Chapter 23

1.5K 33 0
                                    

Alisha's POV

Totoo ngang nag leave si Axel kaya ito at inaya kong mamasyal na sinang ayunan naman niya.

We're here in the amusement park at ilang rides na din ang nasasakyan namin. Ang saya nga e kasi napapayag ko siyang pumunta kami dito and take note napapayag ko siyang sumakay sa mga rides.

Ang dami ngang nakatingin sa gawi niya na hindi naman niya pinapansin na siyang ikinatuwa ko kasi naman isa lang ang ibig sabihin non na loyal siya sa akin hahaha.

"You know what after my parents death ngayon nalang ulit ako naka punta sa lugar na ito." Pago-open up ko sa kasama ko na naka akbay sakin.

"Why? Hindi ka ba pinayagan ng lolo mo na pumunta dito?" Tanong nito sa malamig niyang boses. Ewan ko ba pero ganito talaga siya magsalita kapag nasa public kami pero ang lambing naman niya kapag kaming dalawa lang.

"Hindi naman sa hindi ako pinapayagan ni lolo pero wala kasi akong makakasama na pumunta sa lugar na ito since he's always busy with his business." Paliwanag ko at hinila siya papunta sa nagtitinda ng cotton candy.

"Then you should enjoy this day." Nakangiti naman akong tumango tango dito at kinuha ang binili kong cotton candy saka binayaran.

"Of course and i'm not just the one who should enjoy this but you also. This is our day you know." I said as i eat the cotton candy sinubuan ko pa nga siya na hindi naman niya tinanggihan.

Masaya lang kaming nililibot ang buong park hanggang sa abutan na kami ng dilim at ito talaga ang pinaka hihintay ko kasi nga sasakay kami ng ferris wheel.

"Are you not tired? We can go home if you want." Worried na tanong nito pero gamit pa rin ang malamig niyang boses.

"I'm not tired pa husband saka one last ride nalang o, sumakay tayong ferris wheel dali!" Excited na sabi ko at hinila siya para pumila sa sakayan ng ferris wheel kaya lang ang daming nakapila e.

Nakanguso naman akong humarap sakanya at mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. Kaya naglakad siya papunta sa lalaki na siyang nag-aasikaso sa mga pila at may sinabi hindi ko na narinig dahil medyo malayo ang pwesto ko sakanila.

Ilang sandali pa ay lumapit ulit sakin si Axel at marahan akong hinila na siyang ikinataka ko naman.

"Oy san tayo pupunta kailangan nating pumila o." Nakangusong sabi ko pero hindi naman niya ko sinagot hanggang sa pinapasok na kami sa ferris wheel na ikinatuwa ko naman dahil hindi na namin kailangan pang pumila ng pagkahaba haba.

"Anong sinabi mo kay kuyang nagbabantay at pinauna na tayo?" Nagtataka kong tanong habang naka ngiting iginagala ang paningin ko sa labas kasi unti-unti ng tumataas ang ferris wheel na sinasakyan namin.

"Nothing. I just said that your pregnant and i told him na bawal sayo ang nakatayo ng matagal and he agree naman that's why pinauna na tayo."

"Oy di ko alam na lier kana pala ah at saka anong buntis tss." Naka ngusong sabi ko para matakpan ko ang pamumula ng mukha ko.

Narinig ko naman ang pagtawa niya at maya maya pa'y naramdaman ko ang dahan dahan niyang pagyakap mula sa likuran ko na ikinatulos ko sa kinatatayuan ko

Nakatayo kasi kami dahil walang upuan hindi tulad nong ibang ferris wheel na may upuan sa loob.

"W-what are you d-doing?" Nauutal na tanong ko at mas lalong namula ang mukha ko.

"Hugging my beautiful wife, why you don't like this?" Bulong niya sa tenga ko na ikinakiliti ko. Nakakakiliti kasi ang hininga niya na tumatama sa batok ko.

"H-hindi naman sa ganon.." tanging nasabi ko nalang at sumandal sa katawan niya. Ipinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko.

"I love you wife and i'll promise to protect you even if i die." Bulong nito at pinatakan ako ng halik sa pisngi.

"Hala bakit may pa even if i die ka pa ang OA naman non husband but i love you too." Nakangiting sabi ko at lumingon sakanya saka siya hinalikan sa labi. It's just a peck lang naman.

Nasa ganong posisyon lang kami hanggang sa may fireworks na biglang pumutok at isa lang ang masasabi ko, ang ganda.. iba't ibang kulay at talaga nga namang napakagandang pagmasdan.

"Are you happy?" Tanong nito na hanggang ngayon e naka back hug pa rin ito sakin.

"Of course husband. I am very much happy and thank you for bringing me here." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ang mga nagpuputokang fireworks.

"No need to say thank you wife coz your always welcome and it's my duty as your husband to make you happy and i'm glad that i succeed." Ngumiti lang ako at tinuon ang buong attensyon ko sa fireworks.

Alas-otso na kami ng maka-uwi at mukang tulog na ang mga tao sa bahay at kung tatanungin niyo naman kung nasan na ang tatlong kaibigan ni Axel ay umuwi na muna sakani-kanilang bahay at babalik nalang daw bukas ng umaga kasi nga diba they're still my bodyguards.

Hindi na din kami nang-abala sa mga maids dahil may spare key naman kami ng bahay kaya agad kaming nakapasok.

Si Axel na din ang nag lock ng pinto at ako naman ay dumiretso na sa room namin. Magkasunod lang naman kami na pumasok ng kwarto at nagbihis lang ng pantulog at humiga na sa kama.

Agad niya kong hinila at pinaunan sa braso niya. Sanay naman na ko sa ganitong style namin before we'll go to sleep. Hindi yata to nakakatulog kapag hindi ako kayakap kaya hinahayaan ko nalang beside i'm feeling comfortable naman in his arms.

"Good night husband. I love you and sweet dream." Nakapikit na usal ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. I heard him chuckled.

"Good night wife. I love you and yeah dream of me." Natatawang sabi nito bago ko naramdaman ang paghalik niya sa noo ko at tuluyan na nga kong hinila ng antok.

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon