Alisha's POV
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay kanya kanya ng pasok sa mga guestroom ang tatlo at sigurado akong maliligo ang mga yon. Hahaha nakakatawa nga e at parang nagmamadali sila.
Hindi na ko nagtanong kung bakit dito sila maliligo kung may mga bahay naman sila kasi naman parang bulang naglaho sa paningin ko ang tatlong yon.
Umakyat na din ako at pumasok sa kwarto ko para magbihis ng pambahay. After that ay kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko si lolo. Simula kasi nong umalis siya at pumunta ng paris ay hindi na kami nakapag usap kahit sa cellphone man lang.
Ilang ring palang ay may sumagot na sa tawag.
"Hello lolo?" Nakangiting pambungad ko. Namiss ko na din kasi si lolo.
[ "O Alisha bakit ka napatawag? Ayos ka lang naman ba dyan? Wala naman bang problema?" ]
Nakangiting napailing-iling nalang ako kahit hindi niya nakikita kasi naman ang OA lang ng reaction niya hahaha..
"Relax ka lang lolo tumawag lang po ako para kamustahin kayo e ang tagal na nong huli tayong nagka-usap. So kamusta ka na po ba dyan?"
[ "Ayos lang naman ako dito hija at hindi ko naman pinapabayaan ang kalusugan ko kasi alam kong magagalit ang nag-iisang prinsesa ko." ]
"Hahaha i'm glad to hear that lolo. Kailan ka po ba uuwi dito? I already miss you."
[ "I don't know when i can go back there dahil marami rami pa kong dapat na ayusin sa kompanya natin dito. Panatag naman ang loob ko dahil nandyan ang asawa mo at alam kong hindi ka niya pababayaan." ]
"Ok. Just let me know kung babalik kana lo para naman masundo kita sa airport."
[ "Don't bother yourself hija and just enjoy your life there. O pano ibababa ko na itong tawag at babalik na ko sa trabaho." ]
"Ok but don't stress yourself that much. I love you lolo and babye!" Ako na ang unang pumatay ng tawag at inilagay na ang phone ko sa kama saka ko lumabas ng kwarto at bumaba.
Naabutan ko naman yong tatlo sa may sala at nanonood ng telebisyon while eating popcorn.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko ng makalapit sa mga ito pero tuon na tuon talaga ang attensyon nila sa pinapanood ni hindi manlang ako pinansin.
Yong totoo wala bang TV sa kanila at parang ngayon lang sila nakapanood. Tss parang mga bata o mas tamang sabihin na daeg pa nila ang mga bata kung umasta.
Hindi nalang ako umimik at iniwan na sila sa sala saka pumasok sa kitchen. Nakita ko naman ang tatlong maids na nagtutulong tulong sa pagluluto.
"Ano yang niluluto niyo?" Tanong ko at lumapit sakanila para silipin ang niluluto nila. Hmm ang bango naman parang nagutom tuloy ako.
"Ikaw pala ma'am. Nagluto kasi si Nana Sonya ng corn and carrot soap, chicken curry, at pinakbet." Sagot ni Mila na siyang unang naka pansin sakin.
"Anong meron at ang dami niyo namang niluto ngayon?" Takang tanong ko kasi hindi naman namin mauubos ang tatlong putahe na yan dahil hindi naman kami masyadong makain ni Axel.
"Ay wala namang meron ma'am pero request po kasi ito ng mga kaibigan ni sir na damihan namin ang lulutuin dahil dito daw sila maghahapunan." Sagot naman ni Maya na siyang ikinatango ko.
Oo nga pala nandito pa yong tatlo. No wonder kung bakit ang daming nilang niluto kasi kung konti lang ang lulutuin nila for sure kukulangin pa yon para sa tatlong yon.
"O siya Mila, Maya ihanda niyo na ang mesa at luto na din ito." Utos ni Nana Sonya sa dalawa na agad namang sinunod ng mga ito at lumabas na ng kitchen para ihanda na ang mesa.
"Naku hija sa dinning kanalang mag antay at baka madumihan ka pa dito. Luto na din naman itong mga niluto ko." Sabi pa niya.
"It's fine Nana saka hinihintay ko pa po si Axel ang sabi kasi niya ay aagahan niya ang uwi niya ngayon para sabay kaming kumain ng dinner."
"Ay ganun ba kung ganon ihahanda nalang namin ito sa mesa para makakain na agad kayo pagkarating ng asawa mo."
"Sige po thank you." Nakangiting sabi ko at lumabas na ng kitchen. Nadaanan ko pa sina Maya at Mila na abala sa paghahanda sa mesa bago ako tuluyang nakalabas ng dinning room.
I look at my wrist watch at 5:45pm na pala at baka maya maya ay darating na si Axel.
Hindi naman ako nabigo dahil pag patak ng 6:00pm ay narinig ko na ang pagbusina sa kotse at sure akong si Axel na nga yon kaya dali dali akong lumabas para salubongin siya.
Kabababa lang niya mula sa kotse niya ng makalabas ako ng bahay. Gulo gulo pa ang kanyang buhok pero gwapo pa din. Kahit naman ata anong ayos niya e gwapo pa din siya at hindi na magbabago yon.
"Hello husband." Bati ko dito at hinalikan siya sa pisngi. Ginulo naman nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo ko.
"Your waiting for me?" I nod na parang bata at kumapit sa braso niya.
"Yes husband. Nakahanda na pala ang dinner so let's eat na and by the way nandito pa pala ang mga kaibigan mo." Madaldal na sabi ko at naglakad kami papasok.
"Is that so?" Tumango lang ulit ako at dinala na siya sa hapagkainan. Hindi ko na rin nakita ang tatlo at mukang nasa hapagkainan na din ang mga yon baka gutom na.
And yes tama nga ako dahil naka-upo na sila and ready to lamon na hehe joke lang po. Wag niyo kong isumbong sakanila hehe..
"O nandito kana pala Axel buti naman hehe.." nakangiti ng malaki na sabi ni Gail at talaga nga namang kumikislap pa ang mga mata niya habang nakatingin sa nakahandang pagkain.
Hindi naman umimik si Axel at pinag hila nalang ako ng upuan na siyang ikinangiti ko bago siya umupo.
Pagkaupong pagkaupo namin ay agad na kumuha ng pagkain sina Gail at Bryan habang si Kaious naman ay malumanay lang ang kilos. Pansin ko nga sakanilang tatlo si Kaious lang ang tahimik at hindi gaanong nagsasalita.
Silent type ba kumbaga.
Maingay ang naging dinner namin dahil sa pag-aagawan nina Bryan at Gail ng pagkain habang napapiling na lang si Kaious at parang wala lang din kay Axel ang kaingayan ng dalawa at mukhang sanay na sanay na siya. Kaibigan nga niya diba kaya talagang sanay na siya sa ugali ng mga ito.
While me? Oh well kanina pa ko natatawa sa mga pinagkakagawa nila at ganon din naman sina Maya at Mila na nakatayo sa gilid incase na may iutos kami at si Nana naiiling nalang habang may maliit na ngiti sa kanyang labi.
Ang saya pala ng ganito no? Yong marami kayong sabay sabay na kumakain tas puno ng asaran, kulitan at tawanan.
Sana ganito nalang kami palagi. Yong masaya at walang inaaalalang problema..
BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...