Chapter 27

1.3K 22 0
                                    

Alisha's POV

Today is the day na aalis na kami papuntang Palawan dahil bukas na ang birthday ni Axel.

Nandito na kami ngayon sa rooftop ng kompanya nina mama Zyrine at papa Tyron dahil eroplano ang gagamitin naming sasakyan.

Nagbago na kasi ang isip nina mama at papa at para na din daw isahan na lang ang byahe namin kaya magsasama sama na kami sa isang eroplano para sabay sabay na din.

Private airplane yon ng mga parents ni Axel, o diba ang yaman nila hehe.. sayang nga at hindi makakasama si Lolo dahil nga hindi pa siya pwedeng umuwi sa dami ng gawain niya don sa paris.

"O ano nakahanda na ba ang lahat? Wala na kayong naiwan?" Tanong ni papa at nagsitanguan naman kami at kung tinatanong niya kung bakit wala kami sa airport ay dahil maluwag naman ang space nitong rooftop ng kompanya ng parents ni Axel kaya pwedeng pwede itong paglanding-an ng eroplano.

Nang masigurong nakahanda na nga ang lahat ay nagsimula na kaming umakyat sa eroplano well nauuna sa amin sina mama at papa at kasunod naman kaming mag-asawa and so on so fourth.

Kanya kanya kaming hanap ng pwesto at napili ko sa may gitnang row dahil ayoko namang maupo sa unahan o di kaya'y sa ulihan. I want to be in the middle line.

Nang maka-upo na kami ay kinuha ko na ang baon kong cookies at gatas sa tumbler ko. Nagugutom na naman kasi kami ni baby e.

"Wife your hungry again? Kakakain palang natin kanina then kakain ka na naman?" Kunot noong tanong ni Axel. Mukhang napansin niya na ang pagiging gutumin ko but this is not the right time to tell him the good news.

"Yes husband. Wala namang nagba bawal na bawal akong kumain diba saka ayaw mo non hindi gugutumin ang mahal mong asawa." Sabi ko sabay hagikhik. Naiiling naman itong natawa at kinabig ako saka hinalikan sa noo.

I really love his sweet gesture.

Ah siya nga pala dumaan na din kami kanina ni Linda sa kakilala niyang OB gyne para magpacheck up and i'm 2 weeks pregnant na. Niresetahan lang ako ng mga vitamins na agad naming binili ni Linda at sinabi lang sakin ni Doctora ang mga dapat at hindi dapat gawin. Wala pa kong ultrasound picture dahil hindi pa naman umaabot ng isang buwan ang pagbubuntis ko.

Napahimas ako sa tyan ko after kong maubos ang gatas sa tumbler ko at cookies ko. Magpapagawa nalang ulit ako kapag nakarating na kami sa Isla.

"You should sleep first wife, malayo layo pa ang pupuntahan natin." Ani Axel at pinasandal ako sa balikat niya.

Nabanggit na nga ni papa na na baka mga isang oras daw ang magiging byahe namin kaya dapat ngang matulog na muna ko kasi nakaramdam na din ako ng antok.

Hindi na ko umimik at pinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na kong nakatulog.

Nagising ako sa isang malambot na kama kaya dali dali akong napabangon. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at puro puti at kulay purple ang makikita mo sa kwarto na kinalalagyan ko.

'Nasan ba ko?'

Nasagot ang katanungan ko ng bumukas ang pintuan at pumasok don si Nana Sonya na may dalang baso ng gatas at cookies sa isang tray. Mukhang kabisado na ni Nana ang pinaglilihian ko.

"Mabuti naman at gising kana hija. Dinalhan nga pala kita ng gatas at cookies." Aniya at inilagay sa bed side table ang tray na dala niya.

"Kanina pa po ba tayo dumating Nana?" Tanong ko at inumpisahan ng inumin ang gatas at kumain ng cookies.

"Mga isang oras na tayong lumapag dito sa Isla. Hindi ka na ginising ng asawa mo dahil napakahimbing ng iyong tulog." Napatango-tango naman ako. Sayang naman kasi hindi ko nasilayan ang Isla kasi tulog ako.

"Nasan na nga po ba sila?"

"Nasa baba ang asawa mo kasama ang mga kaibigan niya, ang mga byenan mo naman at nagtatampisaw na sa dagat, si miss Linda naman ay sumama na din don at sila Maya at Mila nasa kusina at naghahanda ng iluluto para sa hapunan." Ah oo nga pala tanghali kasi kaming bumyahe kaya hapunan na ang inihahanda nila Mila buti nga hindi kami inabutan ng gabi sa pagbyahe no.

"O siya hija at bababa muna ako at tutulongan ko sina Mila sa pagluluto." Ngumiti at tumango ako dito kaya lumabas na si Nana sa room na kinalalagyan ko ngayon.

Dali dali kong tinapos kainin ang mga cookies at inisang lagok nalang ang gatas since hindi naman na mainit at inayos ko na muna ang sarili bago ko bitbitin ang tray at lumabas na ng kwarto.

Hindi naman ako naligaw dahil hindi naman kalakihan itong bahay at kung tama ako isa itong cottage na may dalawang palapag.

Pagkababa ko ay nakita ko si Axel at ang mga kaibigan niya na abala sa pag lalaro ng chess pero nong makita ako ay dali dali itong tumayo at lumapit sakin.

"Let me." Aniya at aagawin na sana ang dala ko ng ilayo ko ito sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Dinig ko naman ang pagsipol nong tatlo dahil nakita nila ang ginawa ko.

"Ako na saka bumalik kanalang sa paglalaro dadalhin ko lang ito sa kusina." Nakangiting sabi ko. Huminga ito ng malalim at tumango saka hinalikan ako sa labi na siyang ikinapula ng mukha ko dahil naghiyawan ang tatlo sa likuran niya.

Namumulang tumalikod ako papunta sa kusina at nakita ko sina Nana, Mila at Maya na abala sa pagluluto at may kanya-kanyang ginagawa.

Naglakad ako palapit sa lababo at inilagay don ang bitbit ko. Napansin naman ako ni Maya.

"Ma'am Alisha bakit ka po nandito?" Tanong nito at pinunasan ang kamay.

"Hinatid ko lang ang pinagkainan ko. By the way anong niluluto niyo? Mukang ang sarap e." Curious na sabi ko.

"Nagluto kami ng sinigang na hipon dahil request ito ni ma'am Zyrine pero may ibang putahe din naman kaming niluto kaya nalang ng bulalo, adobong manok, at sisig." Si Mila naman ang sumagot. Tango lang ang tugon ko sakanila at nagpaalam na lalabas na muna.

Hindi na ko napansin ni Axel dahil abala na ito sa paglalaro kaya naiiling na lumabas ako ng cottage.

Sa may di kalayuan ay nakita ko na ang dagat at medyo madilim na din dahil lumubog na ang araw.

Nakita ko sina mama, papa at Linda sa dagat na nagtatampisaw. Kung tatanungin niyo kung bakit kami kami lang susunod nalang daw ang iba like mga ibang kamag-anak ni Axel tulad ng mga pinsan niya at hindi na din sumama ang mga maids nina mama para daw may bantay ang mansion nila.

Nakangiting pinagmamasdan ko sila mula dito sa kinatatayuan ko at hindi na ko makapaghintay ng bukas para sabihin ang magandang balita kay Axel.

Camille's POV

"I've heard na pumunta daw sila sa private island ng mga Carter to celebrate his birthday." Sabi ni Nina my one and only friend while holding a glass of wine.

I smirk. "Of course i know that and since it's his birthday i will surprise him and it is the right time for me to meet that b*tchy wife of my Axel." I said as i sip on the glass of my wine.

"Yeah right and i'll come with you. I also want to see Kaious."

"Of course Nina, let's make a grand entrance for their celebration." I said and smirk before we cheers and drink our glass of wine.

'wait for me babe..'

I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon