FCBY 17

21 1 0
                                    


Song for this Chapter: Dangerous by Before You Exit

×××

"Tara balik na tayo guys. Malapit ng mag-eight oh." Sabi ni Paule habang nagzizip ng Mcfloat nya at tumingin sa may wrist watch nya na color pink pa. Hahaha. Cutie. Ang girly nya.

Nag-agree naman kaming lahat at nagsimula ng maglakad pabalik kala JanJan.

"Zoe! Be ready!" Sigaw na masaya ni Matthew habang nasa may likuran ko sya. Hindi ko sya pinansin at naglakad nalang ako dire diretso.

Hindi ko naman inaasahan ng bigla syanv tumalon sa may likuran ko. "Ay pucha naman Matthew'ng maitim!" Nasigaw ko habang napakamit naman ako sa kanya automatic ng nagpiggy back ride sya sa akin. Ito ba iyong sinasabi nyang be ready? Hanep. Mabuti nalang at kaya ko sya. Takte, ang lakas ko naman ano po?

Narinig ko naman syang nagchuckle. "Tse!" Nasabi ko nalang na nagpalakas lalo sa tawa nya.

Wala na akong nagawa kundi mapangiti nalang din. Hindi ko na napigilan. Hindi naman nya nakikita eh.

"Teka teka Matthew! Hindi ko na kaya. Kanina kapa dyan!" Sigaw ko.

Bumaba naman sya at pinatalikod ako. Tinignan ko naman iyong paligid at napakamot sa ulo ko.

"Wala kapang tatlong hakbang oh." Sabi nya at tumawa. Bigla naman nyang hinili iyong kaliwang kamay ko at pinaharap sa kanya na nakasquat.

"Uhmm, what to do?" Inosente kong tanong. Hahahaha. Pagtripan.

"Baka kakain? Uhmp." Sabi nya. Natawa naman ako at tumalon na sa may likuran nya.

"Magjojogging ka rin minsan ha? Ang bigat mo eh." Sabi nya hanbang seryoso ang tono. Binatukan ko nga!

"Hmmp! Baliw." Sabi ko na halata kunwari sa tono ang pagsusunget.

Ibinaba naman na nya ako, nandito na pala kami sa tapat ng bahhay nila JanJan. Hindi ko namalayan.

Papasok na sana ako sa may terrace, kunwari tampo. Ng bigla naman nyang hinatak iyong kaliwang kamay ko nanaman. Ano ito? Hatakan gaming?

Hinawakan nya iyong dalawa kong pisngi ng isarado nya dito ang kanyang dalawang kamay. Uhmm? What's happening right now? Lub dub lub dub lub dub. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Grabe. Ano ito?

"Alam mo Zoe, kahit na kasing tana kapa ni mama. Mahal na mahal na mahal parin kita. Okay?" He said then he kisse ng forehead.

Butterflies in my stomach alert...
Butterflies in my stomach alert...
Butterflies in my stomach alert...

Hindi ka talaga nagkakamali na mapahulog ako saiyo lalo araw araw, Matthew.

.

.

.

"Hoy bruha!" Sabi sa akin ni Jenina at pumitik pa sa may harapan ng mukha ko. Napaigtad naman ako bigla at natauhan sa ginawa nya. "Kanina kapa tulala dyan. Iniisip mo parin ba sya? Hahahaha. Aroy. True love na this." Sabi nya at kiniliti naman nya ako sa may kaliwa kong beywang. Natawa naman ako sa ginawa nya.

Nandito kami ngayon sa may tapat ng mall at nakaupo sa may labas at pinapanood ang sobrang ganda at makukulay na fountains. Isabay mo pa iying dalawang robit man dito na mas nakapagpaengganyo sa mga tao dito.

8:30 na at pinauna na naming pauwiin sila Matthew, kami ni Jenina ay nagstay pa dito sa may mall dahil magkalapit lang kami ng tinitirhan at sabay na kaming uuwi.

Naalala ko nga iyong sinabi ni Matthew kay Jenina kanina sa may tricycle bago kami bumaba dito sa may mall.

*flashback*

Nandito kami ngayon sa may tricycle ni Matthew at Jenina.

"Jenina, sabay kayong umuwi ha? Wag kayong masyado magpagabi." Sabi pa nyang seryoso kay Jenina.

"Yes ho. Paulit ulit. Kanina pansinasabi ay."

Napakamot naman sa ulo nya si Matthew at natawa ako. "Eh baka kasi mapano pa kayo nyan. Sabi ng ihahatid na namin kayo nila Gwerol pero ayaw nyo, anong trip nyo aber?" Sabi nya.

"Eh maghahanap pa kaming papa ni Jenina." Sabi ko at sinamaan naman nya ako ng tingin. Tinawanan naman kami ni Jenina. "Biro lang. Magpapahangin lang kami ni Jenina."

"Magpapahangin? Eh pwede naman sa terrace nyo o sa tapat ng electri --" Itinuro ko yung point finger ko sa bibig nya ng tumahimik sya.

"Okay kalma. Hindi naman kami mapapano eh." Sabi ko at binigyan sya ng ngiting nakapagpakalma sa kanya.

"Manong dito nalang po kami." Sabi ni Jenina sa driver.

"Oy sigurado ba kayo?" Ayan nanaman po si Matthew oh.

"Oyes, lakarin nalang namin papuntang fountain." Sabi ni Jenina at bumaba na.

"Jenina, ingatan mo si Zoe ah. Oy Zoe magcharge at magtext ka kaagad pagkauwi mo ha? Pinag-aalala mo akong babae ka. Ingat kayo!" Sabi nya.

Hindi ko alam kung ano iyong irereact. Grabe. Ang lakas ng tunog ng drum and lyre ng puso ko ngayon.

*end of flashback*

"Hindi naman siguro masama kung mahulog na ako ng tuluyan sa kanya dba?" Nasabi ko nalang sa kawalan.

"Uhmm? Kay Matthew? Mabait iyon si Matthew." Masigla nyang sabi. Tahimik lang ako at hinihintay kong ipagpatuloy ang suaunod nyang sasabihin. Out of curiousity ay napatingin nalang ako sa kanya. "Alam mo ba..." Sabi nya.

"Hindi, hindi ko pa alam." Sabi ko. Pamimilosopo ko.

Sinamaan naman nya ako ng tingin. Nagpeace sign naman ako at tumawa. "Hahahaha. Sige continue." Sabi ko.

"Si Matthew napakabait nyan, lalong lalo na sa mga babae. Oh, wag magselos kaagad." Pahabol nya. Natawa naman at natapik sya sa kanang braso nya. "Ayaw nyang may nahihirapan o nasasaktang babae. Kapag kailangan ng kausap ng kaibigan nya, nandyan kaagad sya at handang makinig. Pakiramdam nya lahat ng babaeng malalapit sa kanya at kaibigan nya ay kapatid na turing nya. So paano pa kaya ikaw na mahal nya dba?" Sabi nya sa akin ng nakangiti.

Napangiti nalang din ako sa sinabi nya. Oo nga naman, paano pa kaya iyong babae na mahal nya? Edi sobrang alaga nya iyon. Dmn. Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko.

Ikaw Matthew, ikaw at ikaw lang ang nakakagawa sa akin ng ganito.

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon