Chapter 4

2.3K 67 5
                                    

Alisha's POV

At dahil nga sa pumayag naman si Axel na mamasyal kami bago kami umalis ay heto kami at naglalakad na sa may tabing dagat. Hapon na din at malapit ng mag sunset at isa talaga yon sa gusto kong mapanood.

Kulang na din ang mga tao sa dagat dahil siguro karamihan sakanila ay nasa hotel na at kumakain ng dinner at may mangilan-ngilan namang mga tao ang naghahanda na para mag bonfire.

Kuha lang ako ng kuha ng pictures dahil ang ganda talaga ng view lalo pa at malapit ng mag sunset.

"Your really enjoying this ha." Natigil ako sa pagkuha ng larawan at napatingin sa katabi ko na malamig na nakatingin sakin.

"Syempre naman no. Ayokong sayangin yong chance na napunta ako dito at hindi ko manlang na enjoy ang pagstay ko dito and hello uuwi na kaya tayo bukas kaya susulitin ko na ang araw na ito." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkuha ng litrato.

Kalahating oras ang lumipas at unti unti nag mags-sunset kaya hinila ko si Axel sa may tabi na talagang magandang pwesto para panoorin ang paglubog ng araw.

"Wow! Ang ganda talaga ng sunset hehe.." natatawang sabi ko at kinunan ng picture ang sunset.

"Why did you agree to marry me?" Out of nowhere na tanong ng katabi ko. Tumingin naman ako dito at nakitang nakatitig din pala ito sakin kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko ata kaya ang makipag staring contest sakanya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "It was because of my lolo. To be honest i really don't want to get married dahil wala pa yon sa isip ko. I just want to enjoy my life as a single and i'm not ready to be in a relationship pa." Sabi ko while still looking at the sunset.

"Then why?" Tanong pa nito. Maliit na ngumiti naman ako dito. "Lolo said that we need your money to invest in our company. Sa una hindi ako naniwala na nalulugi na ang kompanya na pinapatakbo ni lolo kasi diba pano naman mangyayare yon e matik na sa larangan na yon si lolo but he show some evidences and he said that we need you para umangat ulit ang kompanyang matagal na niyang inaalagaan at pinapahalagahan kaya naman lumapit siya sa pamilya niyo." Mahabang paliwanag ko dito.

"You really love your grand father that much to think that you sacrifice your happiness and freedom." I just shook my head on what he said.

"Yeap! Si lolo Andro nalang kasi ang pamilya ko ngayon and about what your saying that i sacrifice my happiness and freedom by marrying you, i don't think so."

"Why?"

"I can be happy naman even if i'm married with you diba at hindi mo naman siguro ako pagbabawalan na maging masaya and about my freedom hindi mo naman siguro ako ikukulong like a freaking prisoner right? Kaya kahit papano ayos lang naman sakin ang ganitong set up natin." Sabi ko at napangiti sa kawalan. Hindi naman na siya umimik pero ramdam ko pa rin ang titig niya sakin.

***

"O siya mag-iingat kayo sa byahe hijo, hija at sana makabalik kayo dito." Nakangiting sabi ni manang Rosa. Ngayon na kasi ang balik namin sa manila at heto nga papasakay na kami ng kotse at si Axel ang magd-drive dahil pinahatid niya lang naman ang kotse niya dito.

"Opo manang susubukan po namin na bumalik dito kapag may oras kami." Sabi ko at pumasok na sa sasakyan. I waved my hand at pina andar na ni Axel ang sasakyan.

Uuwi kami ngayon sa bahay niya at gift pa yon samin nila mama Zy at papa Ty. Yon daw ang magiging bahay namin at regalo na daw nila sa kasal namin.

Isang oras ang naging byahe namin mula sa Tagaytay pabalik ng manila. Sa tagaytay kasi ang beach resort ng pamilyang Carter.

Nang makarating kami sa bahay ay agad na nag park ng sasakyan si Axel sa may garahe.

"I need to go to my company to fix the problem there. Go inside and take a rest." Aniya ng katabi ko. Hehe kahit papano may malasakit naman pala sakin tong lalaking to. I nod my head at bababa na sana ng may kapilyuhan akong naisip. Hehe hindi naman niya ko papatayin kapag ginawa ko to diba?

"What are you wai--" naputol ang sasabihin niya ng bigla ko siyang halikan sa pisngi. "Take care husband." Nakangiting sabi ko at dali daling pumasok sa loob ng bahay. Mahirap na at baka mapatay ako non.

Umakyat ako sa taas para maghanap ng magiging kwarto ko. Duh? Alangan namang sa iisang kwarto lang kami diba? Kahit naman mag-asawa kami for me hindi pa rin tama ang magkatabi kami sa pagtulog dahil unang una sa lahat hindi namin mahal ang isa't-isa at isa pa napilitan lang din naman kaming magpakasal.

Axel's POV

I'm here in my company, in the conference room to be exact and we're discussing about the problem pero ang isip ko ay nasa babaeng yon.

I don't know what to feel when she kiss me in my cheeks. I feel like my heart beats fast. This is not my first time feeling this because i have a girlfriend before but we broke up due to some reason.

"Sir, are you listening?" Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si mr.Chua sa unahan kung saan siya ang nagr-report sa unahan. He's reporting about the sales for this month.

"Yes. Just continue." I coldly said.

"Okay. As i was saying medyo bumaba po ang sales natin for this month dahil na din sa may mga products tayong hindi naid-deliver on time." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

"And why is that? I'll thought the delivering is doing good?"

"Uhm about po dyan sir may mga products po kasi tayo nasisira and we don't know kung pano po nangyayare because we're making sure naman na ok ang products natin." Nasira? And they don't know the reason? That's that mean that there are a traitor in my company?

"I'll be the one to handle about that matter but make sure that you'll don't do the same mistake again."

"Yes sir."

"Proceed." Tumayo naman si ms.Reyes na galing sa finance department. Siya ang head ng finance dept. Same with mr.Chua na head ng paghahandle ng mga products.

"Sir i'm sorry to say this but according to my report, nawawala ang 5 billion pesos ng kompanya at wala kaming lead kung sino ang kumuha." Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Hell! Ang tagal ko na sa larangan na ito but this is my first time na nanakawan ang kompanya ko.

How is that even possible?!

"Kailan pa? Kailan mo pa nalaman na nawawala ang ganong kalaking halaga ng pera ang kompanya?" Malamig na sabi ko pero mahihimigan mo ang galit sa boses ko.

"L-last week po sir." Damn! Napahampas ako ng malakas sa mesa na ikinagitla ng lahat ng nandito.

"And you didn't bother to tell me earlier than this? Ms.Reyes ipinagkatiwala ko sayo ang trabahong yan sa pag-aakala that you can handle that better but you just prove to me that you can't and for that your.fired." matigas na sabi ko. Maluha-luha namang tumingin siya sakin but the hell i care. "Meeting adjourned. Go back to your work." Sabi ko at lumabas na ng conference room at dumiretso sa opisina ko.

I need to fresh my mind kundi baka sa buong empleyado ko lang maibuntong ang galit ko.

I need to find the culprit dahil ang pagkasira ng ibang products at ang pagkawala ng malaking halaga ng pera ay tiyak akong iisa lang ang gumawa.

'Be ready f*ckers and once i found you, you will taste my wrath.'

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon