Chapter 47

1K 17 0
                                    

Third Person's POV

"Goodbye and see you in hell, mrs. Carter." Nakangising sabi ng traydor at tinaas ang kamay na may hawak na kutsilyo saka ambang isasaksak na sa babaeng natutulog ng may dagger na lumipad patungo sakanya at nadaplisan ang kamay niyang may hawak na patalim dahilan para mabitawan niya ito.

Gulat namang tumingin siya sa taong nakialam at para siyang tinakasan ng kaluluwa ng makita kung sino ang taong yon.

"P-panong? A-akala ko.." utal-utal na sabi niya dahil sobrang siyang nagulat na nandito pala ang taong ito.

Ang buong akala niya kasi ay nasa baba ito at nakikisama sa dalawa pa nitong kaibigan pero hindi niya akalain na nandito pala ito at nagtatago sa madilim na parte ng kwarto.

"Shock?" Nakangising tanong nito at nakapamulsang naglakad palapit dito. Napahakbang naman paatras ang traydor habang hawak ang sugatan niyang kamay.

"A-anong ginagawa mo d-dito? A-akala ko n-nasa baba ka." Utal na sabi nito habang paatras na naglakad para makalayo sa lalaking nasa harap niya.

"Kanina pa ko nandito pero hindi mo lang ako napansin dahil naka focus ang attensyon mo sa pagpatay sa natutulog na babae." Nakangisi pa ring sabi nito. Mas lalo pang lumawak ang ngisi nito ng makita ang panginginig ng kaharap.

"O nanginginig kana ata? Hindi ba at kanina lang ang lakas ng loob mong pagtangkaang patayin si mrs. Carter pero bakit ngayon nanginginig kana sa takot?" Sabi nito habang may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

Nang humupa ang panginginig ng traydor ay bumakas sa mata nito ang galit at mababasa sa mukha nito ang pagkadesidido. Desidido na siyang patayin ang target niya at wala na siyang pakialam kung sino pa ang kaharap niya. Kailangan na niyang magawa ang plano.

"Wag kang maki-alam dito Ramirez dahil wala akong paki-alam kung sino kapa at kung anong kaya mong gawin. Ang mahalaga sakin ngayon ay magawa ang pinag-uutos ni boss kahit buhay ko kaya kong ialay magawa lang ang plano namin." Seryosong sabi nito at naglakad ng baril na nakatago sa unipormeng pang katulong at akmang babarilin na si Kaious Ramirez ng maunahan siya nito at nabaril siya sa dibdib pero hindi naman siya mamamatay dahil hindi bala ang laman ng baril kundi tranquilizer.

Hindi pa niya pwedeng patayin ang traydor dahil kailangan pa nila ito para makakalap ng impormasyon sa mga kalaban.

"A-anong.." huling nasabi ng traydor bago nawalan ang ulirat at bumagsak sa sahig.

Napa-tss naman si Kaious Ramirez at lumapit sa kama saka tinignan kung maayos ba ang kalagayan ni Alisha na natutulog parin.

Nakahinga siya ng maluwag ng maayos naman ito dahil tiyak siyang malalagot siya sa asawa nito kapag may nangyareng hindi maganda sa mag-ina nito.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok dito sina Gail Santilyan at Bryan Lee.

"Wala manlang bang thrill? Ang hina naman ata ng pinadala nila para pagtangkaan ang buhay ng asawa ni Gray." Naiiling na sabi ni Gail Santilyan at lumapit sa nakahiga at walang malay na traydor.

"So siya pala yun. Ang espiyang pinadala ng kabilang organisasyon para patayin si Alisha. Tss maganda pa naman sana kalaban nga lang." Naiiling na sabi ni Bryan Lee at binuhat ang traydor saka lumabas.

Dadalhin niya ito sa basement nitong bahay ng mag-asawa para duon i-interrogate. Naiwan naman sina Gail Santilyan at Kaious Ramirez sa room.

"Call Gray right away at ipaalam mo ang nangyare ngayon." Utos ni Kaious. Si Kaious kasi ang nagbibigay ng utos kapag wala ang boss nilang si Axel Gray Carter dahil siya ang kanang kamay ni Gray.

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon