Chapter 31

1.2K 21 0
                                    

Alisha's POV

Tulala pa rin ako hanggang ngayon sa sinabi ng babaeng yon.

She's Axel's ex girlfriend pero ex lang naman na diba at wala naman sigurong comeback na magaganap between them kasi pano naman kami ni baby kung iiwan kami ng daddy niya.

"Oy Lish, tulala ka dyan." Nabalik ako sa reyalidad ng sikuhin ako ni Linda at ngayon ko lang napansin na nandito pala kami sa may sala ng cottage at kasama din naman ang mga pinsang babae ni Axel."Are you ok ate Lisha?" Tanong ni Alexa na may pag-aalala sakanyang mga mata.

"Ahh.. ayos lang naman ako may iniisip lang." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Ayoko naman kasing pag-alalahin sila e.

"Ano ba kasi ang sinabi sayo ng leech na yon? Kasi simula nong bulongan ka niya kanina e hindi ka na makausap ng matino dahil natulala kana." Sabi naman ni Zein na may nagdududang tingin.

"No. She didn't say anything naman she just said that it's nice meeting me daw." I lied at umiwas ng tingin. Alam kong nahalata nila yon kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Don't lie to us Alisha. Tell us ano bang sinabi ng malanding yon sayo at natulala ka?" May diing tanong ni Georgina kaya wala na kong nagawa kundi ang sabihin ang totoo.

I know that it's not a big deal after all that she's Axel's ex pero ewan ko ba at ang laki ng epekto non sakin lalo na sa sinabi niyang babawiin niya ang kanya. I'm not that stupid para hindi malaman kung anong kanya ba ang tinutukoy niya.

It's Axel for sure.

"She said that she's Axel's ex girlfriend and..." Nag-aalinlangan pa ko kung sasabihin ko ba ang huling sinabi niya o wag nalang pero pinandilatan naman nila ko ng mata kaya wala na kong nagawa. "And she said that she's taking back Axel.."

Gulat naman akong napatingin ng malakas na hinampas ni Georgina ang table sa gitna namin at napatayo.

"What? She really said that? Woah she's really a b*tch a leech. She's just an ex at wala na siyang karapatan sa pinsan namin. How desperate is she to tell you that na asawa mismo ni Gray." Galit na sabi nito. Buti nalang at kami kami lang ang nandito kaya walang nakakarinig sa pinag-uusapan namin.

"Kaya pala nong unang kita ko palang sa babaeng yon ay iba na ang kutob ko, may binabalak pala na sirain ang relasyon niyo." Sabi naman ni Linda sa tabi ko.

"Your the legal wife ate Lisha and don't let that b*tch ruin your relationship." Dagdag naman ni Alexa.

"Yeah, Alexa is right. Don't worry we're on your back." Napangiti ako sa mga sinasabi nila. I know that this is the first time that we talk like this pero ang gaan agad ng loob ko sakanila like matagal na kaming mag kakilala.

"Uhm favor ko lang sana.. na sana atin atin nalang ito. Ayokong masira ang birthday ni Axel just because of this." Sabi ko at tinignan sila isa-isa at maya maya pa'y napa buntong hininga rin.

"Hay your such an angel talaga Alisha and hindi nagkamali si Gray sa pagpapakasal sayo." Ngumiti lang ako hanggang sa iniba ko na ang topic like kung anong mga pinagkaka abalahan nila sa buhay hanggang sa hindi na naming namalayan at 5 na pala ng hapon and everyone is preparing for the celebration.

Hinahanap ko naman si Axel sa buong cottage at ng hindi ko makita ay lumabas ako dahil baka naglakad lakad yon hanggang sa makarating ako sa likod ng cottage medyo magubat na ang parte dito.

Nakita ko naman siya na nakasandal sa isang puno at nakacross arm kaya lalapitan ko na sana ito ng nakita ko na hindi pala siya nag-iisa at kasama niya si Camille kaya mabilis akong nagtago sa may pader para hindi nila ko makita.

"Babe why don't you just admit that your still inlove with me. Nandito naman na ko o and we can start a new." Parang may matulis na bagay ang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi ni Camille at natatakot din ako sa kung anong pwedeng isagot ni Axel.

"Your the one who broke me, your the one who left and now your back claiming that i still love you? We're already done since your left me, i beg you that time to stay but you choose your career over me. Bakit ka pa nga ba bumalik Camille? Para sirain ang relasyon namin ng asawa ko ha?" Nalungkot naman ako sa narinig mula kay Axel.

She beg this woman before para lang hindi siya nito ewan, so he really love this woman before.. o noon nga lang ba o hanggang ngayon mahal niya pa rin ito?

"It's already in the past Axel, why can't we just move on. Nandito naman na ko at pwede tayong mag simula ulit. Please babe ako nalang ulit.." nagmamaka-awang sabi ni Camille at ang mas ikinagulat ko ay ang biglaan niyang paghalik sa asawa ko.

Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Umaasa akong itutulak siya ni Axel pero.. pero hindi niya ginawa sa halip hinapit niya pa si Camille sa bewang at pinagpalit ang pwesto nila kaya si Camille na ngayon ang nakasandal sa puno.

Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko ay umalis na ko sa lugar na yon at hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko basta ba takbo lang ako ng takbo.

Akala ko ba mahal niya ko? Akala ko ba ako lang? Pero lahat yon ay puro akala ko nalang. Ano nga ba ang laban ko sa babaeng una niyang minahal, sa babaeng unang nagpatibok ng puso niya.

Masakit isipin na baka hanggang ngayon ay mahal niya pa ang ex niya, na baka tama si Camille at ikinakaila lang niya ang damdamin niya dito dahil sa galit siya sa ginawa nito sakanya noon.

At mas lalong masakit isipin na ginamit niya lang ako para makalimutan ang ex girlfriend niya, na ginawa lang niya akong panakip butas para kalimutan ang ex niya..

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon