Alisha's POV
Nagising ako na masakit ang ulo ko na parang pinukpok ng matigas na bagay e wala naman akong ginawa kundi ang kumain pero ganito na ang pakiramdam ko.
Bumangon ako at tinignan ang wall clock at nakitang umaga na pala.
Don't tell me na ganon kahaba ang naging tulog ko at talaga namang isang buong araw akong natulog? Aish ano bang nangyayare sakin?
Pinagsawalang bahala ko nalang ang sakit ng ulo ko dahil baka maya maya pa ay maalis din ito. Pumasok nalang ako sa banyo at ginawa ang mga dapat kong gawin.
A few moments later ay natapos din ako at lumabas na ko sa nagbihis. Just a simple dress lang naman and sandal kasi balak kong lumabas ngayon dahil nagc-crave ako sa pagkain na hindi ko matukoy kung ano and ngayon lang naman itong cravings ko kaya pagbigyan na natin.
After kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ko ng kwarto at nakita ko si Kaious na akmang kakatok kasi nakataas pa ang kamay niya.
"Where are you going?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.
"Lalabas. May gusto kasi akong bilhin na pagkain e." Sagot ko at sinara na ang pinto saka naglakad na habang nakasunod naman sakin si Kaious.
"Did your husband know this? Why don't you just tell one of our men to buy that food of yours ng hindi ka na lumabas pa." Suggest nito pero inilingan ko lang.
"No need saka pano ko naman iuutos sakanila e ni ako nga hindi ko alam kung anong pagkain ang gusto ko kaya gusto kong ako nalang ang bumili para makapili na din ako." Sagot ko.
"E nakapag-paalam kana ba sa asawa mo? Baka magwala yon pag nalaman niyang lumabas ka ng bahay and you know his background Alisha and your not its not safe to you na magga-gala pa."
Tumigil naman ako sa paglalakad at humarap sakanya.
"Relax Kaious. I know what kind of a man my husband is and don't worry magpapaalam naman ako at isa pa nandyan ka naman to protect me diba kaya wag ka ng umangal gutom na kami ni baby." Naiinis na sabi ko.
Since kasi ng magbuntis ako ay naging mainitin na din ang ulo ko hindi naman madalas pero nagiging maiksi na ang pasensiya ko.
Wala naman siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga at sumunod nalang sakin. Ngiting tagumpay naman akong bumaba.
Pagkababa ko ay siya namang salubong sakin ni Axel at agad na yumakap sakin.
"Good morning wife." Aniya at hinalikan ako sa noo at labi. "And to you my baby." Sabi niya saka yumuko at hinalikan ang tyan ko na may umbok na din.
Natawa nalang ako sa kasweet-an niya.
"Husband aalis nga pala ko." Sabi ko. Agad naman siyang tumingala sakin dahil nakayuko parin siya sa tyan ko.
"And where are you going?" Kunot noong tanong niya. Hinaplos ko naman ng kamay ko ang noo niya saka minasahe para alisin ang pagkaka-kunot noo nito.
"Hmm bibili lang ng makakain." Tipid na sagot ko habang patuloy sa aking ginagawa.
"No! I won't allow you. Baka mapahamak lang kayo ng anak natin." Napanguso naman ako sa sinabi niya.
"Eh gutom kami ng anak mo! Don't tell me hindi mo kami papakainin." Nakangusong sabi ko at kulang nalang ay umiyak ako dahil sa sobrang inis.
"Of course not wife. I won't do that but please listen to me, it's not safe at this time for you to go. But if you want i will cook for you and to our little angel." Nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi niya. Ang tagal na din kasi mula ng huli kong natikman ang luto niya.
"Sure! Sure! Pero sarapan mo ah." Excited na sabi ko at ako na mismo ang humila sakanya papasok ng kusina.
Pagkapasok namin ay wala kaming nadatnan. Nasan naman kaya sina Nana Sonya? E kanina ko pa sila hindi nakikita sa paligid.
"Husband where's Nana Sonya and the two?" Tukoy ko kina Mila at Maya na hindi ko rin nakikita.
"They're on vacation." Napatango naman ako sa sinabi niya at hindi na nagsalita pa.
Pumunta naman siya sa fridge para siguro ilabas ang main ingredients sa lulutuin niya habang ako ay naka-upo lang at nakapangalumbabang nakatingin sa mga bawat galaw niya.
"What do you want to eat, wife?" Tanong nito habang abala sa paglabas ng mga sangkap sa lulutuin niya.
"Ikaw ng bahala basta pa masarap ayos na sakin. Hindi naman kasi mapili sa pagkain si baby e." Sagot ko.
Tumango naman ito at nagsimula ng maghiwa ng mga rekados sa lulutuin niya.
Isang oras at tatlumpung minuto bago natapos sa pagluluto si Axel at kung tatanungin niyo kung bakit matagal siyang nagluto, kasi naman hindi lang isang putahe ang niluto niya kundi nasa limang putahe yon.
"Here it is wife." Sabi niya at inilapag sa mesa ang mga niluto niya.
Chicken curry, fruit salad, carbonara, pork adobo at spaghetti. Yan lang naman ang mga niluto niyang foods at sa amoy palang ay nakakapanglaway na kaya hindi ko na siya hinintay na maka-upo at agad ko ng nilantakan ang pagkaing nasa harap ko.
Una kong sinandok ang pork adobo at sumandok na din ng kanin saka agad na kinain. Napangiti naman ako dahil sa lasa nito. Sobrang sarap.. sana pala kinuha kong cook itong si Axel sa restaurant ko kasi ang sarap niyang magluto parang siya hehehe..
"Make it slowly wife at baka mabulunan ka saka hindi tatakbo ang mga yan." Natatawang sabi ni Axel at umupo sa kaharap kong upuan.
"Paki mo ba e ang sarap ng luto mo e." Parang batang sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Tumawa lang ng mahina si Axel at hindi na nagsalita kaya naman tinuon ko nalang sa pagkain ang attensyon ko
Yum.. yumm.. yumm.. ang sarap hehe.
BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...