Alisha's POV
Ikatlong araw na namin dito sa beach resort at masasabi kong naging masaya naman ang page-stay ko dito. Oo ako lang. Kasi naman yong kasama ko e subsob lagi sa trabaho kaya hindi niya nae-enjoy ang magandang tanawin dito pero balak kong ayain siyang mamasyal dito para kahit papano naman ay maenjoy niya ang page-stay niya dito hindi yong puro trabaho nalang siya.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakaharap sa laptop ko habang nakikipag video call sa kaibigan ko na si Shara. She's my bestfriend since i'm in grades school and close din ang family niya sa family ko.
"So ano na beshie kamusta naman ang honeymoon niyo ng husband mo? Ano masarap ba? Malaki?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya at feeling ko para ng kamatis sa pula ang buong mukha ko.
"A-ano ka ba Shara, h-hindi no wala kaming ginawang ganyan. Ikaw talaga ang dumi ng utak mo." Inis na sabi ko para matabunan ang hiyang nararamdaman ko.
"Kung wala naman kayong ginawa e bakit ka namumula at bakit ka nauugal aber? Sabihin mo na kasi ang totoo. Ako lang to besh kaya wag ka ng mahiya." Nanunuksong sabi niya at inirapan ko lang ang gaga.
"Shut up ok and how many times do i have to tell you na wala ngang nangyare okay? As in wala." Pinal na sabi ko pero tinawanan lang ako ng lokaloka kong kaibigan.
"Owkay sabi mo eh. By the way beshie pagbalik mo dito sa manila let's shopping. Luma na kasi ang mga dresses ko sa closet ko e i want new naman." Naiiling nalang akong sumagot ng oo dahil hobby niya na ata na palitan ang mga damit niya sa closet niya every month. Rich kid e. Rich din naman ako pero i'm not obsess naman sa mga dresses no and for me its just a waste of time and money. Like duh? Pwede pa namang gamitin yong mga damit niya sa closet pero after a month e pinamimigay niya na yon sa mga maid or pinan donate na sa mga nangangailangan. How generous of her diba?
Tumagal pa kami ng kalahating oras sa pag-uusap bago namin tinapos ang video call. Papatayin ko na sana ang laptop ko ng may mag pop up na email so i checked it at nakita kong si Linda pala ang nag email sakin. Linda is my secretary in my small business which is a fine dine in restaurant.
Inemail lang niya sakin ang updates about sa mga stocks na naubos na at kailangan na naman naming bumili ng bago and syempre the income day by day.
Kahit naman wala ako sa restaurant ko i know na kayang-kaya yong i handle pansamantala ni Linda. She's one of my trusted employee and a friend na din kaya kampante ako kahit na wala ako don ay magiging maayos ang business ko.
Tok!Tok!Tok!
"Pasok." Sabi ko at pinatay ang laptop dahil tapos ko na ding binasa ang email ni Linda.
Bumukas ang pinto at pumasok si manang Rosa. Siya ang mayordoma at care taker ng bahay na ito. Meron pa siyang dalawang maid na kasama pero umuuwi din naman. Hindi sila stay in na katulong since pang vacation lang naman ang bahay na ito. Nililinisan lang nila ito as their job.
"Hija pasensiya na sa abala pero pinapatawag ka ng asawa mo. Nasa sala siya." Tumango naman ako at sinabing susunod nalang. Pagkalabas niya ay nilagay ko na ang laptop ko sa side table ng kama at lumabas ng kwarto para pumunta sa sala.
I saw Axel in the sala at nakaharap na naman ito sa kanyang pinakamamahal na laptop. Umupo ako sa kaharap niyang couch.
"Pinatawag mo ra ako?" Tanong ko at kumuha ng sandwich sa glass table na nasa pagitan namin.
"Ah yes. I just want to tell you that we're headed back to manila tomorrow. There's an emergency in my company and i need to fix it as soon as posible." Malamig na sabi niya without looking at me. Tumango tango naman ako dahil pabor na din sakin yon since i miss my restaurant na din.
"Ok. It's fine with me but before we go back can i make a wish?" Naka ngiting sabi ko at nagpa cute sakanya hehe.. sana umubra kahit napaka imposible.
"Spill it."
"Let's have some fun before we'll go." Sabi ko na siyang kinakunot noo niya at tumingin sakin. "What do you mean?" Bumuntong hininga naman ako bago sumagot. "What i mean is mamasyal muna tayong dalawa at maglakad lakad. Sa tagal nating nandito hindi pa kita nakitang lumabas ng bahay. I want you to enjoy yourself bago tayo umalis."
"I don't have time for that. I'm busy." Cold parin na sabi niya. I pout my lips at lumipat ng upo sa tabi niya. Malaki kasi ang couch na inuupuan niya saka hinawakan siya sa matipunong braso niya. "Sige na kasi pumayag ka na. Sige ka isusumbong kita kay mama Zyrine na pinapabayaan mo ko." Pangungulit ko dito habang yinuyugyug ang braso niya. Tinignan naman ako nito ng masama pero hindi ako nagpatinag.
Matira na ang matibay pero hindi ako magpapatalo. I will make sure na ako ang mananalo!
"Stop your childish act stupid and let go of my arm if you don't want to be punish." Mas lalo ko naman siyang kinulit kahit na nakaramdam na ko ng kaba sa sinabi niya. He's voice was cold as Ice at ganon din ang facial expression niya.
"NO! I won't let you go unless pumayag ka sa gusto ko." Matigas na sabi ko. Nakita ko naman ang pag iling niya at bumuntong hininga at ang sunod niyang sinabi ang siyang nagpangiti sakin ng tagumpay.
"Fine. Let's tour around before we'll leave."
BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...