Alisha's POV
Kanina pa naka-alis si Camille at Nina mula sa kwarto-- hindi bodega pala kasi hindi naman mukhang kwarto to e.
Kanina parin ako nagmumuni-muni kung totoo nga ba ang mga sinasabi ni Camille kanina o way lang niya yon para magalit ako sa asawa ko.
At malalaman ko lang ang totoo kapag nakatakas ako dito. Pero pano ko naman yon gagawin e ni hindi ko nga makalas itong pesteng tali nato sakin mukhang love na love ako e hindi kasi bumubitaw sakin hehe..
Aish! Ano kaba naman Alisha nasa kapahamakan kana nga nagagawa mo pang magbiro hayy..
'Husband naman kasi nasan kana ba? Bakit ang tagal mo kaming mahanap? Akala ko ba mafia ka kaya dapat sa mga oras nato natuntun muna kung nasan kami ng anak mo!'
Ilang beses akong napabuntong hininga at napasandal nalang sa pader hanggang sa unti unti na naman akong nilalamon ng kadiliman zzz..
Third Person's POV
Ilang mga sasakyan at mga big bike ang sunod sunod na nagsidatingan sa hide out ng Spike Organization pero sinisigurado naman nilang hindi sila mahahalata kapag lumusob sila sa kuta ng mga kalaban.
"Just stick to the plan at siguraduhin niyong walang papalpak. Understand?" Maotoridad na sabi ni Axel Gray Carter habang matiim namang nakikinig ang mga tauhan niya.
Sina Gail Santilyan at Bryan Lee ang naka-atas na tumulong sakanya sa pag hahanap kung saan nakakulong ang asawa niya.
Ang kanyang mga pinsan naman na sina Arcane Cooper, Calisto, Mason & Xander Carter ay siyang lalaban sa mga tauhan ng Spike Organization but they should make it in silent yon bang hindi makakapaghanda ang mga kalaban nila.
Hindi na din sumama ang King and Queen dahil alam naman nilang kaya na yon ng magpipinsan at isama mo na din ang dalawang kaibigan ni Axel. And if your asking where is Kaious Ramirez, siya naman ang look out nila at kasalukuyan niyang hinahack ang system ng buong hide out para mahagip man sila ng CCTV camera ay hindi sila makikita.
After ng konting paalala ni Axel sa mga plano nila ay nagsihanda na din sila. Dadaan sila sa mataas na bakod ng hide out para hindi maalarma ang mga kalaban nila at sina Axel, Gail at Bryan ang nangunguna sa pagpasok dahil ang mas priority nila sa mission na ito ay iligtas ang target ng hindi ito nasasaktan inshort it's a rescue mission of the Black Sphere Organization.
Agad naman silang nakapasok sa bakod ng hide out at nagtago sa isang puno ng may makitang kalaban na dumaan. Nang masigurado nilang wala na ito ay saka sila nagmadaling naglakad papasok ng hide out nang walang nakakapansin sakanila.
"Let's split up para mapadali ang paghahanap natin sa asawa ko. I'll be in the second floor with Lee and you Santilyan ang bahalang maghanap dito sa baba." Agad naman silang nagsikilos at umakyat na sa ikalawang palapag sina Lee at Carter.
Hindi pa pumapasok sa bakod ang mga kasama nila dahil ang usapan ay papasok lang sila kapag kailangan na nila ng back up kaya matiim silang naghihintay sa utos ng boss nila which is Axel.
Ilang mga pinto na din ang nabuksan nila but still no sign of Alisha kaya inis na inis na si Axel dahil ilang pinto na ang nabubuksan nila pero hindi pa rin niya nakikita ang asawa niya.
"F*ck! Where the hell is she?" Inis na tanong niya sa sarili niya at sinabunutan ang buhok niya.
"Relax kalang boss mahahanap din natin si Alisha." Pagpapakalma ni Lee dito pero mukhang hindi naman ito kumalma hanggang sa--
"HOY SINO KAYO?!" Sigaw ng isang kalaban at papuputukan na sana sila pero mas mabilis si Axel at naunahan niya itong paputukan at tumama ito sa dibdib ng kalaban.
Dahil sa putok na nagawa nila ay nag si-akyatan ang ibang mga tauhan ng kalaban at pinaputukan sila pero mas mabilis ang mga galaw nila kaya wala ni isa ang nakakatama sakanila.
"We need a back-up." Sabi ni Axel sa earpiece at dinig naman niya ang hiyawan sa kabilang linya. Halatang- halata na kanina pa gusto ng mga ito na sumabak sa laban.
*BANG!*
*BANG!*
*BANG!*
Matinding sagupaan ang naganap sa second floor at dinig na din ang mga putukan na nangyayare sa labas at sa baba ng hide out.
May isang kalaban ang naputukan niya sa paa kaya nilapitan niya ito at sinuntok sa mukha gamit ang dulo ng baril.
"Now tell me f*cker where did you bring my wife?!" Galit na tanong ni Axel sa kalabang nanginginig na sa takot.
Sino ba naman ang hindi matatakot e kung ang mukha ni Axel ay handa ng lumapa ng kalaban.
"H-hindi k-ko a-alam.." nanginginig na sabi nito pero mali ang isinagot niya kaya sa galit ni Axel ay pinaputukan pa siya sa isa pa niyang paa at sinuntok pa sa sikmura kaya namimilipit na ang kalabang nasa harap niya.
"You will tell me where is my wife or i'll kill you right here right now. You choose." Madiin na sabi niya at tinutukan ng baril sa noo ang lalaki na mas lalong nanginig sa takot.
"O-oo na.. o-oo na s-sabihin kona.. n-nasa b-bodega ang b-babae s-sa likod n-nitong hide o-out.. m-maawa ka w-wag mo a-akong p-patayin.."
"Mercy? Sorry not sorry but i don't have mercy on my enemy." Seryosong sabi ni Axel at pinaputukan sa noo ang kalaban.
Hindi na niya pinansin ang kaguluhan sa paligid niya at agad siyang bumaba para pumunta sa bodegang tinutukoy ng lalaking yon.
Natunton naman niya agad ito kaya nagmamadali siyang naglakad papunta dito ay! Hindi na nga pala lakad kundi takbo na ang ginawa niya dahil nag-aalala na siya sa asawa niya.
Agad niyang binuksan ang pinto ng bodega at inilibot niya ang paningin sa loob. Umusbong ang galit niya nang makita niya si Camille na hawak hawak ang asawa niya habang may nakatutuk ditong baril at si Nina na nasa tabi habang nakatutok naman ang baril sa kanya.
"I didn't expect that you easily find our hide out kahit tago na ito." Nakangising sabi ni Camille.
"Let go of my wife and i'll spare your life, Chua." Malamig na sabi ni Axel. Malakas namang tumawa si Camille.
"I'm not that stupid to believe you, my dear Axel. Kahit naman palayain ko ang babaeng to hindi mo parin naman ako bubuhayin kaya bakit ko gagawin yon kung hawak kona ang alas ko." Nakangising sabi ni Camille.
Nagtagis naman ang bagang ni Axel ng makitang pinagduldulan ang dulo ng baril sa sentido ng asawa niya.
"H-husband.." naiiyak na tawag sa kanya ng asawa niya.
"Oh.. how lovely the two of you. Ang ganda niyang pagmasdan pero at the same time nakakasuka. Cams let's just kill her."
"Don't be in rush Nins. Nagsisimula palang ako.."
BINABASA MO ANG
I Married the Cold Hearted Billionaire ✔️
RomanceNormal lang naman ang buhay ko noon. Focus on my business, hang out with friends and bonding with my lolo. NOT until nalaman ko na ikakasal na pala ko. Ang dating nananahimik kong puso ay bigla nalang umingay at nagwala. I am Alisha Mae Santos and i...