Chapter 33

1.3K 19 0
                                    

Alisha's POV

Nagsimula na ang celebration, from blowing the candles, sending messages to the birthday celebrant and of course handling the gift to Axel na kasalukuyan naming ginagawa.

We're here parin outside the cottage kung nasaan ang mga naka set na tables. Magkatabi kaming naka-upo ni Axel while nasa gilid at harap namin ang iba including Camille and Nina na hindi ko alam kung may masama bang binabalak. I really don't want their presence in here pero ayoko namang mag inarte.

Afterall may pinagsamahan din naman sila ni Camille and kahit papano she has the rights to attend in Axel's birthday.

Nakapag-abot na sila ng kanya kanya nilang mga regalo hanggang sa turn ko na.

"Go gurl ibigay mo na sakanya ang gift mo. For sure matutuwa yang asawa mo." Parang timang na sabi ni Linda. Pano ba naman para siyang bulate na binudburan ng asin dahil hindi siya mapirmi sa kinauupuan niya.

"Anong gift ba yon Linda?" Takang tanong ni mama pero nginitian lang siya ni Linda kaya bumaling sakin si mama at hinihintay na iabot ko ang regalo ko sa anak niya.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang parehabang box na mag ribbon kung saan nakalagay ang regalo ko. Dinig ko naman ang nakakainsultong tawa ni Camille at Nina.

"Oh my gosh! Are you that poor that you can't even buy Axel a gift? I pity you right Nina?" Nangiinsulto na sabi ni Camille.

"Yes your right Cams, like ew sana hindi nalang niya inilabas ang poor gift niya hindi na siya nahiya." Nina said.

"You two shut up! Alam niyo bang mas mahalaga pa sa mga buhay niyo ang regalo ng bessie ko ha?" Inis na sabi ni Linda at tumingin sakin. "Go give it to him already." Tumango naman ako at humarap kay Axel at inabot sakanya ang hawak ko.

"What is this wife?" Kunot noong tanong ni Axel.

"Open it husband." Nakangiting sabi ko.

Nagtataka man ay kinalas din niya ang pagkakabuhol ng ribbon at dahan dahang binuksan ang box at inilabas ang laman nito.

Dinig ko ang pagsinghap ng lahat ng makita kung ano ang hawak ni Axel at ang mga munting tilian ng mga pinsan niyang babae.

"Surprise. I'm 2 weeks pregnant husband." Nakangiting sabi ko. Nong una ay natatakot ako kasi baka hindi siya masaya sa ibinalita ko pero nag diwang ang kaloob-looban ko ng unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Sigawan at tilian naman ang maririnig namin sa buong paligid at sobrang saya ng nararamdaman ko at tuluyan ng nawala ang mga inaalala ko na nagpapabigat sa damdamin ko.

"Thank you wife. You don't know how happy i am right now because of this. I promise that i will always protect you. I love you my wife.." bulong niya na lalong nagpangiti sakin.

"I love you too husband and i am happy too dahil tanggap mo ang baby natin akala ko kasi.. akala k--"

"Shh.." aniya at tinakpan ng hintuturo niya ang labi ko. "Why would you think that i reject our baby? I am that bad for you to think that?" Kunot noong tanong nito pero umiling lang ako at pinatakan siya ng halik sa labi.

Naguumapaw ang saya sa dibdib ko dahil napasaya ko siya sa gabing ito at hinding hindi ko pagsisisihan na dumating siya sa buhay ko at minahal ko siya.

"Congratulation Alisha, Axel." Pag bati samin ni Papa at yumakap samin ng anak niya.

"Finally at magkakaroon na din kami ng apo na matagal na naming hinihintay kaya ikaw anak alagaan mo itong asawa at magiging baby niyo. Don't stress her dahil nakaka sama sa batang nasa sinapupunan niya." Pangaral naman ni mama.

"Of course mom, i will do it." Sabi ni Axel at sunod sunuran na rin ang pag bati samin ng mga kamag-anak niya at ni kuya Samuel well maliban pala kina Camille at Nina na nag walk out at masama ata ang loob kaya si Linda ang ang mga pinsang babae ni Axel ay hindi na magkamayaw sa pagtawa.

We celebrate Axel's birthday with joy at celebration na din daw ito sa pagdating ng munting anghel samin at masaya naman naming idinaos.

Hanggang alas-otso lang ang itinagal ko sa party dahil pinilit na ko nina mama at ng asawa kong OA na matulog na.

How can i say that Axel is OA? Well todo alalay kasi siya yong bang tipo na kada lakad ko ay ingat na ingat siya na baka mamali ako ng lakad at madapa ako, anong akala niya sakin isang 2 years old na bata na hind pa marunong lumakad? So spell OA! A-X-E-L!

Pero bago ako natulog ay nagpatimpla muna ako kay Nana ng gatas at nagpa handa ng cookies. Since kasi nalaman ni Nana Sonya na buntis ako at cookies ang pinaglilihian ko palagi na lang may nakastock na cookies para kapag nanghingi ako ay ibibigay nalang sakin at hindi na hassle na magb-bake palang.

Binuhat na din pala ko ni Axel papunta sa kwarto namin dahil baka daw malaglag ako sa hagdan at mabuti na daw yong siguradong safe kami ni baby at pinabayaan ko nalang na buhatin niya ko

Maingat naman niya kong ibinaba sa kama at kinumutan saka hinalikan sa noo.

"Sleep tight wife. I'm just here at babantayan kita. Good night and i love you." Aniya at pinatakan ako ng halik sa labi.

"Good night din husband. I love you too." Nakangiting sabi ko at pumikit na hanggang sa tuluyan na kong naka tulog.

Camille's POV

"AAARGGGGHHHHHH!! BWESITT KA TALAGA ALISHAAAA!!" Galit na sigaw ko. I don't need to worry na baka marinig ako nila tita dahil malayo naman kami sa kanila infact we're here in the middle of the forest kaya sure akong kahit magsisigaw ako dito ay walang makakarinig.

"What do you do now Cams, that b*tch is pregnant at mas malakas na ang kapit niya kay Axel dahil sa batang dinadala niya." Tinignan ko naman ng masama si Nina.

"I will do everything para mawala sa landas namin ni Axel ang mag inang yon. Wala akong pakialam kung kailangan ko silang patayin basta ba mawala na sila sa landas namin ni Axel." Galit na sabi ko at pinagbabato ang hawak kung kunai sa puno.

I know your wondering kung bakit ako may hawak na kunai. Simple lang naman, i'm part of an organization, a mafia organization to be exact at ganon din si Axel kaya marami ang gustong magpabagsak sakanya dahil sa malakas ang kapit niya sa underworld. He's soon to be a mafia king kaya nga nagdesisyon sina tito Tyron na ipakasal siya para mapanatiling ligtas ang titulo niya bilang tagapagmana sa underworld.

"So your gonna kill her? What if malaman ito ni Axel? Hindi natin kaya ang partido nila idagdag mo pa na siya ang tagapagmana sa underworld." Yes, Nina also part of an mafia organization. Pareho kami ng organisasyon.

"Mas higit pa don ang gagawin ko Nina. Sisiguraduhin ko na kamumuhian ni Alisha si Axel kapag nalaman niya na ginamit lang siya ni Axel para protektahan ang titulo niya." Nakangising sabi ko at binato ang huling kunai na hawak ko.

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon