Alisha's POV
Hanggang ngayon at tulala pa rin ako sa nangyari kanina. Like what the f*ck lang diba? Si Axel ba talaga yon? At ang mga sinabi niya sakin kanina ay nakakapantunaw ng puso. Like kung hindi niya lang ako hawak kanina baka tumumba na ko sa sahig dahil nanghihina na ang mga binti ko.
"Hija are you okay?" Worried na tanong ni mama at hinawakan ako sa kamay. Ngumiti naman ako.
"Don't worry mama okay lang po ako." Sabi ko. Kaming dalawa lang ni mama ang nandito sa table dahil ang dalawang lalaki ay nakikipag usap sa mga bigating tao gaya nila.
"Glad to hear that. By the way Alisha be ready yourself kasi at the end of this event ay ipapakilala ka na namin as Gray's Wife and our daughter-in-law."
"P-po? Diba po dapat secret lang ang marriage namin ni Axel? Bakit po ipapakilala ako?" Gulat na tanong ko kasi totoo naman yon e. Axel wants this marriage to be secret kaya naki go with the flow nalang ako.
"Gray's wants Alisha and its better na din para malaman na ng lahat na may asawa na ang anak naming yan." Hindi nalang ako umimik at nanahimik na sa isang tabi. Bigla kasi akong kinabahan. Kung di niyo na itatanong napaka nerbyosa ko talaga.
"Ehem!" Napatingin kami sa stage at nakitang nandon si papa with Axel on the stage at si papa na may hawak na microphone. "May i have your attention everyone." Panimula ni papa at natuon naman sakanya ang attensyon ng lahat.
"Thank you for your attention everyone. Before this event will end me and my wife have a special announcement for all of you so uhm me i call my beautiful wife and my beautiful daughter in law to come up to the stage?" Napuno ng bulongan ang buong venue dahil hindi ata nila inaasahan ang ugnayan ko sa pamilyang Carter.
"Let's go hija." Aniya mama at tumayo na kaya sumunod kami.
"What?! Daughter in law?"
"So its mean she's my huband's wife? Gosh she's not pretty naman. I'm way prettier than her."
Luh kanina pa to ah. May issue yata to sakin at bakit ba kini-claim niya na asawa niya ang asawa ko. Pero kung sabagay libre lang pala ang mangarap so hindi ko babasagin ang trip niya kasi nga diba walang basagan ng trip.
"Argh! Kung kasal na sila bakit hindi ko nabalitaan? Sikat ang pamilyang Carter so its impossible na hindi ito lumabas sa media."
Malamang hindi talaga ito lalabas sa media kasi nga mga relatives and close friends lang ang inimbitahan sa kasal.
Inalalayan ni papa si mama na maka akyat ng stage habang inalalayan naman ako ni Axel at sabay sabay na kaming naglakad papunta sa center ng stage.
Kinuha ni mama ang microphone kay papa at siya ang nagsalita.
"I know all of you are wondering kung bakit hindi lumabas sa media ang pagpapakasal nila. It's just simple lang naman because we make it a private wedding." Explain ni mama dito at mas lalong maraming umatungal na kababaehan like hindi nila matanggap na kasal na ang isang Axel Gray Carter na siyang hinahangaan nila.
"So i would like to introduce to all of you that this girl beside my son was my daughter in law. She's Alisha Mae Santos - Carter." I just smile a bit dahil ayoko namang mag mukang matapobre no. Nakangiting binigay ni mama ang microphone kay Axel na tinanggap naman nito at inakay ako sa pinaka unahan ng stage.
"I am sorry for keeping our wedding in private but that's what our both families wants. Now i expect everyone of you to respect my wife just like on how you respect the whole family Carter because she is belong to the Carter family and when you try to harm my wife think again because you will know what i am capable of doing. That's all." Aniya sa malamig niyang boses. Muntik pa kong mapa irap kasi naman nambanta pa. Hayy..
Matiwasay na tinapos ni mama at papa ang event at ngayon ay nandito na kami sa hotel rooms namin. Yes po hotel rooms kasi sabi ni mama ay dito na kami magpalipas ng gabi dahil sa late na din. May mga bisitang umuwi na but there are some guest na nag stay dito sa hotel dahil pagod na itong bumyahe.
Nakapag bihis na din kami ni Axel dahil nakaplano na pala ni mama ang dito na kami pagpalipasin ng gabi kaya may mga damit ng nakahanda dito.
Ngayon nga ay nakahiga na kami and yes magkatabi po kami. It's fine with me naman na magtabi kami kasi we're married naman pero may espasyo pa rin sa gitna namin just to make sure hehe..
"Uhm.. Axel.." tawag ko dito habang nakatitig ako sa kisame. Alam ko naman na gising pa ito.
"Hmm.."
"About what you said in the event.. is.. is that true?" Syems! Parang nag rarambulan ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Malay ko ba na jino joke time niya lang ako at pakitang tao niya lang ang sinabi niya sakin kanina.
"Yes, it's true that i am starting to like you. I don't care if you don't like me but i'll do everything to make you fall in love with me." Aniya kaya napalingon ako sakanya at nakatingin din pala ito sakin.
Wala akong makapa na sasabihin kasi nasa state of shock pa rin ako sa mga narinig ko sakanya at hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ko and for the second time ngumiti na naman siya sakin ng totoo.
Umusog ito palapit sakin at niyapos ako saka sumiksik sa leeg ko. Nakikiliti ako sa hininga niyang tumatama sa leegan ko.
"Let's sleep wife i know that you're tired. Good night and dream of me." Malambing na sabi niya at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako ng wala sa oras bago ko naramdaman na sumiksik na naman siya sa leeg ko kaya nakangiti akong natulog.
'The feeling is mutual husband.. i am starting-- no i am already falling for you..'
BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...