas na Matthew na yon. Hahahaha. Ang sagot ko naman ay 'Ano ako bata?'

Kaya ginawa ko non ay 'baboy'. Parang endearment ng magkakaibigan lang. Ewan ko ba kung nilagyan nya ng meaning yon o hindi. Sana lang talaga wala na. Kasi gustong gustong gusto ko syang magong kaibigan. Pero papaano? Eh kung may nararamdaman sya sa akin tapos ako wala? Masasaktan ko lang sya. Hindi ba?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon