Chapter 2

47 3 0
                                    

NAPAKURAP-kurap ako nang may tumabi sa akin. I glanced at him and I saw that it was the Adorian himself. Who turned to be our cousin. Tumabi ito sa akin sa may veranda. Now, we're both looking at the nightsky, and the dark ocean. Mahinang umiihip ang hangin at mapayapa na ang buong lugar.

"Hindi pa pala ako pormal na nakakapagpakilala sa iyo. Ako si Piero Laquer, panganay akong anak ng dalhe ng iyong ama. Si Dorcas Laquer. Masaya akong nakilala at nakita na rin kita, Lily." Maya-maya'y sambit niya. His tone even seemed optimistic in my ears.

Pasikretong umikot ang mga mata ko. "May pangalan ako. Lillian. At iyon ang para sa iyo. Lillian. Hindi Lily. Only my brothers and my nanay at tatay can call me that."

Narinig ko ang mahinang paghalakhak nito. "Masungit na ang mga kapatid mo, pero mas masungit ka pala. Ipinapaalala mo lamang sa akin ang isa ko pang kapatid. Mas matanda nga lamang siya sa iyo, panigurado."

And I don't care. Bakit ba siya nandito? Bakit hindi si kuya Leon ang guluhin niya? O ang iba ko pang kapatid? Mas magkakasundo sila. Kailangan talaga ako pa ang bulabugin niya.

"I hate you. I hate you for coming here." I said that out loud because I know he would not understand. "I hate you dahil kailangan mo pang sirain ang buhay namin dito. I hate Adora dahil ipinapahamak niya ang buhay ni kuya Baste. I hate all of you because I want to be here."

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at pagbuntong-hininga. While I clasped both of my hands as I felt my anger again from earlier.

"Now my brothers don't have a choice. My tatay doesn't have a choice. All because that Adora self-destructed." Naiinis kong sabi habang linalabanan ang mga luha.

Oh how I hate this! Sa tuwing magagalit ako ay umiiyak ako!

"Fair enough." I froze when I heard that from him. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kaniya. Ngunit tulad ko rin ay nanlalaki rin ang mga mata niya. He even put his tongue out as if to check anything!

"Sinungaling!" Agad ko siyang dinuro. "Sabi mo hindi ka nakakapagsalita ng lengguwahe namin! Well, it turned out, you can! Sabi ko na! Ginagamit mo lang kami dahil wala na kayong kapangyarihan. You're just going to use us for your own good! Habang kami, ipapahamak ninyo! Selfish brats!"

"No. Calm down, okay? Kumalma ka, Lily. This might even be a good news!" Ngumiti pa siya pero itinulak ko lang siya palayo. That didn't faze him, though. Nakangiti pa rin ito at tila tuwang-tuwa. "May mahika ka pa rin! Balanseng mahika ng Adora! Maaari mong mailigtas ang mundo natin, Lily!"

I sharply looked at him. "Don't ever call me, 'Lily'! At isa pa, baka mundo NIYO at hindi natin! You're just using me!"

"Hindi, hindi, pangako. Trust me, I'm not using you, Lillian. I'm trying to save all the Adorians. And you can do that!" Muling lumawak ang ngiti sa labi niya. But suddenly, he stared straight at my eyes, he became quiet. Bahagyang nangunot ang noo niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Now, you're trying to read my soul---"

"I should have known..." He mumbled. "Your eye colors tell me everything I need to know. Ikaw nga ang maaaring makatulong sa amin, Lillian."

Napanganga na lang ako dahil hindi ako makapaniwala. "Anong---my eye colors told you everything? Wow! Na ano? Na may heterochromia akong eye condition? Yes. Brown and blue eyes. I have centered heterochromia and it doesn't have anything to do with saving Adora. Gets mo ba, ha?"

Parang may sayad 'to sa utak, ha? He's still smiling. "It might be. But that tells us that you're the perfect balance of a mortal and an Adorian. Maaaring hindi ka atakihin dahil sa dugo mong mortal pero magagamit mo ang mahika mo bilang Adorian. You have more advantages than your siblings, that's for sure."

AdoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon