Alisha's POV
30 minutes lang naman ang itinagal ng paghihintay namin sa labas at nag sidatingan na ang mga kamag-anak nila na sakay ng iba't-ibang sasakyan. Tatlong Van ang sunod sunod na dumating at huminto sa harap namin.
Nagsibabaan naman ang mga sakay at kanya kanyang bati sila kina mama at papa at maging samin na din.
Some of them are familiar kasi i saw them in our wedding but some of them are not familiar dahil may mga hindi nakadalo sa wedding namin sa kadahilanang may iba't-ibang pinagkakaabalahan ang mga ito but they send their congratulation to us via video call.
"I'm glad na nakarating kayo despite of being a busy person." Sabi ni papa at nakipagkamay sa mga kaedaran lang din niya.
"Aba syempre naman dadating talaga kami. Hindi namin pwedeng malapampas ang 24th birthday ng pamangkin ko." Sagot nito at sabay silang natawa ni papa.
"Zyrine, ito na ba ang daughter in law mo?" Tanong ng isang babae na matanda ata ng ilang taon kay mama. Tumingin naman sakin si mama at ngumiti saka ako inakay palapit don sa babaeng nagtanong.
"Yup! She's Alisha Mae my son's wife. She's pretty right?" Nahiya naman ako ng konti kasi ang OA kasi ni mama. Kailangan ba talagang i complement niya pa ang prettyness ko?
"Aba syempre naman Zy, mukhang magiging maganda at gwapo ang magiging anak nila ni Gray." Napa tawa nalang ako sa sinabi nito dahil maging sina Mila ay ganyan na ganyan din ang sinabi.
"By the way hija, let me introduce you my older sister, Zaina Cooper with her husband Archie Cooper." Pagpapakilala niya at tumabi naman kay tita Zaina ang asawa niyang si tito Archie. "And they're with their daughter who's name is Zein and they're son Arcane." I just waved my hand to them at ngumiti naman ang mga ito. Mukang mabait naman e at hindi maattitude.
"And this is my younger brother, Gregorio Kratus with his wife, Rhian Kratus and they're daughter Georgina Kratus." Turo nito sa isang side kung nasan ang pamilyang Maxwell.
Tatlo palang magkakapatid sina Mama base na din sa pagpapakilala niya at ngayon naman it's papa's turn to introduce his siblings. Yeah, mga kapatid nila ang bisita namin ngayon as in walang halo maliban nalang pala kay kuya Samuel na huling dumating dahil inasikaso pa nito ang bar niya.
"This is my younger brother, Alixto Carter with his wife Lianne Carter and to they're son Calisto Carter. And this one naman ay ang bunsong kapatid namin na si Zander Carter at ang asawa niyang si Angel Carter kasama ang mga anak nilang sina Mason, Alexa at Xander." Napatango naman ako kasi ang laking pamilya naman nila.
"Hi! I'm Alisha Mae." Nakangiting pakilala ko na sinuklian naman nila ng ngiti.
"We already know you, Alisha kasi sa tuwing nakaka-usap namin yang asawa mo e lagi kang bukambibig." Napatawa lang ako dahil dinig ko ang maktol ni Axel.
"O siya let's go insi--" Hindi na naituloy ni papa ang sasabihin ng may isang chopper ang lumanding sa harap namin.
Ha? Sino naman kaya to? May iba pa bang kamag-anak nina Axel ang dadarating? Pero sabi nila kotse ang ginamit ng mga kamag-anak nila at walang gumamit ng chopper so ano ito?
Walang nagsalita samin at hinihintay nalang na bumaba ang sakay ng chopper.
"Tita Zy meron pa po ba kayong ibang bisita?" Dinig kong tanong ni Alexa.
"Wala. Wala na kasi kayo kayo lang naman ang inimbitahan namin well maliban nalang kung kayo ang nag imbita sa taong to."
"Luh tita naman. Wala na kaming ibang inimbita since sabi niyo it's just a family bonding, kayo ba guys did you invite someone?" Sabay sabay kaming umiling sa sinabi ni Zein.
"Let's just wait kung sino ang bababa." Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Georgina at hinintay nga namin kung sino ang bababa.
We saw a girl wearing her fitted black dress na talaga namang hapit na hapit sa katawan ang suot na damit at may suot din itong killer heels at may dala na gucci bag with a shade on her eyes.
Kasunod nito ang isa pang babae na naka crop top at jeans at may channel bag din itong dala, suot nito ang isang 3 inch na sandal ata at katulad nong unang babaeng bumaba ay may suot suot din itong shades.
Hindi ko ipagkakaila na may mga itsura sila at makikinis na balat pero sino sila?
Dinig ko naman ang pagsinghap ng lahat habang ako eto at clueless. E sa hindi ko naman talaga kilala ang mga babaeng to e.
"C-Camille.." mahinang sabi ni mama kaya nagtataka akong napatingin dito. Namutla kasi si mama habang nakatingin don sa huling babaeng bumaba.
"Hay tita, it's been awhile since we last saw each other. How are you?" Maarteng sabi nong tinawag ni mama na Camille.
"What are you doing here b*tch? Your not even invited here." Galit namang sabi ni Georgina.
Yong totoo? Ano ba talagang meron dito at bakit lahat sila parang ang lalim ng galit nila sa babaeng to tapos si mama ay namumutla pa. Seriously? Can someone tell me what the hell is happening?!!
"Ow sorry but i'm not a b*tch and ano naman kung hindi kami invited duh we can invite ourself naman." Sabi nito at umirap kay Georgina. Susugod na sana ito ng pigilan siya ni Alexa.
"Stop it Gina, wag mong ibaba ang level mo sakanya." Huh? Bat naman nasali ang level dito? Argh ang hirap talagang maging clueless!
"Wow! We're so fluttered because you welcome us at talagang hinintay niyo pa kaming bumaba sa chopper. Oh how sweet of you and oh! My dear Kaious your also here! Ang sweet mo naman." Sabi nong isang babae na kasama ni Camille at kagat labing tumingin kay Kaious kaya napabaling ang paningin ko dito.
Wala manlang kaemo-emosyon ang mukha ni Kaious at para bang walang interest ito sa kaharap.
"Hahaha i pity you Nina, after all those years na paghabol habol mo kay Kaious ay hindi kaparin niya mapansin pansin. Why don't you just move on nalang kasi your just hurting yourself you know." Pang aasar ni Zein dito at umusok naman ang ilong nito sa galit.
"Calm down Nina. We're not here to have a fight with them." Sabi ni Camille at maarteng naglakad patungo sa direksyon namin-- oh no sa direksyon pala ni Axel na ngayon ay bagot na nakatingin sakanya. "Don't look at me like that babe. I just want to be with you lang naman on your birthday. Masama ba?" Sabi nito at nagpout pa pero ano daw babe?
"Your not welcome here Camille so get out of here before i call my men to drag you out of this Island." Cold na sabi ng asawa ko pero hindi parin nagpaawat ito at nilibot ang paningin hanggang sa dumapo ito sakin. "You must be Alisha, Axel's wife?" Anito at waka sa sarili akong tumango dahil nagtataka talaga ko kung sino ba ang babaeng to.
Hindi ko na nga namalayan na naka lapit na pala ito sakin at may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
"Hi! My name is Camille Garcia," anito at nilahad ang kamay niya sakin at bilang isa akong mabait na nilalang ay tinanggap ko ito. Ngumiti naman ito at nilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong na ikinatulos ko sa kinatatayuan ko. "I'm Axel's ex girlfriend and i'm here to take back what's mine.."
BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...