Chapter 25

1.4K 30 0
                                    

Alisha's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ng parents ni Axel dahil nga pinatawag nila kami. Hindi ko alam kung bakit e sa wala naman akong idea.

Nasa living room kami ngayon at mag katabi kami ni Axel sa isang sofa at magkatabi naman na naka-upo sa isa pang sofa sina mama Zy at papa Ty na kaharap lang namin

"Bakit niyo nga po pala kami pinapunta dito?" I politely asked.

"Oh dear.. wala bang nabanggit sayo ang asawa mo?" Napakunot noo naman ako sa sinabi ni mama dahil wala naman talagang nasabi o nabanggit sakin si Axel kung bakit kami narito.

"Wala po e bakit po ba?" Ramdam ko naman ang pagyakap sakin ni Axel patagilid at hindi ko naman maiwasang mamula ang mukha pano ba naman kasi nasa harap kaya namin ang mga magulang niya at may nanunukso pang tingin.

"My birthday is coming and my parents wants to have a celebration. Sorry if i didn't say it to you wife.." sabi nito at hinigpitan pa ang pagkakayapos sakin.

Hinawakan ko lang ang matitigas na braso nito at nginitian siya. I understand naman kung bakit hindi niya nasabi sakin kasi palagi kaming nasa galaan at kung nasa bahay man lagi naman kaming nanonood ng TV at wala talaga siyang time na sabihin sakin yon.

"It's ok husband." Sabi ko bago bumaling kina mama na nakangiting nakatingin samin habang magkayakap na din. Ano yon like parents like son? Argh.. "so ano pong plano niyo for his upcoming birthday and kailan po ba yon?" Tanong ko. Hindi ko kasi talaga alam ang birthday niya at kung hindi pa kami pinapunta dito nila mama at papa ay hindi ko pa malalaman.

"Hmm 1 week from now is his 24th birthday. Me and my husband has decided to celebrate it in our private island but of course we need your opinion her since your our son's wife." Paliwanag ni mama. Napatango tango naman ako.

"I like you idea naman mama and i think that would be fun if we celebrate his birthday in private which is let's just invite our family, relatives and close friends." I added na tinanguan naman nila.

"That's a good idea Alisha. So it's settled then." Nakangiting sabi naman ni papa na sinang-ayunan na naming lahat.

Pupunta kami don sa private island nila kapag 1 day before his birthday na at nag-umpisa na din kami sa paggawa ng mga invitations para sa mga iimbitahin namin.

Ang ganda nga kung sa private island nila kami pupunta para na din hindi hassle since chopper lang naman ang sasakyan namin papunta don dahil kung gagamit kami ng kotse it will take too much time before we arrive hindi tulad ng kung chopper ang gagamitin namin.. siguro 30 minutes to 1 hour lang ang magiging byahe namin.

Their private island is located in Palawan at talaga namang nae-excite na kong pumunta kami don.

DAYS passed at dalawang araw nalang at birthday na ni Axel so it's mean by tomorrow ay aalis na kami para mag punta sa private island nila.

Nandito ako ngayon sa bahay at naghahanda ng mga gamit na dadalhin namin sa isla nina Axel. He is not here ngayon dahil pumasok ito sa trabaho dahil ilang araw din siyang naka leave and for sure tambak na naman ang trabaho niya.

Ang sabi pa niya ay mago-over time na muna siya ngayon sa trabaho para wala na siyang problemahin pa bukas dahil aalis na kami and i told him to enjoy his birthday the day after tomorrow kaya naman tatapusin niya lahat ng kailangan niyang tapusin sa araw na ito.

Abala ako sa pagi-impake ng mga gamit ng pumasok si Nana Sonya at may dala itong baso ng gatas at may cookies pa.

"Nandito na pala ang pinadala mo hija." Sabi ni Nana at inilagay sa glass table ang dala niya.

"Yes po Nana ewan ko ba noon umiinom lang ako tuwing umaga at hindi ko talaga kahiligan ang uminom ng gatas sa gabi pero ngayon para akong nagc-crave na uminom niya at kumain ng cookies. You know what Nana i find myself weird this past few days. Kasi lagi akong nagugutom kahit kakatapos ko palang naman kumain tapos nakahiligan ko na ding amuyin ang asawa ko." Sabi ko at sinara na ang maleta after kong maimpake lahat ng gamit ko.

Lumapit naman sakin si Nana at tinapik tapik ako sa balikat.

"Hindi naman kaya ay buntis ka hija?" Sabi niya na may malaking ngiti ang nakaukit sakanyang mga labi.

"Po? H-hindi naman po siguro saka hindi naman po ako nakakaramdam ng morning sickness e." Kinakabahang sabi ko kasi pano kung tama si Nana at buntis talaga ko atsaka isang linggo na din akong delayed sa menstruations period ko.

"Hindi naman kasi lahat ng buntis e nakakaranas agad ng morning sickness dahil yong iba ay kagaya mo at base sa mga sinasabi mo e maaaring buntis ka nga. Hindi kapa ba nakakapagpa check up sa doctor ha?"

"Hindi po e saka wala naman po akong ideya na maaaring buntis nga ako." Sabi ko at inayos pa iba ko pang mga gamit.

"Naku hija bakit hindi mo kaya subukan na magpa check up sa doctor ng makasigurado ka." Hmm.. napaisip naman ako sa sinabi ni Nana at parang gusto ko ngang subukan pero ang hassle naman non kasi pupunta pa ko sa ospital pagka ganon uhm pano kung magpabili nalang ako kaya ako ng pregnacy test? In that way hindi na ko mapapagod na bumyahe kasi tinatamad talaga ko e.

"Sige Nana susubukan ko." I said at ngitian siya. Tumango naman ito at nagpaalam na lalabas na siya dahil may gagawin pa ito.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Linda. Ilang ring palang ay sinagot na niya ang tawag.

[ "Hello Alisha? Bakit ka napatawag?" ]

"I have favor to ask Linda. Your not busy naman diba?"

[ "Sure. What is it? Hindi naman ako masyadong busy ngayon." ]

"Good to hear that Linds. I want you to buy me a pregnacy test. Damihan mo na ah para sure." Dinig ko naman ang pagsinghap niya sa kabilang linya.

[ "OMG! ARE YOU PREGNANT?!" ]

"Errr.. lower down your voice Linds. I'm not sure pa naman if i'm pregnant kaya nga ako nagpapabili sayo ng pregnancy test." Mataray na sabi ko at umupo sa kama.

"Ok ok. Bibili na ko. I'll be there within a minute. Wait me there ok bye!" Napailing nalang ako at binaba na ang tawag.

Tumayo naman ako at ininom na ang gatas na dinala ni Nana Sonya at kinain ko na ang mga cookies. Hmm.. ang yummy talaga.

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon