FCBY 8

26 1 0
                                    


Song for this Chapter: Tadhana

×××

Nandito kami ngayon sa may isang park na ngayon ko lang napuntahan.

Malayo layo rin kasi yung lugar na ito at mataas yung lugar nya.

"Refreshing naman dito kuya! Papaano nyo ito nalaman?" Pagtatanong ko kala kuya Ian.

"Eh paano kasi minsan daw napadpad sila O'neal dito kasama yung girlfriend nya! Hahahahahaha!" Pang-aasar ni kuya Ian.

"Uy baliw. Kasama ko mga kaklase ko noon dito." Pangdedepensa naman ni kuya O'neal.

Konti lang yung mga tao ngayon. Grabe ang saya dito, talagang hahanginin yung buhok mo.

"Tara maglatag na tayo." Sabi ni Maricris at nilabas na yung mga banig sa isang bag.

Tinulungan naman sya nila kuya habang ako naman ay pasan pasan ko sa likuran ko si Cadee at nag-aala darna sya. Ang saya talaga pag kadugo mo nakakapagpasaya saiyo.

Madaming magagandang halaman dito kaya naman ibinaba ko si Cadee at namitas ako ng isang kulay pink na bulaklak, chrysanthemum yata ito tapos inilagay ko sa kanang tainga ni Cadee.

"Oyan, perfect!" Sabi ko kay Cadee habang nakangiti.

"Salamat ate!" Then kiniss nya naman ako sa kaliwang pisngi ko.

"Always welcome Cadee." Sabi ko then pinasan ko sya ulit at bumalik na kami kala kuya na naihandan na yung mga ilalatag at pagkain.

Nagpicture picture naman na kami hanggang sa tanaw na tanaw mo na pala yung sunset dito.

"Wow, it's beautiful." Manghang mangha si Cadee sa nakita nya. Pumapalakpak pa sya habang nasa kandungan sya ni kuya Fred.

Natawa naman kami sa expression na ibinigay ni Cadee habang pinapanood yung sunset.

"Bakit nga pala kayo nag-aya ng ganito kuya?" Pagtatanong ko kala kuya Dex.

"Eh kasi naman, sa isang araw pasukan na nating lahat. Nagkasabay sabay. So ayun, baka matagalan pa ulit bago tayo makapagbonding." Sabi nya.

"Aw, so sweet." Sabi ko at binack hug ko si kuya Dex.

"Alam nyo mga kuya, kapag kayo nagmahal. Dapat isa lang." Panimula ko. Hahahaha. Akala nila sila lang ang pwedeng magbigay ng words of wisdom?

"Oo nga mga kuya, dapat wala sa vocabulary nyo ang timer." Pinangalawahan naman ni Mayeng. Good! HAHAHAHAHA.

"Kasi mga kuya, kapag nakasakit kayo ng mga babae, isipin nyo nalang sila tita. Sila mama nyo, babae rin sila. Gusto nyo ba nakikita silang nasasaktan?" Pagtatanong ni Maricris.

"Hindi syempre." Sabay sabay nilang sagot at iling.

"Kami din mga kuya, babae rin kami. Ano nalang mararamdaman nyo pag nakita nyo kaming nasasaktan?" Pagtatanong ko naman.

"Syempre masasaktan din kami at papatayin namin mananakit sainyo." Sabi ni kuya Kit at sumubo ng Ruffles

"Odba? Ganyan din yung sasabihin ng mga kuya ng mga babaeng masasaktan nyo. So dapat be good." Sabi ko.

Ginulo naman ni kuya O'neal yung buhok ko. "Ikaw talaga, kabata bata ang daming alam. Oh nganga kana lang." Sabi nya at sinubuan naman nya ako ng spaghetti.

Sana ganyan yung lahat ng mga lalake. Mababait at sweet. Kaso hindi eh. Nyay.

...

Nagising nalang kami sa tawa ni Cadee habang nakikipaglaro kay kuya Fred. Mukhang silang dalawa lang ang hindi nakatulog sa aming lahat ha. Nakatulog na pala kami dito sa may park.

"Uy ang galing nung mga ilaw oh. Look." Sabi pa ni Mayeng at luminga linga.

"Yeah right, it's almost 7:30 narin kadi kaya binuksan na nila yan. Well 24 hours ito so no problem kung hanggang anong oras tayo abutan dito." Sabi pa ni kuya Dex at nag-inat inat pa na kakagising lang din.

May isang pavillion dito sa may park di kalayuan, doon pupwede kang magrent ng iba't ibang kagamitan. Gaya nalang ng ihawan, tent at marami pang iba.

"So mga kuya, anong kakainin natin para sa hapunan?" I asked

Tumayo naman na si kuya O'neal at lumapit sa may ihawan. "Oh, I guess mag-inihaw nalang tayo ng liempo. Sagot naman nya.

Tumango nalang ako at pinonytail ko nalang ang wavy kong buhok.

After ilang minuto rin na pakikipaglaro naming pagpipinsan kay Cadee ay nailuto narin ni kuya O'neal ang liempo.

"Guys! Tara na. Kain na tayooo." Malakas at masigla nyang sabi.

Pumwesto naman na kami sa pinaglatagan namin at inayos na yung mga plato.

"Zoe, pakitimpla muna yung juice, sasamahan ko na muna si Cadee. Call of nature. Hahahahaha.." Utos ni Maricris sa akin at sinamahan narin sya ni Mayeng.

"Orayt, bilisan nyo lang ha. Ingat!" Sagot ko pabalik.

Kinuha ko naman na yung pitcher na may tubig na at nanguha ng yelo sa may cooler. At inihalo ko na yung four seasons na juice na nakapack na binili ko kanina sa may ministop.

Uhmmm, speaking. Hays.

"Okay ka lang ba dyan baby girl?" Sabi ni Kuya O'neal at ginulo nya yung buhok ko. Tinampal ko naman yung kanang kamay nya na pinanggulo sa buhok ko.

"Eto kamo, ang dalas dalas guuhin yung buhok ko. Gusto mo bang guntingin ko buhok mo ha?" Sabi ko at pinanlisikan sya ng mga mata.

"Chill chill! Hahahahaha." Sabi nya at itinaas pa yung dalawang kamay nya na parang suko na sya. "Sunget naman ano? May dalaw ba?" Pang-aasar pa nya.

"Anong dalawa pinagsasasabi mo dyan. Tsupe ka nga, puntahan mo muna sila Mayeng at baka mapano pa mga yon." Sabi ko at pinagtulakan naman sya palayo at hinalo halo ko nalang yung juice sa pitcher.

"You know Zoe, yung mga tao sa paligid mo ay parang iyang monthly period nyo lang na mga babae yan eh... Darating tapos mawawala. Pero darating ulit kaso mawawala nanaman. So don't think too much about him." He said then humalakhak pa sya at umalis na.

Sa kakaisip ko sa sinabi ni kuya O'neal at sa kakahalo ko dito sa may juice ay hindi ko namalayan na natatapon ko na pala juice sa sobrang kakahalo at kakaisip dito.

Whatta life? Papaano nya nalaman iyon?

Faultlessly Captivated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon